CHAPTER 16

2.5K 53 7
                                    

"ARE YOU okay, baby?"

Pinahid muna ni Cherry ang luhaan niyang pisngi saka bumaling sa nagtatanong. "I-I'm fine, Ma."

Ngumiti siya sa ina sa pagnanais na ikubli ang nararamdaman niyang kabiguan. Isang buwan na ang nakalipas mula nang sumuko si Lee. Walang araw na hindi niya ito hinintay. Na sasabihin nito sa kanya na joke ang pag-iwan nito kaso hindi nangyari.

Iginugol na lamang niya sa kanyang therapy ang atensiyon niya. Gusto niyang kapag sinugod na niya ito sa bahay ng mga ito ay hindi na siya paika-ika. Makakalakad na siya ng maayos. At nangyari nga iyon dahil mahusay na physical therapist ang kinontrata ng mga magulang niya para tumulong sa kanya.

"O, bakit mukhang hindi ka masaya? You still look sad. May problema ba, baby?"

Suminghot siya. Mother knows best talaga. Sa loob ng mahabang panahon ay sinikap niyang mabuhay mag-isa at malayo sa mga magulang niya. Nais niyang patunayan na kahit only child siya ay hindi siya naka-depende lagi sa mga ito. But now, she just couldn't pretend that she was strong. Hindi niya pinigilan ang pagbalaong ng luha sa kanyang mga mata.

"Bakit ganoon, Ma? Magaling na ang paa ko at naghilom na ang mga sugat ko pero ang puso ko, malungkot pa rin. Hindi ko maintindihan. Nakuha ko naman na ang gusto ko. Iniwan na ako ni Lee pero bakit lihim pa rin akong umaasana babalik siya? Bakit gusto ko pa rin siyang makasama kahit na inaaway lang naman niya ako?"

Makahulugang ngumiti ang kanyang ina. "Alam mo ba kung bakit lagi ka niyang inaaway at inaasar, anak? Alam mo ba kung bakit ganoon na lang kung laitin ka ni Lee at pagkatapos ay susuyuin sa bandang huli?" ganting tanong nito.

Kumunot ang noo niya. "P-po? Ewan ko sa panget na iyon. Mula noon hanggang ngayon gustung-gusto pa rin talaga niya akong saktan," sumbong niya.

Hindi agad sumagot ang kanyang ina. Sinalubong niya ang titig nito. Noon lang niya nakita ang ganoong anyo ng kanyang ina. Na tila ba nababalot ng napakaraming lihim ang mga titig nito.

"M-ma?" pukaw niya sa ina.

Kumurap-kurap ang kanyang ina. "H-ha? A-ah...m-mabuti pa sa loob tayo mag-usap anak. I think it's time you finally understand everything about Lee."

"P-po? A-ano po ang tungkol kay Lee na hindi ko alam, Mama?" naguguluhan niyang tanong.

Sa halip na sumagot ay tumalikod ang kanyang ina. Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin. Pumasok ito sa kanyang bahay. Pinalipas niya muna ang ilang minuto bago siya nagpasyang sundan ito. Nakita niyang nakaupo ito sa sofa. Halatang hinihintay siya nito. Walang salitang umupo siya sa tapat nito. Her mom looked worried all of a sudden. Tila tumanda rin ito ng ilang taon.

"I'm sorry sa lahat ng pinagdaanan mo kay Lee, Cherry. I think ako ang dapat na sisihin kung bakit nagkaganito kayo," panimula ng kanyang ina.

"A-ano po ang ibig ninyong sabihin, Mama? Ano naman po ang kinalaman ninyo sa gulo sa pagitan namin ni Lee?"

Humugot ng malalim na hininga ang kanyang ina. "What I am about to tell you might destroy him if he finds out that you knew. So please keep this secret. It happened so many years ago. Noong grade school pa lang kayo ni Lee. I discovered that his mom had an affair with a co-teacher of mine."

Sumighap siya sa narinig. She opened her mouth to speak but her mom raised a finger. Senyales iyon na dapat siyang manahimik. So she did. Ngunit hindi na muling bumalik sa normal ang tibok ng puso niya.

"Nalaman iyon ni Lee at ginawa niya ang lahat para lang hindi maghihiwalay ang mga magulang niya. Masyadong magulo ang sitwasyon noon. There was a point na pinagdudahan ko ang Mommy niya na nilalandi ang Papa mo. But that issue was already resolved. Kaso nawalan na ako ng tiwala sa pamilya nila after that, especially sa kanilang mag-iina."

One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon