A/N: BASAHIN ANG DULONG MENSAHE MAY PREVIEW DOON
Comment and recommend
CHAPTER 20: ONE SIDE
THIRD PERSON’S POV
Naging madali sa kanila ang pagbubukas ng Serendipity dahil na rin sa kanya kanyang connection ng grupo. Nakatulong din na ang mga supplies na kailangan nila ay nang-galing sa kanya kanya nilang business. Kaya ang ilang buwang dapat gugulin ng isang negosyante sa pagbubukas ng business ay dalawang linggo lang nila ginugol,.
Ngayon nga ay nandito sila sa café para sa ilan final touches. Ngayon din darating ang mga furniture na galing mula sa furniture business nila trick
Dumating ang grupo sa café. Hand’s on ang mga ito sa bawat detalye ng café dahil ayaw nilang pumalpak and besides grade nila sa isang major subject ang nakasalalay sa café na ito.
Samga nakakakita isang ordinaryong pagsasama lang ng isang grupo yun pero sa kanila higit pa doon ang nangyayari.
Kay keyslie na lubos na nahuhulog sa lalaking kasama niya parati si Enzo. Sa mga simpleng titig na akala ng iba wala lang pero pag sila ang nagtitigan ay may kakaibang kahulugan. Aminado si Kaye na Masaya siya. Pero hindi pa rin mawawala yung takot. Takot na baka masaktan lang siya lalo’t mabait naman talaga si Enzo. Natatakot din siya na baka siya lang ang nag-iisip na espesyal ito. One-sided attraction ba. Kaya hanggang maaari ay gina-gwardyahan niya pa rin ang sarili niya. Dahil kung may isang bagay siya na kinakatakutan ay ang masaktan.
May biglang pumasok na babae sa café. Napaangat ang mata ang lahat pati na si kaye.
Sino naman kaya ito? Yan ang nasa isip niya. Dahil una sa lahat hindi pa sila bukas para tumanggap ng mga tao maliban na lang kung may kilala siya sa amin. Ipagwawalang bahala na sana niya ang lahat at babalik na sa ginagawa. Nang bigla itong magsalita.
KEYSLIE’s POV
“Honey”
Napa-angat ang ulo ko ng marinig ko yun. Maliban sa curious ako kung sino si Honey ay mapapaangat talaga ang ulo mo sa lakas ng boses nung babae. (-_______-)
Tinignan ko ang pinagmulan ng boses dun pala galing sa babaeng maganda tinignan ko kung sino ang tinawag niya.
Noong una eto reaction ko pati ng iba
(O____O)
Lalo na nung tumakbo yung babaeng mangkukulam kay Enzo yes mangkukulam na hindi na maganda! Hmp!
“Ivy?” sagot naman ni Enzo tinignan niya ito at niyakap din ito “kailan ka pa dumating? I miss you honey!?”
Napayuko na lang ako lalo na ng niyakap na ni enzo pabalik ang HONEY niya. Bumalik na lang ako sa pagtatype sa laptop ko para iiwas ang atensyon ko sa kanila. Pero ang hirap lalo na at naririnig mo ang mga sweet nothings nila sa isa’t isa.gaya nito
“kumain ka ba Honey?” mangkukulam
“yeah. We ate already. Akala ko next week pa dating mo?” tanong ni Enzo
“E miss na kita honey e kaya pinaaga ko pa lalo… namiss talaga kita!” at niyakap uli ni mangkukulam
Haizt, napabugtong hininga na lang ako at pinilit ilagay ang atensyon sa ginagawa ko
“ok ka lang?” mahinang tanong sa akin ni Jiea
Ngumiti lang ako at tumango.
Sa totoo lang hindi ako ok. Ni hindi ko maintindihan ang nasa harap ng laptop ko ni hindi ko alam kung tama pa ba ang mga sinusulat ko ang alam ko lang masakit yung puso ko… sabi ko na nga ba tama ang naging desisyon ko. Tama na hindi ako gaanong umasa sa lahat ng pinakikita niya. Pero bakit ganon kahit hindi ako umangal. Kahit hindi ako umaasa. Bakit ang sakit sakit ng lahat.

BINABASA MO ANG
WE don't want to be BROKEN again (On-GOING)
Novela JuvenilA story of 4 girls who experienced LOVE and got hurt... They are all BROKEN. Will they give LOVE a chance? or they will let their fear of LOVING someone become a hindrance to find their REAL HAPPINESS... (FILIPINO STORY)