12- Get To Know Him
Today's another day ika nga nila, ngayong araw ay araw para mas makilala ko ang alien na yun.
Nagkahiwa-hiwalay na ulit kami nina Mara at Ian dahil hindi na kami magkaklase, kaya mag isa na akong naglakad papasok sa Class A.
Bago pa ako makapasok ay may humila sa bag ko dahilan para umangat ito way para matigilan ako sa paglalakad. "Good morning Ea!" bati nito dahilan para mapalingon ako sa kaniya, nandito na pala silang lima.
Nakangiting binati ko din si Eldrix "Good morning din!". "Dapat pala sabay sabay na tayong pumapasok anim, tutal magkakaklase din naman tayo right?" ani nito nang hindi pa din binibitawan ang bag ko.
Gumaan lang ang likuran ko ng nakita kong pinitik ni Niko ang kamay niya na nakahawak pa din sa bag ko. "Ang aga aga pre, feeling close?" pailing iling na ani ni Niko. Pumasok na sila dahilan para pumasok na din ako sa loob.
Naramdaman kong nakatingin silang lahat sa akin ng makapasok kami at natahimik silang lahat, hindi ko nalang sila kinibo at naupo sa inupuan ko kahapon. Nagulat at the same time naging relief dahil si Calleb pala ang katabi ko at hindi yung masama ang ugaling mula sa mga correon. Eksaktong pagkaupo namin ay dumating na ang prof namin senyales na simula na ulit ng klase.
****
Nag ring na ang bell, sign na uwian na. Madaliang lumabas yung apat maliban sa pinakakinaiinisan at ipinagdarasal ko na mauna ng umuwi—walang iba kundi si Korixs Antonio Correon.
Hindi ako kumibo at piniling magligpit nalang ng gamit ko, excited ako ngayon dahil mag si-siomai house kaming tatlo; yung naudlot na bonding namin nila Mara at Ian, tamang tama at bigla akong nagutom. Mag siomai house muna kaming tatlo bago ako mag commute papunta kina korixs.
Isinukbit ko na ang bag ko at aalis na sana ng bigla akong tawagin ni Korixs, kahit kailan talaga. Kailan ba matutuloy ang pag siomai house namin? "Rea, today's your second day right? May pupuntahan tayo, kailangan ko sa time natin mamaya" ani nito at isinukbit na din niya ang bag niya at naglakad, nang maramdaman niya na hindi ako sumusunod sa kaniya ay huminto siya at tinignan ako "Magreresign ka na ba?" ani nito.
Dahilan para padabog akong naglakad kasabay siya.
Nag text nalang ako kina Mara at Ian na hindi ako makakasama ngayon at nagsend ng picture na nasa kotse dahil Day 2 ko ngayon sa trabaho na sila namang naunawaan.
Kasama namin si kuya john kaya kampante ako at hindi ganoong nakakasakal ang ihip ng hangin sa loob. Sa kasamaang palad, katabi ko sa passenger seat si korixs. Lumayo ako ng kaunti sa kaniya at sumandal nalang sa upuan.
Nakikita ko sa salamin na pasimpleng tumitingin sa amin si Kuya John na ngumingiti lang pag nakikita niyang nakatingin ako sa kaniya.
"Saan tayo pupunta, Mr. Korixs?" pormal na pagtatanong ni Kuya John sa katabi ko na nakatingin lang sa cellphone niya. "Let's go to De Grande first, kuya" simpleng ani niya at bumalik sa pagcecellphone niya.
De Grande? Saan ba yun? Narinig ko na yun noon, pero hindi pa ako nakakapasok sa loob; pero kuwento sa akin ni Mara na sikat at sosyaling kainan daw iyon.
"Namiss mo na naman ang Japanese Cuisine, ano?" natatawa at napapailing na ani ni Kuya John, sinulyapan ko si Korixs at nakita kong nakangiti siya. Paborito niya pala ang mga pagkain mula sa Japan, kakaiba. Napakasosyal talaga ng taste niya sa pagkain.
Napalunok nalang ako ng huminto ang kotse sa gilid ng napakagandang restaurant na para lang bahay pero mukhang private.
"Let's go" ani nito kaya bumaba na din ako sa kotse, binilin niya kay Kuya John na iiwan nalang namin sa kotse ang mga gamit namin kaya pumasok kami sa loob nung De Grande na tanging sarili lang namin ang aming mga dala.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Slave | On-going
RomanceMarea Santos is a woman with dreams and compassion, as a sharp student; she was an opportunity, luckily yet unluckily that she's tasked to something that for sure will make her life put into something miserable or mesmerizing? Continue reading as Ma...