Chapter 08

124 12 0
                                    

"Are you sure you'll be alright there?" Lolo asked when I told him that I want to go back in Siquijor. Isang linggo kong hinintay na magkaroon ng chance para kausapin si Lolo. He's really busy kasi talaga dahil may bagong business daw na nagiging threat sa business niya.

"Yes po, Lolo." Well, I cannot assure my safety. "Uhm... Lolo, can I tell you something?" Gusto ko sanang ikwento ko sa kanya iyong Sirenang nakilala ko.

"Oh, what's it?"

"I met a merman..."

Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. "Where?"

"In Siquijor. He was the one who saved me the time I tried to escape."

"Stay away from mermans, Elliana. Sisirain lang nila ang mundo mo."

"Ganyan ba ang naramdaman mo nung nagkaroon ka ng kaibigang Sirena? Bakit mo pa siya tinawag na kaibigan kung ganun naman po ang tingin mo sa kanila?"

"Dahil traydor sila, and that's how I define friends."

Agad na pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni Exodus. He was betrayed by a man, too... and this tells that a man and that kind of sea creature is indeed not for each other. Siguro parang sinasabi na rin mula sa taas na ang tao ay para sa tao lamang.

Bigla ko na namang naalala ang singsing ko. Heck. Baka hindi na niya ibabalik sa akin iyon?

"Sige, apo. May meeting pa ako."

Sabay na kaming lumabas ni Lolo ng office niya. Nang makapasok na si Lolo sa meeting area nila ay dumeretso na agad ako sa labas. Nakita ko na agad ang kotse ko sa labas at mabilis na pumasok dahil sa mga nakakailang na tingin sa akin ng mga tao. Ang sabi naman ni Lolo ay hindi na raw iningay iyong pagkawala ko pero parang may tao pa rin talagang walang zipper ang mouth at parang nagkaroon pa ng ideya iyong ibang tao.

My family doesn't want to let everybody knows about our own problems at baka masira pa raw ang imahe namin. That could be a possible threat for some business partners na ang sariling apo nga ay hindi naalagaan ng maayos, ang companya pa kaya?

That would be a big loss. I won't deny that it was really my fault, but my actions would probably the reflection of how did they raise me.

"Airport na po tayo," sabi ko sa driver ko. I still don't know how to drive a car, wala kasi silang time para turuan ako at wala rin silang tiwala sa magtuturo sa'kin. Cleo tried to teach me pero hindi na natuloy.

Since private plane na ang sasakyan ko ay hindi na ako nag-antay pa. Malapit lang naman ang Siquijor kaya the flight only took 30 minutes. Dumeretso ako kina Manang Bing sakay lang ang tricycle. I only brought backpack kaya hindi naman masyadong hassle.

"Ayo!" Agad na sambit ko saka kumatok kahit na open naman iyong pinto. That's how they say 'tao po' here.

Maya-maya ay lumabas si Mang Nonoy na parang nagulat pa nang makita ako. "Elliana?" Aniya. "Bing, si Elliana nibalik!" Tawag niya pa kay Manang Bing na kung hindi ako nagkakamali ay naroon siya sa likod.

Dali-dali namang lumabas si Manang Bing at halatang nagulat ding makita ako. Mabilis naman akong naglakad papasok at agad siyang niyakap kasunod ay nagmano ako kay Mang Nonoy. "Good afternoon!" Maligayang sambit ko.

"Naparito ka? Tumakas ka na naman ba?"

Umiling ako. "Hindi po. Nagpaalam na po ako this time. By the way, meron nga po palang pinabibigay sa inyo si Mommy as thank you raw po," binigay ko iyong isang paperbag na dala ko para sa kanila.

She's Dating A MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon