11- Something New
Rea's POV
Nang maisara ang pinto ay bumalik na sa pag lalaro si Korixs habang yung apat ay lumapit sa akin. Hinila ako ni Caleum papunta sa biranda kasama yung tatlo.
Pinaupo nila ako sa upuan at umupo din sila. Para tuloy akong nasa hotseat.
Walang nagsalita sa aming lima, puro tingin lang ang ginagawa nila. Sinusulyapan nila ako habang ako naman ay seryosong nakatingin sa kanila, ano kaya ang plano ng mga mokong na ito?
"May kailangan ba kayo?" panimula kong tanong habang seryoso lang na nakatingin sa kanila. Sa totoo lang, natatakot talaga ako na baka may kalokohang inihanda ang apat na nasa harap ko, ipinapakita ko lang na hinding hindi ko sila uurungan para naman masindak sila. Pero kabaligtaran pala.
"Don't be nervous—don't mind us, Ms. mukha lang puro kalokohan itong mga 'to.. pero ang totoo beki itong tatlong katabi ko" panimula ni Niko at binulong niya ang panghuling sentence na sinabi niya na sa tingin ko ay narinig nung tatlo dahil pinagbabatukan siya ng mga ito.
Nag simula namang nagtanong na din si Calleb "Bakit kailangan pa ni Rixs ng tutor? may problema ba siya?" curious naman niyang tanong. Nagkibit balikat nalang ako, dahil ayokong makielam sa buhay ni korixs.
"Di ko alam e, basta pinatawag na lang ako ni Principal Ed tas nakita ko siya. Inoffer- an nila ako ng trabaho na yun nga maging tutor nun" nguso ko naman pagtukoy kay Korixs.
"Tutor man o gf well that's great! atleast will have another person to talk to kahit wala o nandito man si Korixs" ani naman ni Eldrix. Napangiti nalang ako, atleast hindi sila kasing ugali ni Korixs. May mga nilalang pa din akong makakausap dito sa mansion. Pag tyatyagaan mo nga lang talaga ang isip nila.
"school mates ba kayo ni Korixs?" ani naman ni Caelum. Tumango naman ako. "That's nice! anong section ka? kami kasi Class A, same with Korixs" ani naman ni Niko. Nagulat ako dahil sa sinabi ni Niko.
Kung kaklase nila si Korixs, ibig sabihin kaklase ko na din sila. Sila yung apat na wala kahapon na kasama ni Korixs.
"Class A din, nilipat ako ni Principal Ed para daw ma-observe ko si Korixs at para makita ko daw kung anong problema" ani ko naman habang nag iisip.
Magtatanong pa sana sila pero nagsalita na si Ash na kanina pa abala sa pag sketch. "Stop it you guys, your freaking her up. Its time na siya naman ang mag ask ng questions. Kakadating lang niya ka" ani nito sabay tingin sakin at balik sa sketch niya.
Ibubuka ko na sana yung bunganga ko para magtanong ng umentra naman si Korixs para mag utos.
"When do you want to start? Your here to tutor me right?" ani nito at lumabas ng kwarto. Napatayo kaming lima at tinignan ko sila na sila ding nagkibit balita.
"May period ata siya, masanay ka na dyan. Let's go" ani naman ni Eldrix. Lumabas din kami sa kwarto para sundan si Korixs na may mood swing.
Nang makababa kami ay naglakad na yung tatlo sa main hall kaya sinundan ko sila. Nag si- upuan sila sa may garden habang ako naman ay hindi ko alam kung saan ako uupo.
Bago pa ako makaupo ay naramdaman kong nag vivibrate ang bulsa ko. Kinuha ko ang cellphone ko para makitang tumatawag si Ma'am Nami.
Lumayo ako sa limang lalaking nakatingin sakin bago ko sinagot ang tawag ni ma'am.
"Hi ija! Sorry for disturbing you again, but how's your first day? Something matter?" masayang ani nito sa kabilang linya. "Good Afternoon po Ma'am, okay naman po. Nandito po yung apat na kaibigan ni Korixs, nandito po kaming anim sa garden" magalang ko namang pag sagot.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Slave | On-going
RomanceMarea Santos is a woman with dreams and compassion, as a sharp student; she was an opportunity, luckily yet unluckily that she's tasked to something that for sure will make her life put into something miserable or mesmerizing? Continue reading as Ma...