14- Something Right

24 4 0
                                    

14- Something Right

Ewan ko ba, this whole week my heart seems to be at its calm conditional state? Something change here. Hindi ko alam, pero malalaman ko din-soon.

Nawala na yung bagyo, gaya ng pagkawala nito; tinaggay na naman palayo sa amin ang mga magulang ko. Kung pwede lang maging selfish, even for once, I am much more glad kung hindi mawawala ang bagyo-dahil sa bagyong nararanasan ko sa bansang 'to dun ko lang nararamdaman na may magulang pala kami, na may kasama pala kami sa malawak yet madilim na lugar na ito.

I don't know, they even call this home-bahay ng kuwago? Yeah, that's for sure. Siguro kung nakikita lang ni Mother Nature ito, I would be glad that she's giving us the time to be with our parents just for sometime in a while.

Kumuha ako ng damit sa closet, mas gusto kong umalis kaysa maiwan dito na nagsesenti. Ayoko sa lahat yung madrama, yung parang lasing na kung ano ano nalang ang pinag sasabi. Today, I'll just distract myself, maybe have fun?

After I took a bath, I drive until mawala sa paningin ko yung mansion. How ironic 'di ba? I left pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Ayoko mag mall, boring at childish. Nakaka-umay na din kasi madaming tao. Ayoko naman papuntahin yung apat sa bahay, naririndi ako daig ko pa may kasamang babae sa daldal at gulo nila hindi din ako makakapag chill.

Kinuha ko ang phone ko sa pocket ko and dial some numbers.

To: Cicada
Message: Can you pick me up? Work mo today, you're late!

Sent!

To: Cicada
Message: It's me, Korixs.

Sent!

After I sent few messages I park my car near a convenient store, gaya nga ng plano ko. Hindi siya tatagal, I'm bored-we should start the game.

***

Nagbibihis na ko, late na ko sa mansion. Baka imbes na makasahod ako ay permanenteng wala na kong sahurin.

Nag ring yung phone ko "Anak! Kanina pa tumutunog yung cellphone mo dito! Baka may nag text"

"Wait po ma!" ani ko habang dali daling bumaba sa hagdan

From: Unknown Number
Message: Can you pick me up? Work mo today, you're late!

Sino naman 'tong nag text sa akin? At paano niya nalaman ang number ko?

Nasagot na ang tanong ko ng biglang mag send ulit siya ng message.

From: Unknown Number
Message: It's me, Korixs.

Patay ako nito.

***

Naglalakad ako ng mag ring ang cellphone ko "Hello? Pasensya na na-late ako. Papunta na ko" kinakabahang ani ko, late na late na talaga ako. Masama pa naman ang ugali ng lalaking yun, baka pati trabaho ko maglaho.

"Stop walking, nakikita na kita" ani naman niya. Huh? Pano niya ko nakikita? May mga stalker ba siyang ni-rent para bantayan lahat ng kilos ko at makapag report sa kaniya? Grabe na talaga ang ugali niya, hindi ko na matatansta.

"Turn to you're right, stupid" ani niya. Natawag pa kong stupid, pasalamat siya at ako ang may atraso kundi baka hayst.

Umikot nalang ako sa right ako at nakita ko ang kotse niya na ipinang hatid niya sa akin noon.

Tumawid ako at pumunta sa kotse niya, ano na naman kayang balak niya?

***

Nandito kami ngayon sa library, as usual para mag -aral. Nagtataka nga ako e, gaya nung nakaraan masasabi kong matalino siya. Lahat ng pinasagutan ko sa kaniya ay na- peperfect niya. So, ano pa ang kailangan niya? Ano pang participation ko sa kaniya 'e mas magaling pa siya kaysa sa akin.

The Bad Boy's Slave | On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon