CHAPTER 17

3.9K 96 13
                                    

"Room 403 ba yun or 503?" tanong ni Cherry sa kanyang sarili habang hinahanap ang numero ng kwarto kung saan naroon si Lee.

            Pagdating niya sa hospital ay agad siyang dumiretso sa emergency room. Doon niya nalaman na nasa kwarto na si Lee. Hindi na niya pinakinggan ang iba pang sinabi ng nurse sa kanya. Ang mahalaga makita niya agad si Lee. Kaso nang nasa fourth floor na siya ay saka siya nagduda kung tama ba ang narinig niya. Nalilito na tuloy siya kung saang room siya dapat pumunta. Since mauuna ang room 403, doon na lang siya unang kumatok.

            L. Ybanez ang nakasulat sa may pinto. Mukhang ito na nga ang silid ni Lee. Nang walang sumagot sa katok niya ay nagkusa na siyang pumasok.

            Naestatwa siya nang makitang may nakatakip nang kumot sa buong katawan ni Lee. Bumalik siya sa may pinto at muling binasa ang pangalan. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya iyon. L. Ybanez.

            Muling bumalaong ang luha niya. Dahan-dahan siyang bumalik sa loob. Walang ibang tao. Tanging banayad na ingay lang ng airconditioner ang maririnig sa loob. Muli niyang tiningnan ang lalaking nakahiga sa hospital bed. Hindi na niya kailangang maging genius para hulaan kung bakit ganoon ang hitsura nito. She had watched too many Grey's Anatomy in the past. Iisa lang ang ibig sabihin kung bakit may takip ng puting kumot ang buong katawan nito. Lee was dead.

            "P-panget...bakit mo ako iniwan?" naiiyak niyang tanong. Tila ayaw nang tumigil sa pagtulo ang luha niya. Gusto niyang hawiin ang kumot na nakatakip sa mukha nito. Gusto niya itong sabunutan at pagbayuhin sa dibdib kaso tila tinulos na siya sa kinatatayuan niya. She can only whisper his name as her tears fell unbridled.

            Bumukas ang pinto. Humahangos na lumapit sa kanya ang Mama niya. "Hindi ako makatiis, anak. Kaya sumunod na ako—" noon lang nakita ng Mama niya ang hitsura ni Lee. "I-is t-that...L-lee?" halos hindi lumabas sa bibig nito ang tanong na iyon.

            Walang salitang tumango siya. Hilam na sa luha ang mga mata niya. Tila umurong na din ang dila niya. Grabe naman itong pagsubok na ito. Ang buong akala niya ay babalik pa si Lee. Na kapag nakausap na niya ito ay magiging maayos na uli ang lahat sa pagitan nila. Kaso,  tuluyan na itong nawala sa kanya.

            Tila nauupos na kandilang umupo ang Mama niya sa isang silya sa sulok. Habang siya naman ay nananatiling nakatitig lang sa bangkay.

            "Ang daya-daya mo, Panget. Mahal na mahal kita eh. Hindi ko alam na grabe pala ang pinagdadaanan mong trials sa pamilya ninyo at pati na sa Mama ko. Hindi ko alam iyon eh. Hindi mo man lang sinabi sa akin na ilang beses ka na palang binasted ni Mama para sa akin. Ikaw naman kasi eh. Bakit ba sobrang obedient mo? Bakit kailangan mo pang magpaalam sa kanya? Nakakainis ka! Sana naging tayo na noon! Sana hindi na tayo nagkahiwalay! Sana ipinaglaban mo ako!" sunud-sunud niyang sumbat rito. Hindi na siya nakuntento. Umiiyak na pinagbabayo niya ang katawan ni Lee. Pagkuwan ay humagulgol siya sa bandang tiyan nito.

            Ang unfair ng buhay

Wala na siyang pakialam kung marinig man ng Mama niya ang mga pinagsasabi niya. Ang mahalaga ay mailabas niya ang saloobin niya.

            Narinig niya ang langitngit ng pinto. Tanda iyon ng muli na naman nitong pagbukas. Hindi na siya nag-abalang tumingin doon. Marahil, mga kamag-anak lang iyon ni Lee o kaya baka ang Papa niya iyon.

            "Ma'am, excuse me po. Ilalabas na po muna namin ito," anang nurse na lumapit sa kanya. Ang bangkay ni Lee ang tinutukoy nito. Agad siyang naalarma.

            "Hindi pwede. Huwag mong ilayo sa akin ang Lee ko. Ngayon na nga lang kami magkaka-moment, babarahin mo na naman! Hanggang sa kamatayan, wala pa rin ba kaming forever?" bulyaw niya sa nurse.

One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon