Chapter Nine

3K 75 12
                                    

"GUSTO mo, ako na ang mag-shoot ng bola para sa'yo?" nakangiting tanong kay Cherry ni Lee. Kanina pa nito na-kumpleto ang pag-shoot ng mga bola sa ring na para sa grupo nito. Ewan kung bakit sa halip na sumabay sa mga kasama nito sa paghahanap ng group flag ay nagpaiwan pa talaga ito.

"No, thank you," aniya at muling sinubukang i-shoot sa ring ang bola. 

Fail uli. Back to zero na naman siya. Kailangan kasi limang magkakasunod na shot ang gagawin niya otherwise, she had to start counting from the beginning. 

"Sige na, kawawa naman ang mga kasama mo. Hindi kayo makaka-move on kapag hindi mo nai-shoot ang mga iyan," pangungumbinsi pa nito habang binabalik sa kanya ang mga bolang hindi niya nai-shoot. 

"Oy, Lee! Cheating 'yan!" suway dito ni Shayne. Halata sa anyo nito na hindi nito nagugustuhan ang alok na tulong ni Lee para sa kanya.

"Hindi no. Sabi naman ni Ate Eunice, pwede tumulong sa kalaban. Hindi ka yata nakikinig eh. Bleh!" sagot ng isang bata na nanonood sa kanila. Pinandilatan ito ni Shayne kaya lalo pang bumelat ang bata bago ito tumakbo palayo. 

Muntik na siyang matawa. Pero kailangan na niyang mag-concentrate sa pag-shoot ng bola. 

Please naman, makisama ka. Kahit ngayon lang, lihim niyang sambit. Kulang na lang ay halikan niya ang bola para lang umayon ito sa kagustuhan niyang maka-shoot.

Kaso, fail pa rin. 

Narinig niyang pumalatak si Lee. "Kawawa naman ang mga kasama mo. Maghihintay sila ng forty-eight years kasi hindi ka pa rin nakaka-shoot ng bola."

Lalo tuloy uminit ang ulo niya. "Pwede ba? Kung tapos ka na sa task mo, leave me alone! I don't need your help!" bulyaw niya rito sabay shoot uli ng bola. 

Sablay uli. Grrrrr. Ang sarap ipatalbog sa ulo ni Lee ang bolang hawak niya. Napu-frustrate na talaga siya. Nahihiya na siya sa mga kasama niya. Naririnig niyang nagbubulungan na ang mga ito. Nang mahagip ng tingin niya si Shayne ay lalo lang siyang nainis. She wanted to wipe that smirk off that girl's face. 

Kay Shayne na lang kaya niya ipatalbog ang bola? Para mabawasan ang pangungutya sa mga titig nito. Nakakaasar. Bakit pa kasi may ganoong laro? Stuck tuloy siya. Bakit pa kasi siya sumama doon? Bakit pa kasi nandoon din si Lee? Bakit ayaw man lang makisama ng ring sa kanya?

Argh! Napakaraming bakit pero walang sagot lahat.

She heard Lee chuckle. Tiningnan niya ito ng masama. "Ano'ng nakakatawa?"

"Mali kasi ang paghawak mo sa bola. Dapat ganito..."

Before she knew it, pumuwesto ito sa likuran niya at giniyahan nito ang mga kamay niya ng tamang paghawak ng bola. Tila tumigil ang kanyang mundo. Pati na rin ang kanyang paghinga. He was too close for her comfort. 

"...and then release and...bingo!" he exclaimed as the ball went inside the ring.  The he let her go. Saka pa lang siya huminga. Kaso, breather lang pala iyon. Dahil binigyan pa siya nito uli ng isa pang bola bago muling pumuwesto sa likod niya. Kung titingnan ang ayos nila ay parang niyayakap siya nito sa likuran. 

"Remember what I said earlier?" bulong nito sa tainga niya. 

Tumango siya kahit na ang totoo ay gusto niya itong itulak palayo. Kaso alam din niyang kailangan niya ang tulong nito kahit pa ayaw niya iyong aminin dito. 

"Ready? And..." they bended their knees together and poised to shoot. "Bingo!" anito bago ito dumistansiya.

"Oist! Lee! Stop helping her. Halika na!" awat ni Shayne. Pansin ni Cherry na masama na ang tingin nito sa kanya. 

One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon