Rea
Pagtapos naming mag meryenda ay nagkaayaan silang mag movie marathon. Nakaka amaze talaga ang mansyon nila Korixs dahil may theatre room sila, para itong sine na may malaking screen at napaka comfortable na mga upuan at mahahabang sofa. Nakaupo na kami habang namimili naman sila ng papanoorin at kumuha ng pagkain sila Eldrix.
Maya maya din ay napag desisyonan nilang manood ng horror, buti nalang at mahilig din ako manood ng mga ganitong movie. Isinalang nila yung The Insideous, mukhang balak nilang tapusin ang tatlong series nito. Dumating na din sila Eldrix at may dalang popcorn at mga chips. Katabi ko ngayon si Korixs at nasa kabila ko naman si Ash, malaki itong kwarto pero pinili nilang magsiksikan kami dahil pinatay din ang ilaw.
Maginaw din dito sa loob buti nalang at may kumot kami. Nasa eksena na kami kung saan unti unti ng nagpaparamdam ang demonyo sa pamilya na bida sa palabas, isa isa kong tinignan ang mga kasama ko at nakakatawa dahil nakatabing ng kumot ang ilan sa kanila habang ang iba naman ay seryoso lang na kumakain ng popcorn.
Maya maya pa ng mapatingin ako kay Korixs ay nagulat ako dahil nakatingin din pala siya sa akin, kalmado lang ang mata niya na nakatingin sa akin habang ang mga kilay naman niya ay nakaunat lang. Buti nalang at siya din ang naunang umiwas at tumingin na ulit sa screen. Unang sumigaw si Eldrix ng may jumpscare na lumabas, sumunod naman ay si Niko at si Caelum ng sinakal nung demonyo yung bidang lalaki. Hindi 'man sumisigaw si Korixs ay nararamdaman kong nanginginig siya dahil dumidikit dikit sa'kin ang braso niya pag may eksena na nakakatakot.
"Grabe, hindi naman pala nakakatakot yung Insideous!" reklamo ni Niko, ginatungan naman ni Caelum "Kaya nga, napaka basic naman nun. Wala na bang ibang horror movie dyan?". Napairap nalang ako sa kayabangan nila, hindi naman halatang takot sila dahil gustong mag cr ni Eldrix at nagpasama pa siya kay Ash. Nakakatawa nga 'e "Samahan mo na ko pre, para ka namang others. Sanay lang ako na may kausap pag nag c-cr" palusot kanina ni Eldrix. Tinukso tuloy siya nung lima at sinabihan na bading.
Wala din naman nagawa si Ash dahil mukhang may kasunduan sila ni Eldrix na balak na ibanta sa kanya sa oras na hindi niya 'to samahan. "Anong gusto mong palabas, Rea?" ani naman ni Caelum at napatingin sila sa aking apat. Nabigla ako sa tanong ni Caelum at nakakapressure din, sila ang nag decide na manood tapos ako ang tatanungin nila kung anong magandang panoorin. "K-kahit ano, maganda naman ang napili niyo" ani ko. Mamaya ay hindi nila magustuhan o type yung mapili kong movie, mahirap na.
Napalingon ako kay Korixs na nasa tabi ko pa din na nag side comment "As far as I know, walang movie dyan na Kahit Ano ang title, sino ang director niyan?" sarkastikong ani niya. Sa inis ay binato ko sa kanya ang hawak kong unan. "Nasobrahan ka na sa popcorn, nagkahangin na naman ang utak mo" normal at casual kong sabat. "Tapusin nalang natin yung isa pang series ng Insideous, tutal basic lang naman siya gaya ng sabi niyo" ani ko nalang kay Caelum. Tignan natin, baka mamaya ay anim pa kayong mag cr sabay sabay.
Nagkatinginan muna si Caelum, Calleb at Niko bago i-play ang sumunod na series nito. Nakabalik na din si Eldrix at Ash kaya nagpatuloy na kami sa panonood, maya maya ay nag vibrate ang phone ko. May national announcement ang NDRRMC at mayroon daw paparating na bagyo.
Maya maya pa ay may narinig kaming kulog at sabay nun ay namatay ang lahat ng ilaw sa mansyon pati ang pinapanood namin.
"Nag brownout pa ngayon!"
"Wrong timing naman!"
"Nasa best part na tayo 'e!"Narinig kong reklamo nila, nagkakatakutan na din sila dahil horror din ang pinanood namin. Kahit ako ay natatakot na din, pa'no kung may sumulpot nga gaya nung black lady dun sa Insideous at bigla nalang kaming hilahin isa isa. "Wag tayo maghiwahiwalay" mahinahong ani ni Niko. "Let's get some candles sa kitchen, para magkailaw tayo" ani naman ni Korixs at nanguna sa pagbaba sa kusina. Nagsisunuran naman sila at tila nakalimutan nilang may kasama silang babae, dali dali din akong sumunod sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Slave | On-going
RomanceMarea Santos is a woman with dreams and compassion, as a sharp student; she was an opportunity, luckily yet unluckily that she's tasked to something that for sure will make her life put into something miserable or mesmerizing? Continue reading as Ma...