Chapter Six

3.1K 70 25
                                    

"HINDI mo ba nagustuhan ang pagkain? We can order something else if you like," pukaw kay Cherry ni Marx. Nasa Buffet 101 sila ngayon. Inimbitahan siya nitong kumain sa labas nang gabing iyon. 

"H-huh? O-okay naman ang food nila. M-mukhang masarap," aniya.

"Mukhang masarap... so ano'ng balak mo? Tititigan mo lang 'yan magdamag?" pabirong tanong ni Marx. 

Ngumiti siya. Dinampot niya shrimp gamit ang tinidor at pagkuwan ay isinubo iyon. "Mmmm. Yummy," dugtong pa niya.

"You looked space out since we got here. Do you want to talk about something? Makikinig ako," anito. 

She sighed and gave him a pleading look. Sa halos isang taon na panliligaw nito sa kanya ay batid niyang kayang-kaya nitong basahin ang facial expressions niya.

"Wala...pagod lang siguro ako sa biyahe," kaila niya.

Totoong kahapon lang sila dumating ni Gail mula sa bakasyon nila pero hindi iyon ang dahilan ng pagiging spaced out niya. It was all because of one man whom she tried to erase from her memory and yet, just one dance with him, na-realized niyang wala pa ring nagbago sa nararamdaman niya. At iyon ang kinaiinisan niya. Dahil kahit anong pilit niya, she just can't force her heart not to beat for him anymore. 

Lucas Oliver Ybanez was still her heart's only weakness. Her own Kryptonite. Her once upon a time prince. Her greatest regret and ultimate 'what if and what might have been'. Her first love and forever heartache. The list went on.

"So, kumusta naman ang bakasyon mo? Nag-enjoy ka naman?" 

"S-sakto lang." 

"Nakita mo siya no?" tanong nito.

Hindi siya sumagot. Alam ni Marx na sensitibong topic ang tungkol kay Lee. Noong unang beses silang nagkita sa coffeeshop sa labas ng opisina niya ay hinanap nito si Lee. Napaniwala kasi nila ito noon na may relasyon sila ni Lee. And she considered Marx as a good friend.

"Sagutin mo na lang kasi ako at nang hindi ka na mamumroblema diyan sa forever heartache mo," pabirong singit nito. 

She looked at him. Nakangiti ito ngayon. Pero batid niyang may katotohanan ang sinasabi nito. Kung tutuusin, Marx was also a boyfriend material. Sobrang bait at maalalahanin ito. Handa rin itong maghintay kung kelan siya ready. Kaso mas masarap itong maging kaibigan kaysa nobyo.

"Mas gusto kong maging magkaibigan na lang tayo para walang magbabago sa pagitan natin," pagtatapat niya.

"Okay. But friendship is a very good foundation of a relationship, right?"

Bumuntunghininga siya. "Once in my life, someone told me it's best to stay friends. Dahil ang boyfriend daw pwedeng mawala, pero ang bestfriend, hindi."

"Pero nawala pa rin sa'yo ang bestfriend mo. Sa pagnanais mong mapanatili ang friendship ninyo, you still lost him."

Umiling siya. "No. I didn't lose him. I was the one who left him. It was me who broke our promise."

Ginagap nito ang isang kamay niya na nakapatong sa mesa. "Then let's not make promises we couldn't keep, okay?" samo nito. 

She only smiled at him. Siguro kung hindi lang siya apektado kay Lee hanggang ngayon ay pumayag na siyang maging boyfriend si Marx.  Sa loob ng halos isang taon nitong panliligaw sa kanya ay tila wala siyang maipipintas dito. He was someone every girl could dream of in a guy. He was the perfect gentleman. The perfect suitor. Her perfect match kumbaga. Kahit saang anggulo tingnan ay bagay silang dalawa from the day they met until now.

They were the chubby pair before. Ngayon, parehas na silang nagbawas ng timbang. Hindi na rin ito pahuhuli kay Lee kung tindig at porma ang pag-uusapan. And Marx had a natural charm that he always carry around him. Maging ang mga kasama nila sa trabaho ay botong-boto dito. Even her boss recommended him as her potential lifetime partner. 

One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon