13- Another Day

24 4 0
                                    

13- Another Day

I woke up with a smile at the same time busog na busog, tumayo na ko sa pagkakahiga ko to check Kalix on his room. While passing by, hindi ko mapigilang mapangiti. Tumingin ako sa bintana, at gaya nga ng mood ko; it's raining outside-my favorite weather.

When I got to peek Kalix in his room, he wasn't there so I went down the stairs. I smile as wider as I can, gaya nga ng emotion ko kanina paggising-my mom and dad, they are here with Kalix sitting in the sofa while watching movies.

***

Nagising ako sa tilaok ng manok galing dun sa manukan sa kapitbahay namin, tinignan ko yung dalawa kong katabi.

Napatayo ako ng makita kong nasa sahig na si Mara at nakayakap naman sakin si Ian, dahan dahan kong tinanggal yung kamay ni Ian pero gumagalaw galaw siya at mas humigpit pa ang yakap niya.

Nangangalay na ko kaya humiga na lang ulit ako, baka kasi magising sila at maaga silang makapatay ng tao.

Dahil sa inip nakaidlip ulit ako.

***

I woke up na masakit ang leeg at ang braso ko, nakahiga na pala ko dito sa sahig kaya pala masakit ang katawan ko. Hinanap ko sila Rea at Ian kaya tumayo na ko, nakita ko sila sa kama-nakayakap si Ian kay Rea habang nakadantay naman si Rea kay Ian habang nakanganga.

Pinilit kong hindi maging maingay sa pagtawa, dali-dali kong kinuha yung cellphone ko sa bulsa at dumiretso sa camera. It's payback time, malilibre ako ng dalawang ito ng wala sa oras.

After kong masatisfy sa poses na ginawa at shots na ginawa ko sa kanila ay kumuha ako ng unan atsaka tumalon sa pagitan nila "Hiya!"

"Gising na, tanghali na!"

Pagkasigaw ko ay pinalo ko sila ng pinalo ng unan "Bwiset kayong dalawa, ansarap ng pwesto niyo tapos ako nasa lapag!" paghihimutok ko "Banggon na! Hindi dapat masarap ang tulog niyo!"ani ko habang patuloy na pinapalo sila ng unan na hawak ko.

Nakita kong namulat na sila at nag katinginan, aba mukhang may plano si- hindi nga ako nagkamali dahil hinawakan nila ang magkabilang braso ko at hinila para mahiga sa gitna nila. "Ano bang hinihimutok mo dyan?" nakasinghal na ani ni Rea habang nakakunot ba ang noo. Natatawa lang si Ian at pinisil ang magkabilang pisngi ko. "Nagpapacute lang yan, ang pangit niya kasi-morning hater yan e" ani naman ni Ian.

May narinig kaming ingay sa bubong, tumayo si Rea at sumilip sa bintana pagkatapos ay tumingin sa amin ng tumataas taas ang kilay. Alam na namin ang ganyang action ni Rea, isa lang ang ibig sabihin nun-it's raining outside.

Usually kasi pag nasa iisang bahay kami at umuulan, wala muna kaming ginagawa at tabi tabing nahihiga or bonding sa kama. Malamig kasi, kaya ayun nagkakahawahan kami ng katamaran. Minsan naliligo sa ulan, minsan nag momovie marathon, foodtrip, games at kung ano pang maisip naming gawin.

"Paunahan!" ani ni Ian at dali dali siyang tumakbo at lumabas ng kwarto. Nagkatinginan naman kami ni Rea at nagpaunahan sa paglabas sa kwarto. Isa lang ang ibig sabihin nito, maliligo kami sa ulan.

***

Nang makababa kami sa hagdan ay nakita ko si Ian na nasa lamesa at nag aalmusal. Aba, nagutom ang lasing.

"Good morning ma!" bati ko kay mama bago kami dumiretso sa lamesa, kumuha ako ng pandesal at binigyan naman ako ni Ian ng baso na may lamang kape.

Nakangiti ko itong tinanggap, sinawsaw ko ang pandesal ko at kumain. "Anong oras na kayo nakauwi kagabi?" panimula ni mama habang nag aasikaso sa kusina. Tinignan ko si Mara at si Ian at kita mo sa kanila na pilit nilang inaalala yung nangyari kagabi.

The Bad Boy's Slave | On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon