Chapter 03

145 18 9
                                    

"Help!" sigaw ko habang sinusubukang ibalanse ang aking katawan dahil hindi ko na magawa dala ng gulat. "Help!"

Maya-maya ay may naramdaman akong humawak sa aking bewang. "Nakita mo kung anong naggawa sa'yo ng galit?" aniya pa dahilan para mainis ako. Mamamatay na nga ako sa lunod tapos pino-point out niya pa rin iyong sinasabi niya kanina?!

Muli niyang ibinalik ang aking bangka mula sa pagkakataob. Dahan-dahan niya akong isinakay rito saka nagsimulang itulak ang bangka na sigurado akong papunta roon sa islang gusto kong puntahan. "Hey, hindi diyan ang home ko," I say to him.

"Hindi ba't dito ka patungo?" Napakunot ang noo ko sa kanyang asal. Ang trying hard naman nitong magtagalog!

"You know what, I thought hindi marunong magsalita ang mermaids? But why are you so loud?"

"Pasensya ka na't hindi ko naiintindihan ang iyong sinasabi."

"What?! Mas nakaka-nosebleed nga iyang pinagsasabi mo! At saka bakit mo ba kasi ako tinatawag?"

Napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin at patuloy na tinutulak ang bangka, pero shocks, he's so pogi talaga kahit side profile lang. He looks like a human talaga, hindi mo aakalaing may buntot pala siyang tinatago sa ilalim, and he has a pointed nose, too. Ang perfect namang nilalang na ito!

"Malapit na tayo," he answered instead.

Sinimangutan ko siya kahit na hindi siya nakatingin sa akin. "I said, why are you calling me?" I repeated emphasizing every word.

"Pasensya na ngunit hindi talaga kita maintindihan."

I run my fingers through my hair out of frustration. Damn. I am a short tempered cutie, ayoko iyong ganitong conversation, iyong hindi na lang idiretsa. Ang dami pang pasikot. "You're just avoiding my question. So, you're calling me because?" ulit ko pa. Pasalamat pa siya inulit ko pa para sa kanya.

Finally, he faced me, bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Jusko, ang intimidating naman ang ka-gwapuhan nito. "Ipagpaumanhin mo ngunit talagang hindi ko maintindihan—"

"Shut up, you freak. Itigil mo nga 'yang ganyang pananalita mo, hindi rin kita naiintindihan!" I cut him off. I really thought na hindi sila nagsasalita. Iyon iyong sabi sa akin ng lolo ko.

"Ah, wala kaming lenguwahe," maikling sagot niya na na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Ano?" I asked. Does he mean wala silang specific language? I mean, he can speak tagalog naman like sinaunang tao. "Ooh, anyway. Ilang taon ka na ba?" I added when I realized what I have just thought. Oo nga, ano? Walang naikwento sa'kin si Lolo about their birthdays.

I waited for his response but it seems like he doesn't really want to answer my question, and all I can do right now is shut the hell up. I took a deep breath and crossed my arms. Minutes after, we have finally arrived at the most awaited Island. Tsk. Talagang dito ako dinala!

He's looking at me and so I do. Tinaas ko ang aking kilay para iparating na hindi niya ako matatalo sa titigan. Hell. Bakit hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko? And hell. He's trying to say something to me by just looking in my eyes. Siyempre, bakit naman ako patitinag, no!

Tulungan mo ako.

Otomatikong kumunot ang noo ko sa narinig ko. It's his voice!

He's still looking at me, not even once tried to open his mouth. Agad akong napatayo sa nasaksihan. Mabuti na lang at nandito na ako sa lupa. Fuck. No way!

"That was you, right?" hindi makapaniwalang saad ko. Ito iyong laging naririnig ko na para bang tinatawag ako. Tama nga si Lolo, mermaids has no exact languange, but right now, it's vivid knowing he's just right in front of me. "Tulungan mo ako?" I repeated. Telepathy...

She's Dating A MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon