Napaupo na lamang ako dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.
"Huwag ka nang umiyak. Ligtas ka na," tulala pa rin ako sa nangyari. Ni hindi ko na nga na-witness kung paano niya ba napaalis ang mga snakes na iyon. "Elliana," muli niyang pagtawag saka ako nabalik sa huwisyo.
Napatingin ako sa kanya. Marahan akong umiling. "W-Wala na bang mga ahas?" Tanong ko sa kanya saka muling binalik ang atensyon sa tubig. "S-Sigurado ka bang wala na sila?"
I saw him nodded in my peripheral vision. "Pinalayas ko na sila. Ano ba ang pwede kong maitulong upang ika'y tumahan na?"
"H-Ha?" Napahawak ako sa pisngi ko, sobrang basa na pala. "Uh... S-Sorry... naabala pa kita," sambit ko saka tumayo na at nagsimulang maglakad palayo roon sa tubig.
"Patawad sa lahat ng masasamang sinabi ko," napahinto ako sa paglalakad nang magsalita siya. "Nabalot lang ako ng galit kahihintay sa pagbalik mo."
I faced him. "A-Ayos lang..."
"Hindi ayos lang 'yon, Elliana. Nasaktan kita," parang may kung anong tinik na nawala sa puso ko nang sabihin niya iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit napaiyak ako dahil doon. "Hindi ko nga pala maibabalik ang iyong singing ngayon."
Kumunot ang noo ko. "A-Ano? Bakit?" Napaiwas siya ng tingin kaya muli ko siyang tinawag sa pangalang binigay ko sa kanya. "Anong nangyari?"
Binalik niya ang tingin sa akin kaya medyo kinabahan ako dahil parang ang lungkot-lungkot ng awra niya. "Ipagpatawad mo't naisip kong hindi ko na ibabalik iyon sa'yo."
"A-Ano? Bakit mo naman ginawa 'yon?!"
"Ganti ko sa pag-aakalang ikaw ay taksil."
I sighed. "Exodus naman, pwede bang iwasan mo 'yang mga ganyang pag-iisip mo? Masama ang gumanti, unless para sa nakakabubuti," I really want to scold at him right now. Gusto ko siyang sakalin dahil sa ginawa niya, but I know it won't solve anything.
"Nais mo bang sumama?"
"Sumama saan? Sa sinasabi mong manghuhula?"
Tumango siya kaya naman napaisip agad ako. Sasama? I don't think I could go. Baka mamaya sa kabilang Isla pa iyon tapos baka biglang may bagyo na naman. Ayoko na. But at the same time, what if hindi na nga niya ibabalik sa akin 'yon? Iyon naman iyong pinunta ko rito kaya dapat na ring sigurong sumama ako para more secured.
Pumayag din ako sa huli. Bumalik muna ako sa room ko at nagpalit ng susuotin. Bumili na rin ako ng lifejacket and food and drinks, pagtakapos ay dumeretso na ako kung nasaan si Exodus nang mapansin kong may color yellow nang bangka sa tabi niya.
"Saan mo naman 'yan nakuha?"
"Diyan lang sa tabi. Huwag kang mag-alala, ibabalik ko rin 'to."
Napailing na lamang ako sa naging sagot niya. Sumakay na lang din ako sa bangkang technically, ninakaw niya na. Gabi naman na kaya no worries. Nagsimula siyang itulak iyong bangka kaya bigla na rin akong kinabahan. Seriously, I never thought in my life na isasabak ko ang sarili ko sa mga ganito.
Habang nasa gitna kaming dagat ay kumakain lang ako. Niyaya ko naman si Exodus na kumain rin kaso ang sagot niya lang ay hindi siya kumakain ng ganito, okay lang naman siguro ang Monde Mamon. Hindi niya lang siguro trip ang lasa. Tsk. Sa susunod magdadala na lang ako isang box ng sardines. Isda lang daw kasi kinakain niya, e.
Tama nga, sa ibang isla nga kami pumunta. Actually, hindi talaga siya as in island. Maliit lang siya na kuweba na nasa gitna ng dagat. "Kolana," biglang sambit ni Exodus at nagulat na lang ako nang biglang may color orange na usok ang lumabas galing sa kweba.
BINABASA MO ANG
She's Dating A Merman
FantasyElliana Kennedy is a hard headed and a spoiled unicahija of their family. She came from the affluent life so expect that she will be having a fixed marriage to whoever she doesn't want to give a damn with. So she tried to escape from the thing she u...