MARX felt restless mula nang pumasok sa loob ng hospital room ang kaibigan ni Lee na si Shayne. If he was not mistaken, naging girlfriend ni Lee ang babae. But there was something about the way she looked and the way she looked so nervous while she talked to Cherry.
Agad niyang napansin ang mga gesture na iyon. Siguro dahil sa trabaho niya sa isang detective agency kaya naging sensitive siya sa mga ganoong signs.
That Shayne woman was definitely hiding something. He could see it with the way her eyes never seemed to focus on Cherry and the seemingly animated voice she forced to portray.
"Paano mo pala nalaman na nandito ako?" narinig niyang tanong ni Cherry kayShayne. Hindi na tiningnan ni Marx si Cherry. Tanging kay Shayne lang siya naka-focus.
"Sinabi kasi sa akin ni Lee. T-in-ext niya ako na nandito ka daw dahil n-na-aksidente ka," nakangiti pang sagot nito. But her smile never really reached her eyes. In fact, Marx could almost read the troubles brewing behind her lashes.
"Yeah. It was unfortunate. Naalala ko pa nga nagkita tayo sa supermarket noon. And you told me kasama mo si Lee the day before," ani Cherry.
Lalo pang tumibay ang hinala ni Marx sa narinig. "O-oo. Kasama ko nga siya the d-day before your a-accident."
Bingo, naisip ni Marx. Iyon ang impormasyong hinihintay niya. Shayne was present at the scene of the crime. For all he knew, she could be the culprit. Or if she was wealthy, she could have paid handsomely for someone to do the dirty little work. Still, she can be an accessory to the crime.
"Kasama mo kami ni Daddy, Shayne," pagtatama ni Lee dito.
"I'm not talking to you," Cherry hissed at Lee. "Stop making excuses kung bakit hindi mo ako sinipot nang araw na 'yon dahil kasama mo siya."
Nakita niya kung paano nagtagis ang mga bagang ni Lee. He felt sorry for him. Sa buong panahong nakilala niya si Cherry ay alam niya kung paano ito magalit. Judging by the look on her face, it would take a miracle before she would warm up to Lee again.
Hindi niya alam kung ano ang namamagitan sa dalawa pero sigurado siyang isa lamang iyong malaking misunderstanding. As much as he loved Cherry, he knew she would only be happy with Lee once the problem between them was sorted out. Isa lang ang gusto niyang mangyari ngayon. Ang masigurong makakamit na ni Cherry ang minimithi nitong happy ending kasama si Lee.
There was only one way to do it. Kailangang mawala sa eksena si Shayne.
May ideya na siya kung paano niya gagawin iyon. But first, kailangan muna niyang kumpirmahin ang kanyang hinala. Then he will give Lee a piece of his mind.
Lihim siyang ngumiti. The wheels inside his head started turning.
"So, Shayne. Are you saying na nandoon ka sa supermarket noong araw ng aksidente ni Cherry? What were you doing there?" tanong niya sa babae.
Halos bumunghalit siya sa tawa nang makitang bigla itong namutla sa harap niya. Her eyes remained unfocused. Her lips quivered.
"O-oo. Nandoon nga ako kaso may...m-may ka-meet ako noong araw na iyon eh. Kaya nga s-sandali lang kami nagkausap ni Cherry," nauutal na sagot ni Shayne.
Her eyes and her body language were telltale signs that she had something to do with the accident.
"Ganun ba? Ano'ng oras ka nakauwi noon?" pang-uusisa niya.
May nababasa siyang galit sa mga mata nito nang salubungin nito ang titig niya. "I'm not sure, okay? Just because I was there doesn't mean kilala ko na ang may kagagawan nito kay Cherry," depensa agad nito.
Umangat ang isang kilay niya. He gave her a lopsided grin. "Wala naman akong sinasabi."
Inirapan lang siya nito. He wanted to laugh at her face. Halata kasing guilty ito dahil hindi pa man siya nang-aakusa ay dinepensahan na nito agad ang sarili.
"Anyway, dumaan lang ako dito para kumustahin ka, Cherry. Hindi na rin ako magtatagal. Masaya ako at medyo maayos na ang pakiramdam mo," baling nito kay Cherry. Inilapag nito sa mesa ang dala nitong basket ng prutas.
"Salamat sa pagdalaw at sa pasalubong," nakangiting sambit ni Cherry dito.
"Walang anuman. Paano, I have to go," paalam nito. Nakangiti ito sa bawat isa sa silid na iyon. Ngunit nang tumingin ito sa kanya ay nahalata niya ang pagka-irita sa anyo nito.
Makahulugan ang tinging ibinigay niya dito. She suddenly looked worried at nagmamadaling lumabas ng silid.
Pinalipas muna niya ang ilang minuto bago siya tumikhim para kuhanin ang attensiyon ng lahat. "Aalis na muna ako. But I'll be back."
"Kahit huwag ka nang bumalik. Kaya ko nang alagaan si Cherry," parinig pa ni Lee sa kanya.
"Dream big, dude," sagot naman niya bago tuluyang lumabas ng silid. Nang makarating siya sa hallway ay agad niyang hinanap ang elevator. Sigurado siyang doon dadaan si Shayne.
Walang gaanong tao sa pasilyo tungo sa pinakamalapit na elevator. Nung bumukas ang elevator ay may dalawang taong lumabas. Papasok na sana siya para bumaba sa ground floor nang may marinig siyang pamilyar na boses. Umatras siya at hinanap ang pinaggalingan ng boses.
Finally, narating niya ang pasilyo tungo sa comfort room. Sa isa sa mga pinto nagmumula ang boses na iyon.
"Ano ang gagawin natin? Paano kung malaman nila na sinadya mong sirain ang brake ng kotse? Eh di dalawa tayong malalagot. Mabuti na lang at hindi malala ang kalagayan ni Cherry. Kapag nagkataon, talagang ililibing kita ng buhay kaysa madamay pa ako sa katigasan ng ulo mo," anang boses sa loob ng utility area. Hindi nga siya nagkakamali. Boses ni Shayne ang nagsasalita. May kausap siguro ito sa telepono dahil wala namang sumasagot sa tanong nito.
"Siguraduhin mong hindi mo ako idadamay kundi babawiin ko ang perang ibinayad ko sa'yo. Ano'ng relax? Paano ako makakapag-relax gayong posible akong makulong dahil sa kagagawan mo!" sabi pa nito.
Malinaw na sa kanya na may kinalaman nga si Shayne sa nangyaring aksidente. Nagbayad ito ng malaking halaga sa lalaking kausap nito sa telepono. Mas mapapabilis na ngayon ang kilos niya. Maipapatupad na niya sa lalong madaling panahon ang kanyang misyon na alisin ito sa pagitan nina Cherry and Lee.
Ngumiti siya sa sarili habang hinihintay ang paglabas ni Shayne sa loob ng maliit na utility room. He will give her the scare of her life. Sisiguraduhin niyang pagkatapos niya itong turuan ng leksiyon, hindi na nito maiisipan pang gumawa ng anumang kalokohan in the future. Heck, she might even do pennance for all of her sins once he's done with her lessons.
He couldn't wait to get started.
![](https://img.wattpad.com/cover/30002425-288-k200112.jpg)
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETE
EspiritualBakit kung kailan sumuko ka na sa pag-ibig ay saka bumabalik ang mga taong dahilan kung bakit ka naging bitter? Kung kailan tanggap mo nang walang forever ay saka naman darating ang lalaking mangangako ng higit pa sa forever? Bakit kung kailan akala...