Chapter 06

127 13 0
                                    

"Oh? Kumain na ba kayo?" Salubong ni Manang Bing nang makarating kami. Si Anthony na ang sumagot dahil hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para magsalita. Wala naman iyong mabilis na kabog kanina, pero parang kinakabahan pa rin ako. Was it just a panic attack? Not that far naman.

Nagpaalam na lang muna ako kay Manang Bing na magpapahinga muna. Masyado rin akong maraming naggawa ngayong umaga dahil sa kung saan-saan na kami pumunta. Gusto ko na lang din itulog itong mga iniisip kong ito. Parang mababaliw na ako kakaisip na baka mamaya bigla akong aatakihin sa puso kasi sobrang hirap talagang huminga. Ayoko nang maulit pa.

Thankfully, nakatulog din ako agad. Naggising na lang ako nang tapikin ni Manang Bing ang balikat ko para yayaing kumain. Muntik ko na nga siyang masungitan dahil sa ginawa niya pero naalala kong hindi ko nga pala pamamahay 'to. I just don't like when someone's interrupting my sleep. Bawal daw iyon sabi ni Lola.

Well, sina Manang Bing kasi kailangan dapat nasa tamang oras kumain. Ayaw niyang may napa-pasmo sa loob ng bahay niya. Pasmo means nalipasan ng gutom. Sa bahay kasi, bababa ka lang ng kusina kung kailan gusto mo or madalas tuwing may occasion lang kami nakakagamit ng dining area nang buo. They're all busy, madalang lang ding bumibisita ang mga cousins ko, kaya sanay akong mag-isa.

"Kumusta ang araw mo roon, Elliana?" Tanong ni Manang Bing habang naglalagay ng mga kinurot niyang parte ng isda sa plato ko. Sobrang caring talaga ni Manang Bing, alam niya kasing hindi ako marunong mang-kusi ng isda. Iyon daw tawag kapag kumukuha ka ng laman ng isda.

"Ah. Ayos naman po. Sobrang ganda roon sa Salagdoong. Okay lang po bang isasama ko kayong ipapasyal do'n? Sa susunod po. Medyo boring po kasi ang mag-isa." Yet the truth is, I am scared. Baka kung ano namang maramdaman ko mag-isa.

"Oo naman. Bakit hindi?" Sagot pa ni Manang na natatawa.

Nagulat na lang ako nang biglang lagyan ni Anthony ng sea urchin iyong pinagkainan ko. "Hindi ako kumakain nito, Anthony," I said in a warning tone. Alam niya namang hindi ko trip kainin iyan. Nakakadiring tignan!

"Lami na," ani pa Mang Nonoy.

"Oh, baka hindi mo rin alam kung anong ibig sabihin ng lami?" Si Anthony.

"Masarap. Alam ko," masungit na saad ko dahilan para matawa na naman si Manang Bing. Hindi ko gets bakit natatawa siya sa amin ni Anthony. Kulang na lang ay i-ship niya kaming dalawa.

"Goods. Sunod dadalhin kita sa Balete Fish Spa," aniya pa.

"Balete? Ayoko nga, baka kung ano pang makita natin do'n."

"O.A naman nito. Tourists spot din iyon. Try mo kayang i-search sa google mamaya? Kailangan mo rin 'yon para maka-relax ka."

Hindi agad ako nakasabat ni Anthony. Naalala ko pa kung paano siya nag-alala sa'kin kanina dahil nahihirapan akong huminga. Nakaka-touch lang kung paano niya ako alalayan kanina. Sinubukan ko namang kumalma pero naghalo-halo na ata iyong palpitation at kaba dahil sa takot na baka bigla akong hihimatayin.

Bakit kaya bigla kong naramdaman iyon? Talaga bang ang Merman na iyon ang may gawa? Hindi ko naman kasi iyon nararanasan noong hindi ko pa nakakasalamuha ang lintik na sirenang iyon!

Matapos naming kumain ay kaagad akong pumasok sa kwartong pinahiram sa akin ni Manang Bing. I immediately searched on google iyong Balete Fish Spa, and yes! Nakaka-excite nga. Fishes daw mismo iyong magma-massage sa'yo.

Nang matapos akong mag-explore sa google ay hindi ko na alam ang susunod kong gawin. Hindi na ako inaantok at ang tanging magagawa ko na lang ay ang titigan ang phone kong walang social media apps. I don't want to take a picture din kasi dahil ang pangit ng camera compared sa dati kong phone. Wala kasing gano'n dito.

She's Dating A MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon