3 - In Rainbows, there will be Storms
Rea
Kasalukuyan akong nandito sa waiting shed dahil tapos na ang klase namin dahil pinacompile lang sa amin ang research activities namin at pag natapos ka na ay pwede ka na umuwi. Tinext ko si Mara at Ian, may klase pa daw si Ian habang si Mara naman ay pina una ko na dahil kailangan siya ni Tito sa bahay kaya wala ako makakasabay muna ngayon sa pag uwi. Pero pupunta daw sila sa bahay at may ipapatulong daw sila sa akin pag tapos na sila sa mga gagawin nila.
Nagmuni muni muna ako habang inaalala ang mga nangyari kaninang umaga.
(Flashback)
Nandito na kami ngayon sa kusina at handa na para sa tanghalian. Tama nga ang hinala ko na sopas ang ulam namin para sa tanghalian, tuwang tuwa sina Ian at Mara. Tama! Nandito si Mara at gaya ni Ian ay dito siya magtatanghalian dahil sasabay na daw siya sa pagpasok sa amin.
Masaya kaming umupo sa sala at inayos ang lamesa at nagsimula ng kumain. "Pasensiya na po Tita sa hindi ko pag sabi na pupunta po ako dito at biglaang pagpunta narin po dito" nahihiyang ani ni Mara kay Mama. Natawa naman si Mama at umiling iling "Ayos lang yun Mara, ganyan din naman si Ian" natatawang ani ni Mama na ikinakamot ng ulo ni Ian.
"Ate Mara, musta subjects?" natatawang ani ni Ela. Alam kasi nila na walang interest si Ela sa subjects at minsan sa topics namin sa school. "Ano ba yan, nakalimutan ko na yan kanina pina alala mo na naman Ela" nakangusong ani ni Mara na ikinatawa naming lahat. "Hay naku, kayo talagang mga bata kayo. Dapat mag aral kayo ng mabuti, para wala kayong pagsisihan sa huli at magkaroon kayo ng magandang kinabukasan. Kayo rin ang aani niyan" pangangaral ni mama sa amin. "Yan si Ela po" turo ni Ian at Mara kay Ela. Natawa nalang ako ng palihim dahil baka madamay ako sa kanila. "Oh siya siya, kumain na tayo at papasok pa kayo" ani ni mama kaya't nagsimula na kaming kumain.
Ilang minuto ay natapos na kaming kumain. "Maligo na kayo Ela at Rea. Ako na ang bahala dito maglinis" ani ni mama. Aangal sana ako ngunit naunahan na ako nila Ian at Mara. "Ako na po bahala Tita, ako na po maghuhugas" nakangiting ani ni Mara. Dito masipag siyang umaako na maghugas samantalang sa bahay nila ay tamad na tamad siya. "Tama po si Mara, Tita. Ako naman po ang maglilinis dito sa lamesa" ani naman ni Ian at nagsimulang kumuha ng basang basahan para linisin ang lamesa.
Napailing nalang si Mama dahil hindi na niya mapipigilan ang dalawa sa plano ng mga ito dahil hindi pa siya nakakapag salita ay tumalikod na ang mga ito para gawin ang mga inako nila. Alam kasi nila na once hindi pa sila umalis ay pipigilan lang sila ni Mama at gagawin ni Mama ang mga 'yun.
Napangiti nalang ako dahil ang cute tignan ni Mama, Mara at Ian. Naiimagine ko tuloy na kung 'pano kaya kung magkakasama kami sa isang bahay. Ganito kaya palagi ang habits namin at gagawin? Lagi kayang mapapangaralan ni Mama si Mara at tuturuan ng kung ano ano. Pero isa lang ang sigurado ko, alam kong lalong masaya kami at mas lalong magulo.
Umakyat nalang si mama sa kwarto kasama si Baste at mag aasikaso nalang daw siya 'dun. Umakyat nalang din ako sa kwarto para maligo dahil maya maya ay papasok na kami nila Ian, Mara at Ela. Walang pasok si Mama kaya pinagpahinga muna niya si Mrs. Francia at hindi na muna pinapunta dito at magbobonding nalang daw sila Mama at Baste, tamang tama at dalawa lang daw silang magsasama ngayon dito sa bahay.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Slave | On-going
RomanceMarea Santos is a woman with dreams and compassion, as a sharp student; she was an opportunity, luckily yet unluckily that she's tasked to something that for sure will make her life put into something miserable or mesmerizing? Continue reading as Ma...