Chapter 05

138 17 8
                                    

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko na animo'y basta na lang sumigla. I don't drink coffee, so I don't think it's just a palpitation. Feel ko tuloy aatakahin na ako sa puso sa sobrang bilis dahil sumama pa iyong kaba.

"Bullshit!" sigaw ko saka dumapa at tinakpan ng unan ang aking magkabilang tainga. Kanina pa ako nakakatutok sa kisame na parang tangang naghihintay ng tawag ng Merman na iyon at ipapa-explain kung siya ba ang may kagagawa no'n. I'm a healthy cutie kaya, athlete pa. Imposibleng bigla akong nagkaroon ng sakit sa puso.

Wait, baka nagmana ako kay Mommy?

Argh. Hindi naman genetically inherited ang sakit sa puso! Malamang talaga iyong lintik na Merman na iyon ang may kagagawa no'n? Or... baka aftershock iyon nung sa nangyari kanina... Aish, ano ba tong pinag-iisip ko?!

Yuck, ang dumi!

Sana pala sinama ko na lang din si Anthony dito. At least, his loudness could help to lessen my vexation. Baka naman kasi warning na ng Merman iyon sa'kin dahil basta-basta ko na lang siyang iniwan. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa sinabi niya? Tsk.

The fact that he's not a human, killing for him, maybe, is legal, pero ayoko namang maging kasangkot niya, ano!

Sa sobrang desperadong matulog ay sinubukan kong hindi gumalaw nang 15 minutes. Napanood ko 'tong ideya na 'to sa BrightSide kaya sana effective. Noong una hindi ko agad nagawa dahil nadi-distract talaga ako sa tunog ng waves. Well, lagi ko namang naririnig iyan tuwing natutulog ako sa bahay nina Manag Bing, pero iba kasi iyong naririnig ko mismo ngayon. Para bang biglang pumasok sa isipan ko ang insidenteng nangyari sa'kin four days ago.

Sinasadya niya ba 'to?! Nakakaasar.

Nakatulugan ko na rin ang pag-iisip. Naggising na lang akong may kumakatok sa kuwarto ko. "Maldita, gising na. Tanghali na po!" If I am not mistaken, it was Anthony's sarcastic voice. Wow, tinanghali ako ng gising, ah. Mabuti naman pinatulog pa ako ng utak ko kagabi—or shall I say, kaninang madaling araw.

Kinusut-kusot ko ang aking mata bago tumayo at saka pinagbuksan si Anthony. "Wait me there," sabi ko saka tinalikuran siya para kunin ang gamit ko.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Anthony matapos kong mag-ayos. I just shrugged as a reply saka lumabas na ng kwarto. "Oh, nakabusangot mukha mo? Tsk. Ano bang ginawa mo rito? Huwag mong sabibing nagtataray ka lang buong—"

"Shut up. I'm exhausted," sagot ko saka tamad na naglakad. Kaya ayoko talagang nagpupuyat, e.

"Bakit naman? Share naman diyan ng experience, oh!"

"I said shut up." Inaantok pa rin ako, at wala rin akong ganang magsalita dahil hindi pa ako nakakapag-breakfast. I want energy! "Punta nga tayong Mcdo, my treat. Nagugutom na ako."

"Aba, spoiled ka siguro 'no? Mcdo talaga unang pumasok sa isip mo, e may kainan naman diyan."

"Alam mo, ang dami mong dada. Sagot ko nga gastusin diba?"

"Hindi kita maihahatid do'n. Walang Mcdo dito. Tara Jollibee na lang tayo," aniya saka inunahan akong maglakad papunta sa kung saan naka-park ang motor niya.

Halos dalawang oras pa ang binyahe namin papunta sa kung saan man naka-locate ang Jollibee. Ni-hindi ko man lang nasilayan ang ganda ng dagat dahil sa kung saan-saan siya shumort-cut. Hindi na rin naman kasi ako makaangal, marunong naman ako mahiya.

Balak ko pa sanang mag-take out na lang dahil ayaw ko iyong may kasama akong ibang tao sa isang table—na kami lang. I mean, nakakasama ko naman si Anthony kumain sa bahay nina Manang Bing, I just don't like the idea na baka pagkamalan pa kaming mag-on. Ayos naman din si Anthony but no thanks.

She's Dating A MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon