It took me a seconds when I realized that this is not my room. Bumangon ako't isang may katandaang babae ang bumungad sa akin. "Where am I? Who are you?"
"Oh, taga-asa ka?"
What? If I'm not mistaken, she's a bisaya. "A-Ano po?"
"Ah. Taga-sa'n ka?"
Napahawak ako sa batok ko. "I'm from Manila."
"Manila? Aba, paano ka napadpad dito sa Siquijor?"
Nanlaki ang mga mata ko. Siquijor, what?! Ang layo naman ata ng narating ko?! "Malapit lang ho ba ang Cebu sa Siquijor?"
Tumango siya. "Oo, siguro mga apat na oras kang bibiyahe ng barko papunta rito. Ano bang ginawa mo at napadpad ka rito?"
Napaisip ako bigla. I was trying to escape that time. Tama, sa Cebu ginanap 'yung engagement party. "Uh... H-How did I get here?"
"Ah, naku, Iha. Natagpuan ka ng pamangkin ko sa may kuweba. Mukhang nakatulog ka ata roon kaya hindi na sila nag-abalang tumawag ng rescue. Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?"
Umiling ako. "Wala naman po but... where exactly am I?"
"San Juan, Iha. Pasensya na, wala akong cellphone para pantawag sa mga magulang mo—"
"No," I cut her off, mukhang nagulat yata siya. "Uh, sorry. I mean... if you don't mind, may I stay here... for good?" Bakas ang gulat sa mukha ni Manang. Kumunot naman ang noo ko. Inilibot ko ang tingin sa paligid nang makitang wala namang mga pictures na nakasabit. I bet, she doesn't have a family? "May problema po ba?
"Sigurado ka ba diyan, Iha?"
Natawa ako sa sinabi niya, hindi ko alam bakit hanggang dito ganyan pa rin ang tinatanong sa akin. Napatigil lang ako nang mapansing seryoso pa rin siyang nakatingin sa sakin. Ugh. Ganito ba ka-seryoso ng mga tao dito? I heard ang masisiyahin nila. Bakit parang hindi naman marunong ngumiti itong si Manang?
"Uhm, sorry," I replied. Seryoso pa rin talaga iyong mukha niya. Napabuntong-hininga na lamang ako. "You were asking how did I get here, right? I tried to escape from my family. Ayoko na silang makita."
Her lips parted in shock. I crossed my arms and took a deep breath. "So... do you mind if I'll stay here? Magkano po ba ang gusto niyong—" natigilan ako nang mapagtantong wala akong dalang pouch. Pouches are my babies, ni-kailanman hindi ako nagkakamaling bitawan sila. "Fuck," I muttered. Anong gagawin ko dito? I can't picture out myself as a beggar!
Napapikit na lamang ako ng mariin at inalala ang mga nangyari. Damn it, I should've stayed instead. Tama nga si Farah, there's always a bad consequence in an impatient actions. Ilang beses ko nang pinagpa-planuhan itong pagtakas, at alam iyon ng mga kaibigan ko. Farah tried to warn me, hindi agad ako naniwala, taking things seriously is not my thing, but thinking about my situation right now, I don't think I can escape from this crap.
How can I survive? I don't have my phone, I have no money, wala rin akong kakilala rito bukod sa teka—that merman brought me here!
Napatayo ako bigla sa napagtanto. "Saan niyo nga ho ako nakita?" I ask, trying to be sound magalang. I can still clearly remember what I've just acted earlier. Sobrang nakakahiya lang.
"Sa kuweba, Cantabon Cave. Isa kasi sa mga nagbabantay doon ang pamangkin ko. Sinubukan ka nilang gisingin no'n pero hindi ka talaga naggigising pero may pulso ka pa naman. Dinala ka na lang niya rito kaninang madaling araw."
I frowned. "Where is that Cantabon Cave?"
"Sa parte ng Siquijor, Siquijor, Iha. May kasama ka ba noong napabisita kayo roon? Gusto mo ihatid kita roon?"
BINABASA MO ANG
She's Dating A Merman
FantasyElliana Kennedy is a hard headed and a spoiled unicahija of their family. She came from the affluent life so expect that she will be having a fixed marriage to whoever she doesn't want to give a damn with. So she tried to escape from the thing she u...