CHAPTER 11.2: SURPRISE

356 12 6
                                    

A/N Sorry for the late update nagkasakit si author at walang load si author sa net

This chapter is dedicated kay Eichii my BABY hahahhahahhaa

Hindi na ako makatulog ng hindi naririnig ang boses mo…

I LOVE YOU BABY

CONTINUATION PO ITO NG FLASHBACK LAST CHAPTER

CHAPTER 11.2: SURPRISE

PATRICIA LORAINE CUENCO POV

3 YEARS AGO

Lumipas ang mga araw na si Eris lang ang kasama ko. Pinunan niya yung pwesto nila Jiea sa buhay ko…

Lagi niya ako sinasamahan saan man ako magpunta.

Unti-unti pinapatunayan niya kung gaano niya ako kagusto

At alam ko nahuhulog na ako…. Para akong gamu-gamo na nadadarang sa apoy at ang apoy na yun ay si Eris.

Mahal ko na siya MAHAL na MAHAL… Hindi lang ako basta nahulog sa kanya na-adik na din ako sa kanya..

Dahil dito naiisip ko na panahon na siguro para sagutin siya ngunit hindi ko alam kung paano…

Hindi naman pwedeng ako ang magtapat at magtanong babae pa rin naman ako at hindi din ako sanay sa mga ganitong bagay.. Kung nandito lang sana sila Jiea hindi ako mahihirapan ng ganito… Haizt,,,

Kailan kaya niya ako tatanungin?

Papunta ako ngayon sa locker ko kukuha ako ng ilan libro para sa susunod na subject ko. Pero hinarang ako ni Elbert isa sa mga member ng soccer team at isa sa mga malapit na kaibigan ni Eris. Mukhang galing siya sa pagtakbo.

“Patricia! Sumama ka sa akin! Si Eris BILIS!” habol na hininga na sambit  ni Elbert bakas ang pagmamadali sa tinig niya. Kaya nakadama ako ng pag-aalala.

“ano nangyari kay Eris!?” panic na tanong ko sa kanya.

“naaksidente siya habang nagprapractice kami! Basta tignan mo na lang dun sa gym!” sabi niya sa akin sabay hila sa kamay ko papunta sa gym. Bakit sila nasa Gym!? E diba sa Field lang naman sila nagprapractice!? Pero binalewala ko na lang yung tanong ko sa isip ko at nagpatangay na lang sa paghila ni Elbert.

WE don't want to be BROKEN again (On-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon