"MAHAL mo ba talaga ako o gusto mo lang akong paglaruan?"
Nanlaki ang mga mata ni Cherry nang marinig ang tanong na iyon galing kay Lee. Bigla na lang itong pumasok sa kwarto niya at iyon na agad ang sinalubong nito sa kanya. Hindi man lang nito kinumusta kung ayos lang ba ang pakiramdam niya. O kung hindi na ba masakit ang mga sugat niya dahil sa natamo niyang aksidente. He even looked angry.
Bumukas ang bibig niya para sumagot dito kaso sa sobrang shocked niya sa tanong nito ay walang salitang lumabas sa kanyang bibig. Bigla kasing nag-freeze ang utak niya. Bakit parang nagkabaliktad yata sila ng dialogue? Bakit pakiramdam niya ay siya dapat ang nagtatanong ng gano'n dito?
"Noong nag-usap tayo sa Enchanted Falls, napaniwala mo ako na mahal mo ako, Cherry. Alam mo 'yung pakiramdam na umaasa ka na mabibigo tapos nagtagumpay ka pala? Ganun 'yung pakiramdam. Ang wirdo nga eh. Para akong lumulutang. Parang panaginip. Hindi ko inaasahang mahal mo din pala ako. Akala ko hindi mo ako kayang mahalin. 'Nong araw na iyon, lahat ng mga sinabi mo sa akin, tumatak dito," sabay turo nito sa puso nito.
Then he continued, "Kaso pagkatapos 'non, wala na. Galit ka na naman sa 'kin. Magkaaway na naman tayo. Square one uli ako. Ano ba talaga ako sa'yo? Isa lang ba akong joke? Kasi kung totoong mahal mo ako, sana hinayaan mo akong magpaliwanag. Sana binigyan mo ako ng pagkakataon na sabihin sa'yo kung ano ang totoong nangyari. Hindi mo na sana nalaman pa sa iba. How could you let one lie break your faith in me?"
Nagtagis ang mga bagang niya. Ininda niya ang nararamdamang sakit sa katawan bunga ng natamo niyang aksidente. Tumayo siya at lumapit dito.
"Alam mo, ibang klase ka rin ano? Ikaw pa talaga ang may ganang manumbat sa akin samantalang simula't sapul, wala nang ibang mahalaga sa'yo kundi ang Shayne na iyon! College pa lang tayo, siya na ang mahal mo! College pa lang tayo, sinasaktan mo na ako dahil sa kanya! Sino ba ang pinagtawanan ninyo noon dahil sa katabaan ko? Ako! Sino ang nagbake ng cookies para sa'yo bilang thank you gift dahil naging mabait ka noong huling pasko at bagong taon na nagkasama tayo? Ako, 'diba? Tapos ano? Pinakain mo sa impaktitang 'yon na walang ibang alam gawin kundi ang kutyain ako. Sino ang kasama mo noong araw na sabi mo ay magde-date kuno tayo? Ako rin ba? Hindi na, 'diba? Kung tutuusin, ako ang dapat magtanong sa'yo kung ano ako sa buhay mo, Lee. Mahal mo ba ako o kailangan mo lang ako? Dahil hanggang ngayon walang ibang laman ang isip at puso mo kundi ang Shayne na iyon! Hindi ko nga alam kung bakit nagtitiyaga ka pang pumunta rito araw-araw samantalang halata namang bagay na bagay kayong dalawa! Dahil mula noon hanggang ngayon, mahal mo pa rin—"
"Mahal pa rin kita!" singit nito.
Natahimik siya. Kumunot ang noo. "What?"
"Sabi ko...mahal pa rin kita. Mula noon hanggang ngayon. Grade school pa lang tayo, sinabi ko na sa Papa mo na ikaw ang gusto kong maging asawa."
Sumighap siya sa narinig. "What?!"
"Grade school pa lang tayo, ini-imagine ko na kung ano ang hitsura mo kapag ikinasal tayo."
"What the—"
"Grade school pa lang tayo, gusto ko nang maging isang tunay na pamilya tayo kapag naglalaro tayo ng bahay-bahayan."
She bit her lips to keep the tears from flowing. Nakakabanas. "Ano'ng kalokohan na naman ba ang pinagsasabi mo, ha?" nanginginig ang baba na tanong niya.
"See? Joke nga kasi talaga ang tingin mo sa akin, 'di ba? Kasi lagi mong iniisip na nagbibiro ako kahit na seryoso naman talaga ako. Noong nag-usap tayo sa Enchanted Falls, totoo ba lahat ng mga sinabi mo sa akin o nadala ka lang sa moment? Kasi ako, lahat ng sinabi ko sa'yo totoo. I said it then and I'm saying it now. I'm willing to break that stupid rule I made over and over again. Masabi at maipadama ko lang sa'yo na mahal kita. Ikaw lang. Noon, ngayon at panigurado hanggang sa everlasting life, mahal pa rin kita."
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETE
SpiritualBakit kung kailan sumuko ka na sa pag-ibig ay saka bumabalik ang mga taong dahilan kung bakit ka naging bitter? Kung kailan tanggap mo nang walang forever ay saka naman darating ang lalaking mangangako ng higit pa sa forever? Bakit kung kailan akala...