A/N: How are you, sweets? Sorry natagalan si Ms. A sa update, but I'm glad to be back! Hoping for a wonderful and sunod sunod na update.
18- Mission to Accomplish
Rea
Papunta na ko sa mansyon, halos kalahating buwan na din kami nagkikita ng kabuteng yun at infairness hindi na niya ako masyadong inaaway; hindi ko alam anong nakain nun e basta simula nung aksidenteng yun nag iba na siya. Hindi kaya nauntog siya nun sa swimming pool?
Hinatid ako ni Ian ngayon dahil maliban sa naghuhumindik itong kaibigan ko ay wala din daw magsusundo sa akin, nag message kaninang umaga si Ma'am Nami at wala daw si Kuya John na driver nila dahil may emergency daw sa probinsya. Nagbabalak na sana ako na mag commute nalang din para pag may ganitong instances alam ko na pumunta kahit hindi naihahatid, kaso dumating si Ian at may dalang almusal ulit sa amin daw siya makikitulog at natatakot siyang mag isa sa bahay nila.
Ewan ko ba dito, pero sanay na din ako na nakikitulog siya sa amin kahit nung mga highschool pa lang kami sa sala siya natutulog habang kami ay nasa kaniya kaniya naming kwarto. Tapos gigising kami sa umaga nakaluto na siya. Nakakatawa nga at pinapalayas na siya ni Tito Free sa kanila at sa amin nalang daw tumira ang unico ijo nila dahil nata-training na namin siya sa mga gawaing bahay.
"Rea" tawag sa akin ni Ian habang seryoso siyang nakatingin sa daan. Ano na naman kayang nakain ng lalaking 'to? "Mm?" ani ko naman habang nakasandal sa head rest ng upuan at nakatingin sa bintana. Kanina pa kami nasa byahe at hindi pa kami natatatapos, bumabagal na ata ang driving skills nitong ni Ian e.
Hindi niya ko sinagot kaya tumingin ako sa kaniya, nagulat ako dahil kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Naiilang ako sa mga kinikilos niya ngayon, ang weird niya kasi e.
Maya maya pa ay namumula siyang umiwas ng tingin sa akin. "Bakit?" curious kong tanong. Umiling lang siya, "W-wala"
"Bakit nga? Anong problema?"
"May itatanong lang s-sana ako"
"Ano yun?" Humarap na ko sa kaniya ng inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Tumikhim muna siya at humarap sa akin "N-nanliligaw ba sayo y-yung a-amo mong yun?" ani niya na ikinatigil ko. ANO? NANLILIGAW? YUNG KABUTENG YUN? NO WAYYYY!
Napahinto ako at nabulunan sa kakatawa, nakita ko sa peripheral view ko napanguso siya sa naging reaksyon ko. "Seryoso ka?" naiiyak iyak kong tanong. Kaya pala kanina pa siya ganyan, yun lang ang tinatanong niya? HAHAHHHAHHAHAHA
"Wag na nga, wag mo na isipin yung tanong ko" naka-pout pa siyang binuksan ang makina ng sasakyan. "Ang random mo ngayon, Payatot" ani ko habang pinipisil ko ang magkabilang pisngi niya. "Sinasabi ko na nga ba at ganyan ang epekto ng climate ng ibang bansa sayo e. Sasabihan ko mamaya si tito at tita na wag ka ng ibabalik dun" ani ko habang nakangiti. Ewan ko ba dito kay Ian, nakakahawa yung ka-random-an niya."Hindi siya nanliligaw sa akin, boss" ani ko, sayo lang naman ako e—este I want to live my life to the fullest. Atsaka, dun? Magkakagusto ako? Yun, liligawan ako? On Ian's wildest dream. "Good" ani lang niya at ang pout ay napalitan ng wide smile. "E ikaw Ian, sino yung nililigawan mo?" ani ko, ako naman ang naka-pout ngayon.
Hinarap niya ko at nakangiti "Ipapakilala ko siya sa inyo, bukas" ani naman niya habang kumikinang pa ang mga mata. Birthday nga pala ni Tita bukas, ang mama ni Ian at sama sama kaming kakain sa usual food place naming dalawang pamilya. Makikilala na namin siya bukas? Bakit ang bilis? Buti hindi ako nag confess sayo, Ian ko. Masasaktan lang ako pag nagkataon at magugulo ko lang ang timeline mo.
Hayst, hindi ko naman kasi tropa si cupid e. Bakit ba kasi lahat binibigyan ko ng meaning pag dating kay Ian? Kapatid lang naman ang turing niya sa akin di ba? Why shouldn't I feel the same?
"Di ka ba masaya, Ea?" Ang gulo mo Ian, Ea na naman ang tinatawag mo sa'kin. Pinapagulo mo lang lalo ang feelings ko. "Masaya" maikling ani ko nalang, hindi na ko nagtangkang tumingin pa sa kaniya baka maiyak lang ako.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Slave | On-going
RomanceMarea Santos is a woman with dreams and compassion, as a sharp student; she was an opportunity, luckily yet unluckily that she's tasked to something that for sure will make her life put into something miserable or mesmerizing? Continue reading as Ma...