20 - Sunshine
Rea
Umaga na, maagang umuwi yung lima dahil hinahanap na din sila ng mga magulang nila at nag aalala na sila kung anong nangyari sa bahay nila dahil malakas pa rin ang ulan at walang tigil ang pag buhos simula pa kagabi. Gusto ko na nga din umuwi, kaso baka masesante ako nila Ma'am Nami pag nalaman nilang iniwan ko si Korixs, lalo na ang mansyon dahil wala naman tao dito maliban sa'ming dalawa.
Nandito ako ngayon sa sala at nakatingin sa walang tigil na buhos ng ulan, kamusta kaya sila mama? Madalas pa naman bumaha sa'min kasi mababa lang at malambot ang lupa. Wala pa rin signal dahil sa lakas ng ulan. Kanina pa ko hindi mapakali, gusto kong malaman kung ayos lang ba sila, hindi ako makampante dahil maayos ako samantalang hindi ko sigurado kung ano ng lagay nila sa bahay.
Maya maya pa ay bumalik ako sa ulirat ng magsalita si Korixs "Gusto mo bang umuwi sa inyo?" ani nito habang nakatuon sa cellphone niya. Hindi ko pala namalayan na nandito na din siya sa sala. Tumango nalang ako, alam kong hindi din naman siya papayag dahil alam at aware kaming pareho at nabasa namin yung sulat ni Ma'am Nami at paniguradong mapapagalitan pa kaming dalawa. "Dress up, aantayin kita sa labas" maikling ani niya bago siya umalis sa sala.
Buti nalang at hindi yung Web na kotse niya ang minaneho niya ngayon dahil kung hindi ay tumirik na kami sa daan. Baha na pala dito sa labas, for sure baha na din sa amin ngayon. 8:00 am palang naman pero anlakas pa rin ng ulan. "Don't worry, for sure they are safe" pa-simpleng ani ni Korixs habang abala siya sa pagmamaneho. Napangiti nalang ako, babawi nalang siguro ako sa kanya sa susunod dahil malaking bagay talaga sa'kin na makauwi ngayon. Mag explain nalang siguro ako kila Ma'am Nami pag nakita kong maayos na sila mama.
Dahan dahan na kaming pumasok sa street namin, baha na talaga at nakita kong ilan lang ang nag lalakad sa labas. Maya maya pa ay tumigil na kami sa tapat ng bahay namin. Teka, paano niya nalaman na ito ang bahay namin? Hindi ko nalang muna siya inisip at dali daling lumabas ng kotse. Nakita kong sumunod siya sa'kin "W-wag ka ng bumaba, baha. Mababasa ka" ani ko at tumalikod na ulit. Mayaman siya, kaya dapat ay umuwi na siya at mababasa lang siya dahil baha. Babalik nalang ako sa mansyon pag maayos na ulit sa bahay.
"Ma?" tawag ko habang patakbong pumunta sa bahay namin. Nakita kong abala silang nag aakyat ng mga gamit at naglilimas. "Ma, nandito na po ako" ani ko at yumakap sa kaniya. "Bakit nandito ka, anak? Delikado! Dapat ay nagstay ka nalang sa trabaho mo" ani ni mama habang naglilimas.
"Ako na po dyan ma, magpahinga na po muna kayo" ani ko, tumingin siya sa likod ko at ngumiti. "Hindi mo sinabing may bisita ka pala anak, nakakahiya. Asikasuhin mo na muna siya" ani ni mama kaya napatingin ako sa likod ko, nandito pa din si Korixs. Nakataas ang sleeves ng polo niya habang nakatupi at taas din ang pants niya para hindi mabasa. Nakangiti siya ngayon at parang sinasabi niya na ayos lang siya.
Nag insists na tumulong din si Korixs, ayaw nga namin siya patulungin ni mama pero nagpumilit siya. Tumulong siya sa pag aakyat ng mga gamit namin na nasa sala paakyat sa mga kwarto namin sa second floor habang busy naman kami ni mama sa paglilimas.
Malakas pa rin ang buhos ng ulan pero nakapag limas na kami at kahit papaano ay humupa na ang baha. Brownout din pala dito kaya mahirap kumilos dahil medyo makulimlim din ang langit. Nagpupunas ako ngayon ng mga gamit na nabasa, nakakatuwa din dahil pilit kong binabayaran sila Mang Kiko kanina na tumulong kila mama na magbuhat pero ayaw nilang tanggapin dahil ang pagtulong daw ay kusang dumadating at hindi kailangan ng kapalit. Alam ko na ngayon kung bakit ayaw ni mama umalis sa lugar na 'to, dahil kahit mahirap madami kaming kakilala dito at para na din naming pamilya na makakaramay namin sa anumang bagay.
"Mag kape ka muna anak, ipagtimpla mo din ang bisita mo. Kawawa naman ang batang 'yun, basa na din siya ng ulan dahil tumulong siya sa pag aayos ng bubong natin" ani ni mama habang nakanguso sa labas kung saan nandun si Korixs. Umuulan ah, anong ginagawa niya sa labas? Baka magkasakit siya. Lumabas na din ako para tawagin siya "K-korixs, anong ginagawa mo dyan? Umuulan!" ani ko sa kanya, baka mamaya ay magkasakit siya.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Slave | On-going
RomanceMarea Santos is a woman with dreams and compassion, as a sharp student; she was an opportunity, luckily yet unluckily that she's tasked to something that for sure will make her life put into something miserable or mesmerizing? Continue reading as Ma...