1 - Start
"Ate Rea, Gising na! Malalate na tayo!" sigaw ni Michaela, ang ate ni Michaela ay payapa at malalim ang pagkakatulog sa kwarto nila sa kadahilanang napagod ito at nagpuyat na naman kagabi sa pag -aaral nito.
"Hay naku Ela, kaysa nag sisisigaw ka dyan ay akyatin mo na ang ate mo nalang sa itaas. Late na kayo oh, anong oras na" ani naman ng kanilang Ina kay Michaela.
Dahil sa inis sa kaniyang ate ay sinunod niya ang kanyang Ina at umakyat siya sa kwarto nila ng kanyang ate, pagkapasok niya ay dali-dali siyang tumalon sa kama nito bilang pang- aasar at lambing na rin sa kanyang Ate Rea.
"Ela, ano ba? Inaantok pa ko. Wala namang pasok, ang aga mo gumising" ani ni Rea na halatang lutang at pagod, halatang pagod ito at hindi sapat ang tulog kaya't hindi niya alam na may pasok pala sila ngayon.
"Ate, gumising kana. May pasok ngayon! Lunes ngayon ate!" Sigaw nito sa tenga ni Rea, tama lamang para marinig nito at madaling bumangon sa pagkakahiga at dali daling lumabas ng kwarto.
Natawa nalang sa sarili si Ela sa nangyayari sa kanyang ate dahil bihira lamang na mangyari ito sa kaniyang ate, alam ni Ela sa kanyang sarili na nagpuyat nanaman ang kaniyang ate na palagi nitong ginagawa para lang matapos lahat ng gawain sa school.
Rea
Hindi ko namalayan na napahaba ang oras ng tulog ko. Sa totoo lang ay kanina pa ako gising hindi ko lang namalayang nakatulog na pala ulit ako sa pag paplanong maligo na sana. Kinakailangan ko kasing tapusin ang mga pinagawa sa amin para hindi ako matambakan, kaya ayan lutang ako ngayon. Buti nalang at natapos ko na lahat kahit papaano wala na ko masyadong aalahanin.
Dali dali nagpunta ako sa banyo at naligo. Hindi na ako nagpakulo ng tubig dahil wala na akong oras para doon, mas lalo lang magagalit si Ela kung magpapakulo pa ko dahil mas matatagalan ang paliligo ko. Binuksan ko ang ilaw at pumasok sa loob, isinara ko na rin ang pinto at umupo na sa bowl. Hinipo ko ang tubig sa timba para tignan kung maligamgam ang tubig at kung kakayanin ba ng katawan ko ang lamig ng tubig o mamatay ba ako sa lamig bilang parusa sa hindi ko pagising ng maaga. Napangiti na lang ako sa sarili ko dahil mainit ang tubig na ipang papaligo ko na nasa timba, dahil pinagpakulo ako ni mama ng tubig.
Mabilis akong naligo at napagdesisyunang magsuot ng polo at pantalon para mukhang formal, isinukbit ko na ang I. D ko at umakyat sa kwarto para kunin ang bag ko sa pagpasok at isinuot ang relo na bigay sa akin ni mama bilang premyo ng grumaduate ako ng elementary 3 years na ang nakakalipas.
Dali dali akong bumaba para sumabay mag almusal kila Mama, Ela at Baste. Mula noon ay nakasanayan na naming sabay sabay kumain lalong lalo na sa umaga, 'mas masarap kumain pag maraming kasama at mas sumasarap ano man ang nakahanda sa mesa' yan ang sabi samin ni mama na huwag na huwag daw naming kakalimutan.
Nakita kong busy si mama sa paghahanda ng almusal at pag aayos ng mesa kung kaya't dali dali akong nagpunta sa likod niya at niyakap siya ng mahigpit. Napakaswerte talaga namin at naging nanay namin si mama, spoiled kami sa kanya kahit wala kaming napakaraming pera para makatira sa napaka laking bahay at magsuot ng garbong damit, hindi niya pinapadama sa amin na may kulang, lagi niya pang nilalagpasan at mas dinadagdagan.
Si mama ay 35 years old na, maganda parin siya kahit maraming problema at nagkakaedad na. Simple lang ito dahil naniniwala si mama na 'lahat ng simple ay maganda'. Tama lang ang kurba ng kaniyang mukha, may singkit na mata, manipis na kilay at pilik mata, matangos na ilong at may kaputian ang balat na namana niya kay Lola na kaniyang Ina.
Si Ela naman ay 13 years old na, tama lamang ang timbang nito at matangkad, natangkaran ko lang siya ng kaunti, may bilugan siyang mga mata, makapal na kilay at pilik mata, tamang sukat ng labi at may kaputian din. Magaling din ito sa eskwelahan, palatawa at masungit kung minsan pero sa akin ay madalas, depende nalang kung may kailangan siya.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Slave | On-going
RomanceMarea Santos is a woman with dreams and compassion, as a sharp student; she was an opportunity, luckily yet unluckily that she's tasked to something that for sure will make her life put into something miserable or mesmerizing? Continue reading as Ma...