"Manong, pwede ho bang sumama?" tanong ko sa isang lalaking may katandaan din tulad ni Manang Bing. Naisangla na nga namin ang mga alahas ko, I actually thought malaki ang makukuha kong pera, but it didn't turn out as to what I have expected. 30,000 lang. Ang mahal kaya nung necklace and bracelet ko, ano!
"Hala, hindi pwede. Hindi naman ito panggala, Iha," sagot pa ni Manong. Gusto ko lang naman sumama mangisda, gusto kong hanapin iyong merman na sumagip sa'kin.
"Babayaran ko ho kayo. Magkano po ba gusto niyo?" pagpupumilit ko pa. Hindi pa nga pala ako nakakapunta ng Cantabon Cave. I researched the place kahapon sa internet cafe tapos nakita ko parang imposible namang nakarating ako roon. Baka naman may paa iyong merman na iyon at nagpapanggap na tao? Hindi naman kasi kasing broad ni Anthony iyong katawan nung merman, e. Kaya imposibleng pamangkin ni Manang Bing iyon.
Sandaling natawa si Manong. "Naku, hindi talaga pwede. Taga-saan ka ba, Iha?"
Tinuro ko ang bahay ni Manang Bing mula sa likod ko. "Diyan po," sagot ko saka muling binaling ang tingin sa kanya. "So, pasasamahin niyo na po ako?"
"Hindi ako naniniwalang taga-dito ka. Tagalog ka, e."
Kumunot ang noo ko. "E, nagtatagalog din naman kayo."
"Sa malamang dahil isa kang dayuhang tagalog."
"Okay, okay. So tagalogs aren't allowed mangisda?"
Natatawang umiling si Manong. "Dayuhan ang not allowed. Kung ako sa iyo, pumuta ka roon sa ibang resort, may mga jetski silang nirerenta. Mas mae-enjoy mo pa iyon kaysa rito."
Napakamot ako sa batok ko. Si Manong kasi ang daming sinasabi! At the same time, pwede naman iyong sinabi niya, but my money is just 30,000. Hindi ko alam kung ilang araw ba ang itatagal ko rito kaya kailangan kong i-save muna iyon. That amount of money is just my two weeks allowance, lalo na't sobrang gastosera kong tao.
Maya-maya ay umalis na rin si Manong. Naiwan akong dismayado. Gusto ko lang namang sumama dahil alam kong malayo ang nararating ng mga mangigisda. My Lolo is a fisherman, too! Noong binata raw siya ganitong estado rin ng buhay ang meron siya. Hanggang sa lumako iyong negosyo niya. Minalas nga lang at ako ang paborito so I'll end up marrying Forth para mas lumago pa.
Not that I hate Forth. Gwapo siya, matalino, mabait, well... hindi nga lang siya sexy dahil puro siya aral, and he has a girlfriend naman na. Sobrang bait pa nun, according to Forth. Forth and I are actually classmates kaya kilalang-kilala ko siya. Friend niya nga iyong ex ko, e. Gumagawa rin naman ng paraan si Forth, nag-iisip pa raw siya ng magandang tiyempo pero sobrang tagal naman kaya inunahan ko na ng katangahan.
Well, I don't think this is katangahan. As days passes by, mas nagugustuhan ko na ang lugar na ito. Ang peaceful kasi plus ang ganda pa ng dagat. White sand!
I sighed as the thought of wanting to see the merman again flashes through my mind. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko nandito lang siya sa paligid. Meron talagang bumubulong sa'kin na hanapin siya, I don't even know what's the purpose, ayoko pa naman gumawa ng bagay na wala namang sense kapag nakuha ko na. Ano naman ngayon kung makita ko siya?
Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko maintindihan! Pakiramdam ko, tinatawag ako ng dagat. Ugh!
Padabog akong naglakad pabalik sa bahay nina Manang Bing nang may matagpuan akong isang bangka sa tabi ng bahay nito. Agad akong tumakbo palapit doon saka chineck ang bangka. Marunong naman ako magcheck ng ganito. My Lolo taught about his life when he was at my age.
May dumaang dalawang foreigner kaya agad ko silang tinawag para tulungan akong dalhin ang bangka sa dagat. Nagpalagay na rin ako ng malaking bato sa loob. "Thank you!" masayang sambit ko bago sila makaalis. Ang pogi nila! Kaso mukhang oldie na.

BINABASA MO ANG
She's Dating A Merman
FantasyElliana Kennedy is a hard headed and a spoiled unicahija of their family. She came from the affluent life so expect that she will be having a fixed marriage to whoever she doesn't want to give a damn with. So she tried to escape from the thing she u...