Chapter Four

3.4K 88 10
                                    

"KANINONG sapatos ba 'yan at mukhang kanina mo pa tinititigan?"

Nag-angat ng tingin si Lee sa nagtatanong. Si Shayne. Nasa bungad ito ng pinto ng kanyang opisina. Isa siya sa mga head ng software developer kaya may sarili siyang silid sa Vander Wallace Technology Solutions o VWTS.

Computer Science din kasi ang tinapos ni Shayne. Katunayan ay magkaklase sila nito noon sa college. Kaya nang makapasok siya sa VWTS ay ini-refer niya agad ito. Nagustuhan naman ito ng management kaya kinuha ito bilang isa sa mga junior software developers ng kumpanya. Hindi nga lang ito kasama sa team niya dahil iba ang head nito.

"Napulot ko lang," sagot niya. Muli niyang ibinalik sa isa sa mga drawers ng kanyang mesa ang glass sandal na iniwan ni Pink Flamingo Girl.

Si Cherry Mae. The girl who walked away.

Kaya pala magaan ang pakiramdam niya dito noong alumni homecoming ng SAU. Wala pa siyang ideya noon kung sino ito and yet he felt connected to her then in a way that was beyond his comprehension. But it was her all along. She was back in his arms without him even realizing it.

Until the other day. Sa coffeeshop.

Kaya pala pamilyar sa kanya ang profile ng babaeng kasama ni Gail noon. Siya pala iyon. Or rather, the sexy version of Cherry Mae.

His Cherry Mae.

She had no idea how he felt that day. It was a mixture of shock, panic and excitement and frustration all rolled into one. Ang tagal niyang nakabawi sa kanyang pagkabigla. Kay tagal niya itong tinitigan na tila ba natatakot siyang isa lang itong aparition that would disappear when he would dare blink. Pakiramdam niyay ay bigla siyang naging estatwa sa harap nito. He never thought she would transform into someone so beautiful after all these years.

Dati na itong maganda sa paningin niya. Kaso insecure ito sa timbang nito dati kaya hindi nito alam na nagagandahan siya dito. Lalo pa itong na-insecure nang nilait niya ito sa harap ng maraming tao.

So many questions ran through his mind that day as he stared at her dumbfounded. Kaso hindi niya alam kung alin ang una niyang itatanong. Naalala pa kaya siya nito? Did she even think of him and their childhood memories? Bakit ngayon lang ito nagpakita sa kanya after all these years? Galit pa rin kaya ito sa kanya?

The last question tore his gut. Malamang, galit pa rin ito sa kanya dahil sa ginawa niya rito so many years ago. That was why she left and never came back. Until now.

She had changed so much since the last time he saw her. She looked more confident and more beautiful now. But if there was one thing that never really changed, it was his heart. Every beat of his heart still belonged to Cherry. Even after all these years.

"Hoy! Mister Lucas Oliver Ybanez? Buhay ka pa ba?" Napapitlag siya sa boses ni Shayne.

"H-ha? Are you saying something?"

Shayne rolled her eyes. "Ang sabi ko kung napulot mo lang 'yong sapatos na iyon, bakit kung makatitig ka, kulang na lang dinasalan mo na?"

Bumuntunghininga siya. "I was just thinking habang nakatitig doon, okay? I still have a project to complete--"

"In three months time pa. Meaning mahaba pa vacant period mo," putol nito sa sasabihin niya.

"Saan mo na naman napulot ang tsismis na yan?" naiinis niyang tanong. Inihilamos niya ang palad sa mukha. Ang buong akala pa naman niya ay makakalusot siya dito. Hindi pala.

Shayne had been a permanent fixture in his life since Cherry left. May tsismis na ngang kumakalat sa buong opisina na may relasyon sila. Bagay na lagi naman niyang tinatanggi. Although alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Shayne na magkakabalikan sila. Ilang beses na niyang sinabi dito na malabong mangyayari iyon dahil may ibang mahal ang puso niya. Pero lagi lang siya nitong tinatawanan. She said she will wait for him. Kaya siguro for the past seven years ay wala rin itong naging ka-relasyon. Kuntento na daw ito sa pagkakaibigan nilang dalawa.

One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon