"I AM choosing today to spend the rest of my life with you. Because it is your heart that moves me, your head that challenges me, your humor that delights me and your hands I wish to hold...Will you be mine?"
"Argh! Stop it!" pabalikwas na sigaw ni Cherry sa sarili nang umagang iyon.
Ilang gabi na niyang napanaginipan ang eksenang iyon kung saan nasa isang gazebo sila ni Lee. Doon mismo sa hotel kung saan ginanap ang Wedding reception ng pinsan nitong si Angeli Rose.
Mula nang marinig niya mula kay Lee ang mga katagang iyon ay lagi na iyong laman ng kanyang isip. She was torn between belief and doubt. Deep in her heart, umaasa siyang sana ay totoo ang mga sinabi nito. Pero alam din niya sa kanyang sarili na imposibleng totoo ang mga iyon. Kung bakit nito sinabi sa kanyang ang mga salitang iyon ay hindi niya alam. Wala siyang mahagilap na logical explanation other than the possibility that he was trying to give her nightmares for the rest of her life.
Inihilamos niya ang palad sa sariling mukha. Her face felt so warm. Masyado ding mabigat ang talukap ng kanyang mga mata. Inaantok pa yata siya.
Mula nang makabalik siya sa Makati ay lagi na lang siyang binabangungot. Palaging si Lee ang nakikita niya sa kanyang panaginip. May isang panaginip siya na pinipilit nitong ipasok sa daliri niya ang isang singsing. Minsan naman ay hinahabol siya nito habang siya naman ay takbo nang takbo para lang makalayo dito. But there was one dream that bothered her.
Actually, tatlong beses na yatang paulit-ulit ang panaginip na iyon. Naroon daw siya sa loob ng simbahan at naglalakad tungo sa aisle. She was wearing a beautiful wedding gown. Kaso walang groom na naghihintay sa kanya sa altar. Just when she was about to complain, she felt someone hug her from behind. "I'm here. I've always been waiting for you," sabi ng lalaking nakayakap sa kanya sa likod. Hindi niya nakita ang mukha ng lalaki pero ang boses nito ay katulad ng boses ni Lee.
Hihiga na sana siya uli nang biglang bumukas ang pinto sa kanyang silid. Sumilip ang ulo ni Gail.
"Happy valentine's day Beh! Ano, may date ba kayo ni Marx mamaya?"
"Wala beh. Gusto kong matulog maghapon. Nananakit ang kalamnan ko eh. Hindi na yara ako sasama sa sine," aniya. May usapan kasi silang manonood ng palabas sa sinehan ngayon.
Tumaas ang isang kilay ni Gail. "Valentine's day tapos nagsasakit-sakitan ka beh? Baka naman dadalaw dito si Marx habang wala ako ha?" pang-uusisa ni Gail. Hindi pa ito nakuntento. Pumasok ito sa silid niya at umupo sa paanan niya.
"Hindi ah. Binasted ko na 'yun. Friends na lang kami," sambit niya. Humiga siya sa kama. Ibinalot niya ang kumot sa katawan. "Paki-off nga ng aircon. Nilalamig kasi ako eh," hiling niya rito.
Tinapunan muna siya nito ng nagtatakang tingin bago ito sumunod. Pagkuwan ay bumalik ito sa tabi niya at sinalat ang kanyang noo. "Oh my God! Nag-aapoy ka sa lagnat, beh! Kaya siguro nananakit ang kalamnan mo dahil ang init mo na," natatarantang bulalas ni Gail.
"Trangkaso siguro ito, beh. Ipapahinga ko na lang 'to para makapasok ako sa Monday," nanghihina niyang sagot.
"Ikukuha kita ng gamot. Saglit lang." Bago pa siya makasagot ay lumabas na ito nang silid. Pagbalik nito ay may dala na itong paracetamol at isang baso ng tubig. Ininom niya ang gamot na dala nito.
"Thanks beh ha? Buti na lang kasama kita. Ang hirap palang magkasakit kapag single. Walang magbibigay ng TLC," biro niya.
Tumawa naman si Gail. Kinuha nito sa kanya ang basong wala nang lamang tubig at inilapag iyon sa bedside table.
"Baka naman hindi talaga 'yan trangkaso beh. Baka...you know, love-nat lang? Either dahil kay Marx or kay Lee."
"Binasted ko na si Marx," maagap niyang sagot.
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETE
ДуховныеBakit kung kailan sumuko ka na sa pag-ibig ay saka bumabalik ang mga taong dahilan kung bakit ka naging bitter? Kung kailan tanggap mo nang walang forever ay saka naman darating ang lalaking mangangako ng higit pa sa forever? Bakit kung kailan akala...