"MISS! Wait!" tawag ni Lee sa babaeng naka-pink flamingo costume.
Hanggang sa gate ng San Agustin University ay hinabol niya ito. Kaso sobrang bilis nitong tumakbo. She ran as if the demons of hell were after her. Was she running away from him? Mukha na ba siyang isa sa mga demons of hell ngayon?
Kanina lang ay ang ganda pa ng tandem nila. She was a good dancer. Kaya siguro pink flamingo ang pinili nitong costume para sa gabing iyon. Because she danced so gracefully in his arms. And he liked holding her close. Sa loob ng napakaraming taon ay noon lang siya nakadama ng ganoon. He felt as if he had known her all his life kahit na hindi naman niya nakita ang mukha nito. He even gave her his name because he was hoping that she would stay and talk to him all night.
But she left. She left even before he got the chance to see her and to know her name.
Ganito na lang ba lagi ang kapalaran niya? Makakakilala ng babae, magkakagusto hanggang sa kalaunan ay mahuhulog ang loob niya. But just when he was so ready to give his heart away ay iniiwan na lang siya sa ere.
It started with Cherry seven years ago. Pagkatapos niya itong ipahiya noon sa harap ng team niya at ni Shayne ay hindi na siya nito uli kinausap hanggang sa magtapos sila sa kolehiyo. Nabalitaan na lang niya na umalis ito ng San Agustin.
When she left, it was as if his heart stopped functioning. May kasalanan siya at pinagsisihan na niya iyon. Pero kung alam lang nito ang totoong dahilan ay hindi siguro siya nito iiwasan. Kung alam lang nito na naghihintay lang siya ng tamang panahon para masabi dito ang totoong nilalaman ng puso niya ay hindi siguro ito aalis. Siguro ay magkasama pa rin sila hanggang ngayon. Kung hindi lang sana niya pinairal ang kanyang pride at prinsipyo ay sana hindi siya nito iniwan. Hindi siguro sila magkakahiwalay. Ito sana ang kasayaw niya kanina at hindi ang babaeng naka-pink flamingo.
Sino kaya ang babaeng iyon? Ano'ng kurso kaya ang tinapos nito sa SAU? Sa laki ba naman ng campus nila ay malabong nagkakilala sila nito dati. But it seemed they both shared something in common. They both wanted to change a part of their past.
"I was so head over heels with someone kaya noong sinaktan niya ako, lahat ng maganda sa mundo ay naging pangit sa paningin ko. If there's one thing I'd like to change in the past, I would never let myself fall for him."
Iyon ang sabi nito kanina. Nakakatawa. There he was, regretting the day he didn't admit his true feelings for someone samantalang ito naman ay nagsisisi kung bakit nito minahal ang lalaking minahal nito noon. What an irony.
"Well, it looks like my pink flamingo girl is gone forever," kausap niya sa sarili.
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. They only met this night and he didn't even know her name. But it felt as if a part of his soul was missing when she left. He didn't even get the chance to see her face. At least man lang maiukit niya sa kanyang alaala ang mukha nito. She saw her lonely eyes and heard her sweet but sorrowful voice. Gusto sana niya itong pangitiin man lang o kaya pagaanin ang bigat ng dinadala nito tulad nang kung paano gumaan ang kalooban niya because of her presence.
Kaso...ayun. His pink flamingo flew away.
Babalik na sana siya sa Grand Ballroom nang tawagin siya ng guwardiya.
"Sir! Iyong babaeng naka-pink at naka-maskara. Iyon ba ang hinahabol mo?" tanong nito.
"Oho. Nakita niyo ba kung saan siya pumunta?"
"Sumakay po siya ng taxi pero may naiwan po siya dahil sa pagmamadali niyang makaalis," anito.
Kumunot ang noo niya. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay ng guwardiya. May hawak itong glass sandal.
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETE
SpiritualBakit kung kailan sumuko ka na sa pag-ibig ay saka bumabalik ang mga taong dahilan kung bakit ka naging bitter? Kung kailan tanggap mo nang walang forever ay saka naman darating ang lalaking mangangako ng higit pa sa forever? Bakit kung kailan akala...