Chapter Five

3.2K 85 18
                                    

“ANAK, may meeting pala ang mga elders ng church. Hihintayin mo ba ang Papa mo o mauuna ka nang umuwi?” tanong ng Mama niya.

“Uwi na lang po ako. Medyo drained na ako Ma eh,” aniya.

Kabilang sa elders ng South Hills Christian Community Church ang Papa niya. Madalas ay may meeting ang mga ito kaya hindi muna umuuwi after ng Sunday Service.

Her mother squeezed her shoulder. “I understand, anak. Sige, magpahinga ka na muna doon. We’ll be home shortly. Nagluto na ako kanina ng pananghalian natin, isalang mo na lang sa microwave,” bilin nito.

Tumango siya at pagkuwan ay tumalikod. Mabilis siyang naglakad tungo sa gate. Iniiwasan kasi niyang makita siya ng dating mga kasama niya sa choir. Sigurado siyang sinabi na ni Lee sa mga ito ang tungkol sa pagbabakasyon niya. She recognize the glances thrown her way. Alam niyang curious ang mga ito sa kanya lalo na sa transformation niya. She even saw some of them gasp upon seeing her. Na tila ba nakakita ng multo ang mga ito. She wanted to avoid all of that. Gusto niyang iwasan ang mga tanong na batid niyang naghahari sa isip ng mga ito ngayon. 

"Cherry! Long time no see!" Hustong nakalapit na siya sa gate nang may tumawag sa kanyang pangalan. Kagat-labing huminto siya. Pumihit siya at humarap sa nagsalita. 

Ang mommy ni Lee. 

"H-hi po, tita," bati niya rito. Nagmano na rin siya. 

"Ano'ng tita? Nakalimutan mo na ba? You used to call me mommy. Kumusta ka na? Sabi ng mommy mo, nagbabakasyon ka ngayon. Wala ka bang plans to stay here for good?" sunud-sunod na tanong nito.

"E-eh...naka-leave lang po ako, M-mommy," sagot niya.

Iyon nga sana ang iniiwasan niya. Ang mga taong magtatanong tungkol sa kanya. Hindi niya kasi alam paano ito sasagutin. Ayaw din niyang mag-aksaya ng laway para lang magpaliwanag kung bakit ngayon lang siya umuwi for the past seven years. 

"Naku, pwede naman sigurong dito ka na lang maghanap ng trabaho. Marami naman nang architechture firm dito dahil nagsitayuan na rin ang mga high rise buildings sa bayan," pangungumbinsi pa nito. 

Ngumiti lang siya. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin dito. Her answer would only encourage her to ask more questions. Nag-iisip na sana siya ng dahilan para makaalis na kaso muli itong nagsalita.

"Ay, tamang-tama. Naalala mo yung pinsan ni Lee na si Angeli Rose? Kalaro nyo ni Lee dati bago sila lumipat ng church noon. Ikakasal na kasi siya at naghahanap kami ng wedding singers. Pwede ka ba?"

Bumukas ang bibig niya para sana tumanggi sa alok kaso may sumagot na para sa kanya.

"Naku, mare. Payag na yan si Cherry. Nami-missed na nga niya kumanta eh. Di ba, anak?" anang Mama niya. Hindi niya namalayang nakalapit pala ito. 

"Ma..." makahulugan niyang sambit. Umaasang siyang makuha nito ang ibig niyang sabihin. Kaso mukhang may iba itong plano. 

"Oo nga naman, Cherry. Matagal na naming hindi naririnig ang boses mo. Saka diba, para mo na ring pinsan iyong si Angeli sa sobrang close ninyo noong maliliit pa kayo. Seatmates din kayo sa Sunday school. Parang regalo mo na sa kasal niya ang pagkanta mo," pangungulit pa ng mommy ni Lee.

Bumuntunghininga na lang siya. "S-sige ho. Kelan po ba ang kasal at saan po gaganapin?"

"Sa susunod na linggo at dito lang sa simbahan siya ikakasal. Naku, matutuwa talaga si Lee sa balitang ito," excited na sambit nito. 

Kumunot ang noo niya sa narinig. "P-po? A-ano pong kinalaman ni Lee?" kinakabahan niyang tanong. 

"Si Lee kasi ang makakaduet mo. Dalawa kayong wedding singer."

One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon