Chapter 10

93 10 1
                                    

"Dahil hindi ko naman sinabi sa kanya ang totoo, bakit ko ring sasabihing nandoon sa isang manghuhulang sirena? Sa tingin mo paniniwalaan niya ako?!" sagot ko pa sa kanya. Hindi niya pwedeng ipamukha sa'king hindi ako mahal ni Cleo. Sino ba siya? Isa lang naman siyang sirenang walang alam tungkol sa buhay ko.

"Isipin mo ngang mabuti ang sinabi mo, Elliana," and with that simple answer of him again, hindi ko na naman maggawang sumagot.

"Una na 'ko," sabi ko na lang saka nagsimula nang maglakad pabalik sa resort. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay bigla siyang nagsalita.

"Gagawin mo pa ba?"

"Pag-iisipan ko," I response, not looking at him.

Nakakapanghina. Kung sasabihin ko rin naman ang totoo, as if naman maniniwala si Cleo. Grabe, hindi ko na maintindihan itong pinasok ko. I can't blame Cleo as well. Eto na nga iyong hinihintay ko, he's willing to fight, pero bakit ba kasi may kondisyon pa?

Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya, finding out he's still there, like as if he's watching me walking away from him. Napansing kong medyo nagulat siya sa paglingon ko. "Saan tayo magkikita?"

He smiled. "Mabuti naman. Sige, rito na lang."

Nagsimula na ako naglakad pagbalik nang makita ko na naman si Hans na tila ba'y dinaramdam ang pagsampal ng malamig na hangin sa kanyang katawan. Nasabi nga pala niya sa'kin kanina na he's a broken hearted man. The man who can't be moved ika nga niya.

Hindi niya ata ako napansin kaya tinuloy ko na lang ang paglalakad ko. Hay, hindi naman kasi biro na makita mo iyong jowa mong may ka-sex na iba. Seriously, bakit ba parang nano-normalize iyong mga ganoong bagay? I mean, Hans is just a 21 years old and so do his girlfriend. Masyado pang bata para sa mga ganyan, ano!

Well, siguro normal na lang siguro sa Germany iyong mga ganyan. It's not a big of a deal kahit na dito si Pilipinas. Ang akin lang naman, cheating is bad. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang maloko kung pwede namang sabihing diretso na hindi mo na mahal iyong tao. Worse pa nung kay Hans dahil nahuli pang nasa kwarto.

Kasi ako, hindi ko iyon magagawa kay Cleo. He's my first and I don't think may maipapalit pa ako sa kanya.

When tomorrow came, dumeretso agad ako sa kung saan man ako nanggaling kagabi. Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ko pa rin 'to. Iyong location pa lang ng meeting mahirap na puntahan. Napaisip din kasi ako kagabi na pwede namang pumatay ng shark. I know it's bad pero wala naman kasi akong choice. That's the only way to save our lives and to get that ring back.

Pagdating ko, he's already there, pero napansin kong may hawak-hawak na siyang bakal. Sa sobrang curious ko ay naglakad ako papalapit sa kanya. Mukhang hindi niya yata ako napansin kaya muntik na akong matawa nung nakita ko siyang nagulat nang tawagin ko siya.

"Nandito ka na pala," he said, recovering from being jolted. That was cute. "Ginulat mo pa ako," he continued and I laughed.

"I'm sorry," I chuckled.

"Sorry?"

"Ah, yeah? I mean, ibig sabihin niyan ay humihingi ako ng tawad," I answered. "Kanina ka pa?"

"Hindi naman. Mukhang maganda yata ang gising mo at nakangiti ka," he commented. Maganda gising? I doubt it. I am just trying to ease the situation. Ayokong nas-stress. I am determine to survive this mission, therefore I need everything to be positive. Kung kailangan kong ngumiti kahit hindi ako masaya, gagawin ko. Well, I'm good at it naman. Besides, that's how I was living.

"Oo nga pala, ano ba 'yang bakal na hawak mo?"

Napatingin siya rito. "Ah, pangdepensa," sagot niya saka ibinalik ang tingin sa akin.

She's Dating A MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon