8 - Welcome to Carreon Family

50 4 0
                                    

A/N: Authors Note na naman?HHAAHHAHAH pero no joke. I just want to share how proud I am kasi makakapag update na naman ako ngayon. Isang himala yun diba? Oo wag niyo na sagutin, masakit.

Kidding aside (again). Gusto ko lang batiin all girls, women, woman even if you are a "tagapag alaga", lola, mama, nanay, tita, ninang, and all calling been called. I just want to say Happy Happy Mothers Day to all po! Thank you for your sacrifies, hardships and pain you've been through that benefits us your anaks in the end. Mwah!

My mom aren't using wattpad but, I dedicate this chapter and this passion of me to write and share stories with you guys. I love you, ma! Thank you for the support and for boasting my passions and dreams in life.



8 - Welcome to Carreon Family


"Ang saya ng pamilya mo, ano ija?" ani ni Kuya John habang abala siya sa pagmamaneho. Pero, kung panget man ang nilalang na yun. Siya naman ikinaganda at ikinaluwag ng trato sa akin ni Kuya John, personal driver daw ng pamilya ng alien na yun.

"Opo, Kuya John. Ganun po talaga kami, lalo na po sila. Pasensya na po kayo dahil ilang minuto bago po ako nakasakay. Andami po kasi nilang drama, parang mangingibang bansa po ako" kakamot kamot ako habang sinasagot ang tanong ni kuya john na siyang ikinatawa niya.

"K-kuya john, maitanong ko lang po sana about po dun sa pagtatrabahuhan ko po. Kilala niyo na po sila kasi matagal na po kayo dun, pwede pong pashare— I mean pwede po ba bigyan niyo po ako ng kaunting clue?" nahihiya ako, pati curiousity at kachismosahan ko nailalabas na rin ng bunganga ko. Hay naku, Rea! Ingat ingat sa mga salita!

Natatawa tawa si Kuya John bago sagutin ang tanong ko "May point ka nga naman, o siya sige. Una si Mam Nami, mama nina nina Korixs at Kalix" panimula niya habang nagkakamot ng ulo tila ba nalilito.

"Kung idedescribe ko si Ma'am Nami, maganda siya mapaloob o labas man. Totoo yun, ang kaso nga lang lagi silang busy ni Sir sa trabaho" limited at maingat na pagdedescribe ni Kuya John.

"Yun lang ang masasabi ko kay Ma'am Nami kasi bihira lang sila sa bahay e, naririnig ko laging out of town or out of the country. Kaya ang palaging taong nakakasama nila Korixs ar Kalix ay ako at si Manang." Oh... ibig sabihin, less communication at bonding ang pamilya ng oger na yun? kahit papaano, naawa ako sa kanila base sa kwento ni Kuya John. Maswerte pa din kami, kahit di kami mayaman at nasa average lang kami still, araw-araw kaming may communication, bonding at get to know sa isa't isa.

"Ewan ko ba, naawa ako lalo na si Manang para sa dalawang bata. Kung titignan nga ay napakaswerte nila dahil mayaman sila, free sila na gawin ang mga gusto nila. Pero kung kikilalanin mo sila, mas magmumukha pa silang mahirap kaysa sa atin" napapailing nalang si Kuya John habang nag kukwento. Habang ako? Pilit kong ni-reregister sa utak ko ang mga kinukwento ni Kuya. Talaga ba? Nakakaramdam tuloy ako ng awa at lungkot para sa kanila, cause everyone deserves to feel loved and beloved right?

Hindi ko namalayang nandito na pala kami kundi lang ako tinawag ni Kuya John. "Ms. Santos, nandito na po tayo" ani niya at binuksan ang pinto para sa akin. Lumabas na ako sa kotse at inayos ko ang damit ko.

"Kayo nalang ang pumasok, i-papark ko lang yung kotse" nakangiting ani niya. "Salamat po, Sir John!" pormal na pasasalamat ko sabay yuko. Ngumiti din sa akin si kuya john at sumakay na siya sa kotse.

The Bad Boy's Slave | On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon