"KUMAIN ka na, malapit nang maubos ang mga bisita pero hindi ka pa rin kumakain," pukaw kay Cherry ni Lee. Nilapitan siya nito sa table na kinauupuan niya. May bitbit itong plato ng pagkain.
Naroon sila sa reception venue ng kasal. Ang mga newly-weds ay abala sa pag-e-estima ng mga bisita ng mga ito. Habang sila naman ni Lee ay nagpapahinga dahil sa walang humpay nilang pagkanta para sa okasyong iyon.
"P-paano ka?" baling niya rito. Isang plato lang kasi ang dinala nito. But it was a plate full of yummy food.
Ngumisi ito. "Share na lang tayo. Para konti na lang ang huhugasan ng staff nitong hotel."
Umangat ang isang kilay niya dahil sa narinig. Kaso nagugutom na siya kaya hindi na lang siya nagreklamo. Sumalo na lang siya rito sa pagkain.
Ibinigay nito sa kanya ang kutsara at tinidor. Umupo ito sa tabi niya at nagsimulang kumain mula sa platong nasa gitna nila.
"Uyyy! Ang sweet niyo naman! Baka kayo na ang susunod na ikakasal, ha?" kantiyaw ng isa sa mga bride's maids na pinsan din ni Lee.
"Oo nga. Bagay na bagay pa naman ang boses ninyo. Hindi ba may kasabihan? The couple who sings together stays together forever. Ayiiieeee!" segunda naman ng isa pa.
"Kapag nagkatuluyan kayong dalawa, maniniwala na talaga ako na may forever!"
"Tomoh!"
"Loveteam na yan!"
Mukhang walang ibang mapagdiskitahan ang mga ito. Dumami ang naki-usyoso at naki-kantiyaw sa mga ito. Tila natutunaw na siya sa hiya pero si Lee naman ay tila tuwang-tuwa pa sa atensiyong ibinibigay ng mga kamag-anak nito sa kanilang dalawa. Even their mothers joined in the ruckus.
"O, smile!" singit ng photographer. Narinig marahil nito ang kantiyawan sa paligid nila. Pinandilatan niya ito para sana iparating dito na hindi niya nagugustuhan ang ginagawa nito pero manhid ata ito. Pinilit pa talaga siya nitong pangitiin. Tapos may isang shot pa na sadyang umakbay si Lee sa kanya. That gesture brought back feelings she thought she had burried deep down inside. Kaso mali pala siya.
Whoever said that mind over matter was possible was probably delusional. Dahil kahit anong pilit niyang diktahan ang sarili na huwag magpaapekto kay Lee ay hindi pa rin siya nagtatagumpay. Because when it comes to Lucas Oliver Ybanez, she was just another fool.
Nang hindi na niya makayanan ang panunukso ng mga ito ay nagpaalam siya na pupunta muna ng banyo. Pero ang totoo ay dumiretso siya sa gazebo sa labas ng hotel. Nasa gitna iyon ng lawn at nakatanaw sa dagat. Sa halip na magmumuni-muni ay tinawagan na lang niya si Marx. May usapan kasi sila na susunduin siya nito. May kliyente kasi ito sa San Agustin kaya nagkasundo silang magkita pagkatapos ng kasal ni Angeli Rose. Sa halip na maghintay pa ng isang oras ay napagpasyahan niyang magpasundo na lang kay Marx sa lalong madaling panahon. Tutal tapos na ang obligasyon niya para sa araw na iyon. Ayaw na niyang magtagal pa doon. She doesn't want to be in the same place with Lee anymore. Ayaw niya yung pakiramdam na paulit-ulit siyang natatakot na masaktan na naman o kaya ay magmukha na namang tanga.
"Ang hilig mo na palang mag-emo. When I saw you at the reunion, you were alone in the balcony. Nag-iisa ka na naman ngayon, my Pink Flamingo. Did you regret singing with me?"
Kahit hindi lumigon si Cherry ay kilala niya kung sino ang nagsasalita sa kanyang likuran. Si Lee.
She sighed her frustration. Bakit kung sino pa ang ayaw mong makasama, iyon pa ang lumalapit? Kung kailan naman nag-e-effort na siyang huwag magpa-apekto dito ay saka naman ito dumidikit-dikit sa kanya.
"I just wanted to be alone. Masyado na kasing maigay sa loob. The ocean brings me peace," aniya nang hindi lumilingon dito. Lihim siyang nanalangin na sana ay iwan na siya nito.
Kaso mukhang wala itong balak na lumayo dahil sa halip na umalis ay tumabi pa ito sa kanya sa gazebo. He stared at the spot she had been staring at for the past few minutes. Their shoulders almost touched. His nearness gave her goosebumps.
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETE
SpiritualBakit kung kailan sumuko ka na sa pag-ibig ay saka bumabalik ang mga taong dahilan kung bakit ka naging bitter? Kung kailan tanggap mo nang walang forever ay saka naman darating ang lalaking mangangako ng higit pa sa forever? Bakit kung kailan akala...