Naggising na naman akong kulay asul na langit ang bumungad sa akin. Napangiti ako. This feels so great. It's been three days since the day I decided to just sleep here in the shore—over the sand. Iyong bed ko naman ay mga pinagtu-tumpuk-tumpok lang na mga dahon ng saging na ginawa naming dalawa ni Exodus.
Bumabalik pa rin naman ako sa resort para lang i-check iyong mga gamit ko at para maka-sigurado na nakikita pa rin ako ng mga tao. Baka mamaya, magte-trending na naman ako as missing. Wala lang, trip ko lang talaga ritong matulog. Minsan kasi ginagabi na kami ng balik ni Exodus. Hindi ko na magawang bumalik dahil tinatamad na ako.
Hindi ko alam kung niloloko lang ba namin sarili namin o sadyang mga determinado lang talaga kaming nilalang. Well, honestly, hindi naman talaga kami naghahanap, e. We were just literally playing in the middle of the sea. Hanggang sa umabot na kami sa kung saan-saang parte ng Siquijor.
Bumangon ako saka agad na hinanap ang cellphone ko. Kinu-kumusta pa rin naman ako ni Cleo. In fairness nga sa kanya ay hindi na niya ako tinatanong about doon sa ring. Siguro naka-realize na rin siya? Bahala siya.
"Magandang araw," agad akong napalingon sa kung saan man nanggaling ang boses ni Exodus. Napangiti ako nang makita ko siyang pa-palapit sa akin na may dala-dalang isda.
"Ay, sorry! Hindi ako nakapag-ready," I response when I realized that I need to grill the fish pala. Ito na iyong naka-gawian namin. Simula kasi iyong nakita ko si Exodus na kinain niya lang iyong buhay na isda ay sobrang nagulat ako. Kaya naisipan ko na lang na ita-try naming lutuin muna dahil pinapa-practice ko siya maging tao. Para once na nakuha na niya iyong bead niya ay alam niya kung anong gagawin kapag nasa lupa na siya.
Kinuha ko iyong mga gamit namin sa pang-luto sa tabi. Bumili nga rin pala ako ng toaster and one sack of charcoals. Hindi kasi talaga ako marunong sa mga ganito. Ngayon ko lang ginawa dahil ano ba naman ang choice ko? Besides, gusto ko ring turuan si Exodus.
Habang nag-aayos ako ay nagulat na lang ako nang biglang hawakan ni Exodus iyong buhok ko at inipit ito sa likod ng aking tainga. Napalingon ako sa kanya. I was about to thank him nang mapansin kong mataman lang siyang nakatingin sa akin. "May problema ba?" nagtatakang tanong ko.
Marahan siyang umiling saka iniwas na rin ang tingin sa akin. Napa-kibit-balikat na lamang ako saka tinuloy ang ginagawa.
"Sige, sa tubig lang muna ako," muli akong napalingon sa kanya. What's with that cold voice?
"M-May nagawa ba akong mali?" tanong ko sa kanya.
"Bakit mo naman natanong 'yan?"
"Ang tamlay mo..." sagot ko. "Ayos ka lang ba?"
Nang makarating siya sa tubig ay saka siya tumingin sa akin. Nginitian niya ako. "Wala, pagod lang siguro ako."
"Ah, okay. Sige, magpahinga ka muna," malungkot na sagot ko.
I sighed. Sayang naman, medyo na-excite pa naman ako ngayon araw dahil balak naming i-libot ang Siquijor. I'm sure naman na aabutin talaga kami ng gabi kapag gagawin namin iyon. Gusto ko lang talaga gawin sana dahil siyempre, night life in the ocean na rin kaya iyon. At saka ayaw ko na ring hanapin iyong singsing. Hindi ko rin nga alam kung bakit nandirito pa ako.
Wala lang, parang ang saya kasing kasama ni Exodus. Na kahit magka-iba kami ng mundo, nagagawa pa rin naming itawid iyon.
"Hindi ko naman sinabing hindi na tayo magli-libot," agad na nabalik ako sa huwisyo nang magsalita siya. Oh, my god! Nakatingin nga pala ako sa kanya!
Sinimangutan ko siya. "Ano ka ba, huwag mo ngang pinapakinggan iyong iniisip ko!" iritadong sambit ko. Nakakainis kasi. Minsan napapa-english din ako kung mag-isip para lang hindi niya maintindihan. Pero parang sobrang weird kasi. Siyempre, automatic kayang napapaisip iyong mga tao!
BINABASA MO ANG
She's Dating A Merman
FantasiElliana Kennedy is a hard headed and a spoiled unicahija of their family. She came from the affluent life so expect that she will be having a fixed marriage to whoever she doesn't want to give a damn with. So she tried to escape from the thing she u...