Chapter Two

3.6K 90 21
                                    

PUMIKIT si Cherry at sinamyo ang pamilyar na amoy ng puno ng Eucalyptus at Nara. Nakapalibot iyon sa Grand Ballroom ng San Agustin University kung saan ginaganap ang Alumni Homecoming ng batch 2008. Naroon siya sa balkonahe ng gusali at nagpapahangin. Masyado kasing nakaka-suffocate ang tension sa loob ng ballroom. Maluwag naman ang buong lugar. Nasisikipan lang siya dahil biglang nahagip ng kanyang tingin ang pamilyar na bulto ni Lee.

Sa simula ay wala siyang ideya kung sino ang lalaking nakasuot ng Pirate costume na nakaagaw ng kanyang pansin. Kaso may narinig siyang mga babaeng nagbubulungan sa kanyang likod na Pirate Prince daw ang costume ni Lee. So far, there was only one guy who wore a pirate costume that night. And he happened to be a few feet away.

Agad siyang naghanap ng excuse para makalabas sa balkonahe. Alas-onse pa lang ng gabi. Ibig sabihin, may isang oras pa bago sila magpapakita ng kani-kanilang mga mukha. Midnight pa ang official start ng party. For the time being, everyone was expected to mingle and pretend to be somebody else. But try as she might, she cannot pretend to be someone else when the object of her heartache once upon a time was so close.

Ayos lang sa kanya kahit na nag-iisa lang siya sa balkonahe. Ayaw niyang gambalain si Gail dahil kausap nito sa loob ang ultimate crush nito na si Gabe. Masaya siya dahil mukhang natupad ang hiling ng kanyang kaibigan na makalapit man lang ito kay Gabe. She didn't want to ruin this night for Gail. She will just try to survive this night on her own.

Wala naman talaga siyang balak sumama sa alumni homecoming na iyon. Nahihiya lang siya sa effort na binigay ni Gail para lang matuloy sila. Besides, nami-missed na din niya ang parents niya. Sa loob ng pitong taon ay noon lang uli siya umuwi sa bahay nila. Madalas ay ang mga ito ang dumadalaw sa condo nila ni Gail sa Makati. Kaya nang makatuntong uli siya sa bahay nila ay ganoon na lang ang pananabik niya na pumanhik sa kanyang silid.

Everything was still the same. Parang walang nagbago sa silid niya. Kung ano ang hitsura niyon noong umalis siya papuntang Makati ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Even her Magic Sing was still functional. Isa lang naman yata ang nagbago. Ang bahay nina Lee. Dahil wala na ang mga ito doon. Lumipat na daw ang mga ito sa isang mas malaking subdivision. Pinapa-rentahan na lang daw ng pamilya nito ang dati nitong bahay na katabi ng bahay nila. Kaya nang dumungaw siya sa balkonahe niya ay isang batang babae ang nakita niyang nakaupo sa balkonahe dati ni Lee. Naglalaro ito ng bahay-bahayan sa isang malaking playhouse.

Hindi niya maintindihan kung bakit siya nakadama ng lungkot nang malaman niyang lumipat na sina Lee. Habang nakadungaw siya sa balkonahe niya ay naalala niya ang napakaraming pagkakataong nagbabatian sila ni Lee. O kaya naman ay nagsisigawan kapag nag-aaway sila noon. They shared so many memories together. Seven years was never enough to forget all of them. Kahit pa siguro pilitin niya ang kanyang sarili ay maaalala at maaalala pa rin niya ito.

"Miss? Are you okay? Nakita kitang tumakbo palabas dito. I just wanted to check on you."

She immediately straightened up when she heard a man's voice behind her. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo. Tila pamilyar sa kanya ang boses ng lalaking nagsalita. Dahan-dahan siyang pumihit paharap dito. Pumikit siya at lihim na nagdasal na sana ay hindi nakasuot ng Pirate Prince costume ang lalaking nandoon.

"Uh...Miss Pink Flamingo, you can open your eyes now..." sabi pa nito.

Ngayon siya nagpapasalamat sa suot niyang maskara. Tanging ang mga mata lang niya ang nakikita nito. At ang pink Flamingo costume niya para sa gabing iyon.

Wala sa sariling sumunod siya sa utos nito. Lo and behold! The man standing in front of her was the same man she was trying to run away from. Wala nga lang itong ideya na tinatakasan niya ito kaya siya naroroon sa balkonaheng iyon.

One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon