One Week Later...
"WHAT do you mean the suspect was apprehended?" hindi makapaniwalang tanong ni Lee kay Marx.
Kanina ay niyaya siya nitong mag-kape sa isang coffeeshop sa labas ng village nina Cherry. Since Cherry was asleep kaya pinaunlakan niya ang imbitasyon ni Marx. Mainit pa rin ang dugo niya dito pero para kay Cherry ay nakikipagmabutihan siya.
"What I am saying is, nahuli na ang taong responsable sa pagkasira ng brakes ng kotse ni Cherry," paglilinaw ni Marx.
Namilog ang mga mata niya sa narinig. "T-that's good news!"
It had only been a week since the accident. Hindi niya inaasahang ganoon kabilis ang resolution ng kaso.
"You want to know how it happened?" tanong ni Marx.
Wala sa sariling tumango siya.
"May footage kasi ng lalaking nagma-match sa profile ng suspect. Pumasok siya sa mall at parehas ang suot niyang damit doon sa lalaking nakuhanan ng footage sa parking lot habang kinakalikot ang kotse ni Cherry. It turned out may mga previous case na rin siya at may record na sa pulisya. When he was apprehended, he didn't deny the accusation. Tumawa lang daw siya at siya pa ang nagpresintang magpa-handcuff," paliwanag ni Marx.
Kumunot ang noo niya. "So, wala nang threat?"
"Wala na. Umamin na 'yung lalaki na kagagawan niya ang lahat. Trip niya lang daw. Mukhang matagal na ring pinaghahanap ang taong iyon dahil sa paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot."
He had a feeling there was more to the story than what Marx told him pero hindi na lang siya nag-usisa pa. Ang mahalaga ngayon, sigurado nang ligtas na si Cherry. But life is full of surprises. Pwedeng may aberya na naman bukas o sa makalawa. Pero naniniwala siyang may magandang plano pa rin ang Maykapal kung bakit nangyayari ang lahat ng bagay. We can still find something beautiful even in the worst places.
"There is one more thing na gusto kong pag-usapan natin," basag ni Marx.
"Ano 'yun?"
Suddenly Marx looked sad. O baka naman imagination lang niya iyon. Pero there was that faraway look on his face na maintindihan ni Lee. He looked worried and wistful, if such combination was possible.
"I'll give way," sabi nito.
"What? I don't understand you, man. Stop speaking in riddles and get to the point." Nagsisimula na siyang mairita kay Marx. Gusto na niyang ubusin na agad ang kape niya at iwan na ito. Tutal, wala nang threat kay Cherry so wala nang dahilan para pakisamahan pa niya ito.
"I'll give way para maging kayo na ni Cherry. I'll get out of her life and just be her friend."
It took a while bago rumehistro sa utak niya ang ibig nitong sabihin. Nagtagis ang mga bagang niya nang ma-realized kung ano ang ibig nitong sabihin.
"So, tama nga pala ang hinala ko. Hindi mo nga talaga siya mahal. Lumabas din ang katotohanan na nagsinungaling ka lang sa kanya nang sinabi mong mahal mo siya. Pinaniwala mo lang pala siya!"
Tumayo si Marx at lumapit sa kinauupuan niya. Bago pa man niya mahulaan ang gagawin nito ay kinuwelyuhan na siya nito. Pilit siya nitong itinayo at marahas na isinandal sa sementadong pader. Malakas na tumama sa pader ang likod ng ulo niya. Ininda niya ang sakit. Sa sulok ng mga mata niya ay nakikita niya ang ilang customer ng coffeeshop na nakatingin sa kanilang dalawa. Halata ang pagkabahala ng mga ito. Ang ibang crew ay biglang napahinto sa ginagawa at napatingin sa kanila.
Naningkit ang mga mata niya kay Marx. He looked murderous. Nasa kwelyo pa rin niya ang dalawang kamay nito.
"Mahal ko si Cherry! I'm giving her up dahil alam kong kahit ano pa ang gagawin ko, kahit ano pa ang sasabihin ko, ikaw at ikaw pa rin ang mahal niya!" he told Lee, in between gritted teeth. Pagkuwan ay marahas siya nitong binitiwan.
![](https://img.wattpad.com/cover/30002425-288-k200112.jpg)
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETE
SpiritualBakit kung kailan sumuko ka na sa pag-ibig ay saka bumabalik ang mga taong dahilan kung bakit ka naging bitter? Kung kailan tanggap mo nang walang forever ay saka naman darating ang lalaking mangangako ng higit pa sa forever? Bakit kung kailan akala...