"May paa ka na!" masayang sambit ko at agad na niyakap siya. Bumitaw din ako kaagad. Muli akong tumungin sa paa niya hanggang sa paangat nang paangat ang tingin ko at—"What the fuck!" I quickly covered my eyes when I saw his... thing. "Takpan mo!"
"A-Ano?" rinig ko pang sambit niya kaya naman ay mas lalo akong na-stress. Paano ko ba ie-explain?!
"'Yung ano mo!"
"Ang ano ko? Bakit ka nagta-takip ng mata? Ayaw mo bang makita 'yung paa ko?"
"Argh! Cover it first nga muna!"
"Ha? Ano? Cover?"
God, help me. Pinagpa-pawisan na ako rito!
"Takpan mo muna 'yung paa mo. Tao ko na, ipa-paliwanag ko sa'yo kapag tinakpan mo 'yung paa mo," sagot ko habang naka-takip pa rin iyong mga mata ko.
"Hindi ka ba masaya na nagka-paa na ako?"
"Masaya ako, okay? Just... may maselang parte lang talaga na hindi dapat makita ng ibang tao—"
"Oo nga pala! Pasensya na!"
Naramdaman kong tumayo siya saka ko narinig ang mga yapak niya. Nang wala na akong marinig ay saka ko tinanggal iyong kamay ko na nakatakip sa mga mata ko. Nakita ko siyang binabalot na iyong sarili niya ng dahon ng saging.
Napapunas na lang ako ng pawis sa noo ko. Gosh! Kailangan ko nang buhusan ng alcohol iyong mga mata ko! Ni hindi ko pa nga nakita iyong kay Cleo—yuck, why am I even think about that thing?! So fucking gross, Ellie.
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong naririnig nga pala ni Exodus iyong iniisip ko. Oh fuck. I hope he didn't understand what I was thinking!
"Pasensya na, halos labing-dalawang taon na rin ang nakalipas nang hindi ko nararanasan ito."
"W-Wait... Bibili na lang muna ako ng damit mo. Meron naman sa resort, e."
Tumango naman siya kaya dali-dali akong tumakbo papunta ng resort. Pagdating ko, agad akong bumili ng damit pagkatapos ay pumunta ng counter para magrent pa ng isang room. Hindi ko naman hahayaang matulog sa buhangin si Exodus, at mas lalong hindi ko hahayaang matutulog kami sa isang room.
Nang maka-balik ako sa meeting place ay nakita ko si Exodus na kumakain ng isdang hindi pa naluluto. Nung lumingon siya ay agad niyang itinapon sa dagat iyong kinakain niya saka ngumiti sa akin. Napa-irap na lang ako saka binigay sa kanya iyong mga damit.
"Marunong ka ba kung paano 'to isuot?"
Tumango siya saka kinuha ang mga damit. Tumalikod na lang ako saka dinistract na lang iyong sarili dahil ayaw kong mag-isip-isip tungkol sa kanya ngayon knowing na naririnig niya kung anong iniisip ko.
"Tapos ka na?"
"Oo," sagot niya saka naman ay hinarap ko na siya. Napangiti ako nang makitang sobrang gwapo niya sa suot niyang white shirt and board shorts.
Kumunot ang noo ko nang maalala kong paano nga ba nangyaring nagka-paa siya? Was it really because of the kiss?
Tumingin ako kay Exodus. Alam kong narinig niya iyong iniisip ko kaya hihintayin ko iyong magiging sagot niya pero nakatingin lang din siya sa akin. Mas lalo naman akong nagtaka. "H-Hindi mo na rin ba naririnig ang iniisip ko?" tanong ko.
Umiling siya. "Wala na akong naririnig."
My lips parted. "Ano bang ibig sabihin nito? Dahil ba sa halik?"
BINABASA MO ANG
She's Dating A Merman
FantezieElliana Kennedy is a hard headed and a spoiled unicahija of their family. She came from the affluent life so expect that she will be having a fixed marriage to whoever she doesn't want to give a damn with. So she tried to escape from the thing she u...