4- Lucky Day
Rea
Nakatulala lang ako dito sa bintana namin sa kwarto ni Ela, hindi talaga ako maka get- over sa mga nangyari kanina. Este, sa nangyari kanina lang. Kailangan ko makagawa ng plano at makapag hanap kahit part time job lang para makabayad kami, para mabawasan din ang isipin ni mama.
Kakatapos ko lang tulungan ang anak ni Aling Nerie na si Elias at kumita ako ng 200, may pandagdag na ko sa ipon ko. Malaki din ang naitutulong ng pagtuturo at pagtulong ko sa mga estudyante tulad ko sa buhay ko at sa financial problem namin kaya kahit aong subject at task pa iyan, kakayanin! Inilagay ko ang kinita ko sa wallet ko magagamit ko din itong ipon ko sa susunod kaya kailangan ko magsave.
Matatanggap kaya ako sa part time kung mag apply ako? Highschool pa lang ako at hindi pa legal ang age ko. Pero kung papayagan ako, what ever it takes as long as hindi kami mapaalis dito, i'll do anything. Nahihiya akong tawagan at kausapin si Mara at Ian para humingi ng tulong, hindi na lang palagi dapat ako nakaasa sa kanila at problema ko ito kaya dapat matutunan ko itong resolbahin ng mag isa.
Tinignan ko si Ela na tulog na "Hayaan niyo, bukas na bukas gagawa ako ng paraan para hindi tayo umalis dito, ma" nanalangin muna ako at ipinikit ko na ang mga mata ko. Ipinagdarasal ko na makahanap na ako ng paraan para kay Mama at kila Ela and hinihiling ko na maging maswerte ako kahit bukas lang, simula bukas.
***************
Ngayon ay Friday na, huling araw ng pagpasok namin sa school. Gaya noon, sabay ulit kami ni Ela na pumasok sa school. Hindi na muna ako nagpasundo kay Ian at Mara kasi paniguradong mararamdaman nilang may problema ako, ayoko munang magsabi sa kanila baka masolusyunan ko ito. Ayoko maabala sila dahil alam kong may mga sariling problema din sila na hinaharap ngayon, dadagdag lang ako pag nag sabi ako sa kanila ngayon.
Nang maihatid ko na si Ela sa school niya ay nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad, ramdam kong parang nawawalan ng gana ang leeg ko at napatunggo nalang tuloy ako habang naglalakad. Sa sobrang kalutangan ko ata ay parang hindi ko naririnig ang mga tao sa paligid ko na nakakasabay ko sa paglalakad, para bang ako lang mag isa ang naglalakad at ang isip ko lang na nag iisip ng kung ano ang susunod kong gagawin.
Hindi ko namalayan na masasagasaan na pala ako, huli ko na narinig ang busina ng kotse na nasa likod ko kaya hindi na ko makakaiwas kong babanggain 'man ako nito. Tila naestatwa ako at bumagal ang paligid.
Dahan dahang umaandar ang kotse papalapit sa akin kaya napapikit ako sa takot at natumba sa kalsada, ilang segundo na lang ay matatamaan na ako ng kotse. Mukhang hindi ko na makikita si Mama, Ela, Baste at sina Ian at Mara. Hindi pwede na ngayon ako mamatay, paano namin mababayaran ang bahay? Mapapalayas na ba kami? Hindi pwedeng mamatay na agad ako ngayon, hindi pa nga ako nakakaisip ng paraan e. Hindi maaring maiwan at makita ko nalang na pinapaalis na sila at maghirap ng wala ako.
"Hindi pa siya patay, tara na po manong" ani ng isang nilalang na kahit hindi ko pa idinidilat ang mata ko ay alam kong isang napakapangit na nilalang ito sa buong mundo. Dahan dahan kong idinilat ang mukha ko at natulala ng ilang minuto dahil sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Slave | On-going
RomanceMarea Santos is a woman with dreams and compassion, as a sharp student; she was an opportunity, luckily yet unluckily that she's tasked to something that for sure will make her life put into something miserable or mesmerizing? Continue reading as Ma...