16- Happy Little Accident
Lumipas ang ilang araw at masasabi kong naging successful naman ang meetings namin ni Korixs. Nakikita ko din naman na mas nag eexcel siya, malalagpasan na nga niya o naglagpasan na niya yung mga knowledge na mayroon ako e.
Kalimitan ko lang din makita ang mga magulang nila, nakakalungkot lang na dito lang sa malaking mansyon umiikot ang mundo nila.
Lumipas na din ang ilang araw matapos na magka ayaan gumala sila sa Erlinda Palace kung saan mas nakilala ko sila at naisipan na bilhan ng keychain.
"We're finally done!" masayang ani ni Korixs at tumungo na ulit. Natapos na din namin yung sa Business subject namin kaya masayang masaya siya dahil finally makakapag chillax na siya ulit.
"Wala na ba tayong nakalimutan?" ani ko habang iniimis yung table.
"Meron"
"Ano yun? Dali para matapos na"
"Mag pahinga""Seryoso ka?" nakabusangot kong ani. Di mo talaga makakausap ito ng maayos, pasalamat siya at kahit papaano ay hindi na ganun kahigpit ang trato niya sa akin. Pero, hindi pa din daw kami mag kaibigan.
"Yeah, why? You have a problem with that?" nag hihikab hikab niya pang ani. "I'll go upstairs, do what you want" bossy niya pang sabi bago tumalikod sa akin at umakyat na papunta sa kwarto niya.
Dahil free time ko na ay inilabas ko naman yung mga request sa akin na hindi ko pa natatapos. Deadline na pala nito bukas, ayokong mapahiya si Erika lalo na at mabait naman siya.
Habang abala ako sa ginagawa ko ay maya maya pa ay may inilapag sa mesang mug, si Nanay Toria pala.
"Mag kape ka muna para mag kalaman ang isip mo ija, tapos na ba kayo ni Antonio?" nakangiting ani ni Nanay Toria sabay abot sa akin nung mug.
Masayang tinanggap ko yung mug at dahan dahang uminom ng kape.
"Opo kakatapos lang po namin, ayun umakyat na po yung amo niyo sa itaas. Matutulog po ata" ani ko naman.
"Ganun ba? Napakasipag talaga ng alaga kong iyun, mabuti at natapos na din kayo ngayon araw" masayang ani ni Nanay. "O hindi ka din mag pahinga? Maglakad lakad ka para maunat unat ang katawan mo, kanina pa kayo nakaupo"
"Ah, may ginagawa pa po kasi ako. Magpapahinga po ako mamaya bago po umuwi" hinaplos niya ang balikat ko "Napakasipag mo talaga ija, o siya naiistorbo ata kita. Maiwan na kita, pag may kailangan ka ay nasa kusina lang ako" comforting na ani ni Nanay bago ako iniwan dito sa sala.
Humigop muna ako ng kapeng itinimpla ni Nanay bago nagpatuloy sa ginagawa ko.
Mga alas tres na siguro ng matapos ko yung ginagawa ko. Maya maya ay may narinig akong tumatakbo. "Ate stelle!" masayang ani ni Kalix at dali daling yumakap sa akin. "You're here na pala! Kuya didn't even tell me" nakangusong ani niya.
"Ang cute cute mo talaga!" ani ko habang pinipisil ang matatabang pisngi niya. "Are you busy pa?" dahil sa curiosity ko ay tinanong ko siya kung bakit.
"I wanna go sa swimming pool pero nag sleep si kuya. Nanay is busy in the Kitchen, I badly want to go there pero I'm afraid to go there on my own" malungkot na ani niya. Dahil naaawa ako dahil naiinip na siya dahil wala namn siyang masyadong nakakausap dito kundi ang masipag niyang kuya ay pumayag na ko.
"Let's go change first, baka bumulusok ang ilong ng kuya mo pag hindi ka nagpalit" tatango tango naman niya akong hinila papunta sa kwarto niya.
Dahan dahan pa kami dahil baka magising namin ang kuya niya at biglang mag alburoto ang bulkan malintikan pa kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Slave | On-going
RomanceMarea Santos is a woman with dreams and compassion, as a sharp student; she was an opportunity, luckily yet unluckily that she's tasked to something that for sure will make her life put into something miserable or mesmerizing? Continue reading as Ma...