CHAPTER 5: MY SADIST LOVER
TRICK’s POV
Kung sinusuwerte ka nga naman oh. Makakatabi ko pa si Miss Ganda sa upuan. Kaso mukha talagang masungit kasi ni hindi ako tinapunan ng tingin habang paupo na ako busy lang siya sa pagpindot ng cell phone niya. Hindi ba niya nakikita ang kagwapuhan ko?
Pindot lang siya ng pindot sa cellphone niya habang nagkaklase kami. Hmmm ano kaya ang pwede kong gawin para mapansin niya?
At may naisip ako bigla.
“Ma’am!”-sabi ko sabay taas ng kamay lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa akin including this Beautiful lady beside me. Hindi ko mapigilan mapangiti sa loob ko dahil alam kong nakuha ko na ang atensyon niya.
“Yes Mr. Raymundo?” –Prof
She really looks puzzled as she looks at me. Tama yan Miss ganda tignan mo ako para mahulog ka na sa akin. Ok Trick san mo nakuha yun?
“Is using cell phone during class ok?” –I said
“Of course it is not allowed. Why Mr. Raymundo?” –Prof
Tinignan niya ako at kita ko sa mata niya na nagpanic siya. As she realized what I have been planning. She unconsciously grabbed my hand as if telling me na wAg ko siya isumbong. Hindi ko mapigilan magdiwang sa loob ko nung hinawakan niya ako sa kamay. Ang lambot ng kamay niya ang sarap hawakan habang buhay. Tsk ang lakas makabakla pala ng babaeng ito. Masaya na sana ako lalo pero bigla niyang binatawan ang kamay ko. Hindi ko maiwasan manghinayang nung binitawan niya ako. TSK!
“Nothing Ma’am I was just clarifying the rules” –I said hmmmmmm di ko naman kayang ipahiya ito baka magalit sa akin at lalong hindi ako pansinin.
Hayz balik nanaman siya sa pakikinig sa prof namin at hindi nanaman niya ako pinapansin kaya lumapit ako sa kanya para kausapin pero ewan ko ba kung bakit ganito ang lumabas sa bibig ko..
“Aren’t you saying thank you to me?” –sabi ko sa kanya ng pabulong
“NO. Why should I?” –ang sungit talaga ni miss ganda.
“Because I saved your cp for confiscation and I saved you from getting humiliated in the class” –ako
“If I remember it correctly ikaw ang dahilan kung bakit sana ako mapapahiya kaya bakit ako magpapasalamat sa’yo?” –Jiea
“So mas gugustuhin mo pang mapahiya kung ganoon? Ok.” Itataas ko na sana uli ang kaway ko pero pinigilan nanaman niya, buti naman at nahawakan nanaman niya ang kaway ko na agad naman niyang binitawan. TSK BITIN!
“Thank you ok? Now satisfied?” – si Jiea na mukhang naiinis na
“Ayaw mo yata eh” –okey Patrick mukhang maiinis na siya at dapat mo ng tigilan yan kung gusto mo si Miss Ganda
Pero nagulat na lang ako ng ngumiti siya ng ubod ng tamis. Ewan ko ba pero pakiramdam ko tumigil lahat sa paligid ko. Pakiramdam ko walang tao sa paligid kundi siya at ako.
Tapos bigla niyang sinabi na:
“THANK YOU MR. RAYMUNDO”
“Much better” –I said.
Napangisi ako sa loob ko gusto kong magtatalon kasi sa wakas napansin niya na ako at alam ko na hindi na niya ako makakalimutan. Tumalikod siya sa akin at tinignan niya ang kaibigan niya.
Tsk! at ganon din ang ginawa ko. Hmmmm akala ko ako lang ang dumadamoves! Yun pala pati ang tatlong ungas gumagawa din ng Moves sa mga kaibigan ni miss ganda. Bumalik ako sa maayos na pagkakaupo at napansin ko ang isang bagay sa table ni Jiea at kinuha ito. Hmmmmmmmm
Kiel’s POV (PLEASE PLAY THE VIDEO AT THE SIDE)
Hays simula ng nakita ko siya kanina sa hallway iba na tibok ng puso ko pakiramdam ko nagwawala ito… Unang kita ko pa lang sa kanya hindi ko mapigilan na mapatulala sa kanya. Ang ganda naman kasi niya e. mala-anghel ang mukha niya kahit sinungitan niya lang kami kanina.
Umupo ako sa likod niya at hindi ko mapigilan na idikit ang ilong ko sa likod niya alam ko naiinis na siya kaya umusog siya ng ganoon pero pursigido ako kaya dumikit pa ako lalo sa kanya… HAHA mag mukha man akong manyak sa paningin niya wala akong pakialam kasi gusto ko talaga siya,,, I think I really love her! So gay but it’s true,..
Pero hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari tinawag siya ng kaibigan niya at paglingon niya hindi ko sinasadya na mahalikan siya.. SHET na malagket ang lambot ng labi ng anghel ko,,,
Binuska pa nga ako ng mga ungas sa tabi ko
“ayos tol ha? Naka-score ka ha” sabi ni Steven
“chickboy ka talaga!” sabi naman nung Enzo
“Ganon talaga pag gwapo mga uLOL” sabi ko grabe yung tibok ng puso ko sa nangyari kaya sinabayan ko na lang ang pangbubuska nila,
RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNGGGG
At natapos na din ang klase. Haizt Makita ko pa kaya ang anghel ko,,
Pero nagulat ako sa sunod na nangyari may biglang lumipad na libro papunta sa MUKHA ko… T@NGNA HARD BOUND PA NAMAN YUN! Sakit lang!
(O__O) ako
HALA BAKIT NAGING TIGRE ANG ANGHEL KO?
“Hey bakit mo ako binato!” –tanong ko sa kanya nung nakabuwelo na ako
“Because you’re a kiss stealer! You moron!” –anghel ko aka MICHA
“Kiss you!? How did I kissed you when you are the one who initiate it nung lumingon ka” –yabang ko lang no
“So you’re telling me na sinadya ko yun para mahalikan ka!”-galit na galit na ang aking anghel pero bakit parang kinikilig pa ako habang sinisigawan niya,,,, baliw ka na talaga EZEKIEL!
“ikaw nagsabi niyan.”-panggagatong ko pa sa kanya,
Nakita kong inabot niya yung libro ni Jiea alam ko na ibabato niya uli sa akin ito kaya agad ako umiwas na lalo yata niyang kinainis,
“Hindi ka lang pala kiss stealer! Isa ka din pa lang Ambisyoso!”-yes angel I’m ambitious because ang isang hamak na taong katulad ko ay umibig sa isang anghel na katulad mo…BADUY MO KIEL!
“Alam mo babe bakit di mo pa kasi aminin na gusto mo din ako?”-sabi ko itotodo ko na ang pagiging ambisyoso ko,,, hahahha
Nagulat ako ng binigyan niya ako ng mapang-akit na ngiti kaya hindi ko mapigilan na suklian din yun ng ngiti.
“hmmm ok I confess that I like you, na sinadya kong lumingon kasi alam ko na paglumingon ako mahahalikan kita”-sabi ko na nga ba e mahal din ako ng anghel ko… ayos!
“sabi ko na nga ba babe gusto mo rin ako”-sabi ko
“yeah I like you… can you kiss me again?” sabi niya sabay tawag sa akin gamit ang kamay niya. SHET! Pagkakataon ko na ito!
At lumapit nga ako wala e masunurin ako. I immediately grabbed her waist as she Pulled my nape close to her and when our lips are inches apart……
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH
YAN ANG SIGAW ko…….
WHEN SHE HIT MY TREASURE….
PU#^%&*&! Ang sakit!
Napahawak ako sa kayamanan ko huhuhu magka-anak pa kaya kami ng anghel ko nito?
She smirked then said “Sa susunod mamimili ka ng babastusin mo!” and then she walk away
MY SADIST LOVER….
____________________________________________________________________________
THANK YOU FOR READING...
PLEASE LEAVE A COMMENT
![](https://img.wattpad.com/cover/2311833-288-k687557.jpg)
BINABASA MO ANG
WE don't want to be BROKEN again (On-GOING)
Teen FictionA story of 4 girls who experienced LOVE and got hurt... They are all BROKEN. Will they give LOVE a chance? or they will let their fear of LOVING someone become a hindrance to find their REAL HAPPINESS... (FILIPINO STORY)