A/N: SALAMAT SA MGA NAGBASA NITO.
clarify ko lang yung pronounciation ng names ng girls.
JIEA- pronounced as "G-ya"
MICHA is "Mi-cha"
and KEYSLIE is "CASE-LEE"
yun lang,,, salamat.. Enjoy Reading
Chapter 2: SEATMATE
Trick’s POV
“Wait just want to introduced ourselves, I’m Ste---“
“Don’t need to introduce Coz we are not interested…”
Yan yung sinabi nung Jiea bago siya sila umalis ng mga kasama niya kay Steven noong magpapakilala na dapat sila…
Hmmmm first time ito ah..
Pero paano ba kami napunta sa ganito.
FLASHBACK (before the encounter)
*beep *beep
From: Steven
Mga tol doon na lang tayo magkita sa Lounge ng school. Ok?
To: Steven
Sige tol kita na lang tayo doon.
Sending…..
Sent…
Agad-agad naman akong naligo at nagbihis pagkatapos kong magreply sa kabarkada ko.
Nag matapos ako ay agad kong kinuha ang susi ng kotse ko sa study table at bumaba ng hagdan.
“Señorito handa na po ang almusal ninyo”
“salamat na lang po manang pero hindi na po ako kakain. Alis na po ako.”
Pumunta na ako sa garahe at nagdrive na papunta sa bago kong school kailangan ko kasing lumipat dahil may kailangan akong iwasan buti na lang at sinamahan akong lumipat ng mga kaibigan ko. Ako nga pala si John Patrick Raymundo may-ari kami ng isang Construction Company at isang Furniture Company dito sa Pilipinas. I ‘am taking Business Management at Hermosa University buti na lang at na credit yung mga subject ko mula doon sa kabilang school kaya nasa 2nd year na kaming magbabarkada at regular student pa.
Haizt traffic nanaman umuulan kasi buti na lang at maaga akong umalis. Nang lumingon ako sa gilid ko nakita ko ang isang babae na nakadungaw sa kotse niya. Ang ganda niya pero mukhang ang lungkot lungkot ng mga mata niya hindi ko tuloy maiwasan na titigan siya..
BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!
Busina ng sasakyan sa likod ko kaya tumingin na ako sa harap ko at nagmaneho. Makikita ko pa kaya yung babaeng yun? haizt
Sa wakas nakarating din ako sa University naghanap ako ng mapaparadahan at dali-daling lumabas papuntang Lounge pero nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta muna ako ng canteen tinext ko na lang si Steven.
To: Steven
Tol, Asan na kayo? Sa Canteen na lang tayo magkita. Kain lang ako.
*beep *beep
From: Steven
Sige tol on the way na kami. Ako na bahala magtext dun sa dalawa.
At ibinulsa ko na ang cellphone ko at bumili na ng pagkain at humanap ng pwesto. siguradong kakain din kasi yung tatlong itlog na yun.
“Hoy pare!”
“Oi Steven! Asan na yung dalawa? Malapit na mag-oras hahanapin pa natin yung klase natin baka nakakalimutan nila na bago lang tayo dito!?”-Ako

BINABASA MO ANG
WE don't want to be BROKEN again (On-GOING)
Teen FictionA story of 4 girls who experienced LOVE and got hurt... They are all BROKEN. Will they give LOVE a chance? or they will let their fear of LOVING someone become a hindrance to find their REAL HAPPINESS... (FILIPINO STORY)