"Mag-ingat ka, Elliana ah?" Malungkot na saad ni Manang Bing habang inaayos ang turbang ibinigay niya sa akin. "Mami-miss kita."
Niyakap ko siya. "Opo. Promise po, tatawagan ko kayo agad."
Nagdecide na nga pala ako na uuwi na. Nandito kami ngayon sa seaport. Balak ko pa kasing dumeretso muna sa Cebu dahil sigurado akong nandoon pa rin sila. I know they knew that I would come back, that's why hindi man lang nila nagawang ibalita na I was missing for the entire week.
Umalis na rin sina Manang Bing saka ako umupo sa waiting area para hintayin ang barkong sasakyan ko. Habang naghihintay ay hindi ko maiwasang mapatingin sa dagat, glass kasi iyong wall nila kaya kitang-kita pa rin iyong Siquijor mula dito sa loob. Grabe, ang peaceful naman ng buhay dito. Pakiramdam ko hindi lang ako nag-isang linggo dito, eh.
Nang makasakay ako ng barko ay hindi ko maiwasang kabahan. I never been traveled alone. We have a yacht kaya hindi ako sanay sa mga public boats, but for the days I've been in Siquijor, natutunan kong walang lugar ang maarte roon. Well, maybe, sa pamumuhay na meron ang pinasukan ko, but I realized that no matter how high you were seated, you always need to be humble.
Nang umandar na ang barko ay saka ko naalala si Exodus. Siya na iyong huli kong nakausap pero hindi ko man lang nagawang magpaalam. Siguro remembrance ko na lang din sa kanya iyong singsing na binigay sa akin ni Cleo.
Agad kong tinawagan si Manang Bing nang makaapak na ako sa lupa ng Cebu. I want to cry for another bravery I just did. I mean, hindi ko akalaing magagawa ko talagang bumyahe nang ganito—na mag-isa. Lumaki akong mayaman kaya hindi ko pa nararanasan iyong mga ganito. Parang ang saya lang.
"Mabuti naman kung gano'n? Hindi ka man lang ba nahilo?" Tanong ni Manang Bing sa kabilang linya.
"Hindi po. Maraming salamat po talaga, Manang ah?"
"Naku, kanina ka pa nagpapasalamat. Saan ka susunod pupunta?"
"Sa hotel po na pinagmamay-arian namin." Not that nagmamayabang naman. I just want Manang Bing to think that I am safe, at sigurado akong nakuha niya rin iyong thought ko.
Pagkatapos ay sumakay na rin ako ng taxi. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa mga matataas na buildings na nakikita ko. Nakakamiss din talaga siya somehow. Pakiramdam ko nag-isang buwan ako roon dahil sa dami ng nangyari. Sana talaga hindi ako pagagalitan.
"E-Ellie?" Hindi makapaniwalang saad ni Mommy nang makita ako. Mabilis naman siyang lumapit sa akin saka ako niyakap. Naririnig ko ang kanyang mga hikbi. "Where have you been, baby?"
Kumalas si Mommy saka ako nagkaroon ng chance para tignan ang paligid. Si Lola lang at si Aunt Shamie lang iyong nandito. "Where's Dad? And Lolo?" tanong ko saka napatingin kay Mommy. "I'm really sorry, Mommy..."
Napansin ko ang pagpunas ng luha ni Lola. Gosh, nagi-guilty na tuloy ako. "Bakit mo ba ginawa iyon, Ellie?" Tanong ni Aunt Sham.
"I... I was just scared that... ikakasal na ako sa lalaking hindi ko gusto tapos... you know, I am not ready yet. I am sorry. A-Alam ko namang hindi na bago sa pamilya natin 'to. Y-Yes, you've warned me pero ayoko pa rin talaga..."
Lumapit sa akin si Lola saka niyakap rin ako. "It's okay, Elliana. At least you came back. Saan ka ba nanggaling?"
"Sa Siquijor po. There's a lady na kumupkop sa akin. Sobrang bait niya po, and I hope you'll meet her soon," masayang sambit ko.
Mom hold my hands. "I can tell that you're happy with her."
I nodded. "Actually, it's not just her. I am with her family. Unfortunately, hindi ko pa nakakasama iyong anak niya."
BINABASA MO ANG
She's Dating A Merman
FantasyElliana Kennedy is a hard headed and a spoiled unicahija of their family. She came from the affluent life so expect that she will be having a fixed marriage to whoever she doesn't want to give a damn with. So she tried to escape from the thing she u...