Kabanata 33

4 1 0
                                    

Hello! I hope you're doing fine. Most updates will be on weekends , yes! I am back on my once a week update again. I hope you're enjoying every chapter 😗👉🏻👈🏻 Happy reading!

Mapang angkin, mapangahas na nakakaliyo ang bawat pagsakop ng mainit at malambot niyang labi sa akin. Pinaparamdam ni Hades sa akin ang galit niya. Hawak niya ang mga kamay ko sa gilid ng aking ulo, nais ko kumawala ngunit hindi sapat ang lakas ko laban sa kanya.

Tanging nagagawa ko lamang ay ay dumaing dahil sa kanyang halik. Dilat ang mga mata ko habang mariin na nakapikit ang kanyang mga mata habang nakasampok ang makapal na kilay nito. Hindi ako makatugon sa halik niya at tanging senswal na daing lamang ang naisasagot.

Galit.

Bakit galit na naman ito sa akin? Ano ang nagawa kong kasalanan? Pilit kong inilalayo ang mukha sa kanya sapagkat nawawalan na ako ng hangin. Ngunit hinahabol lamang ng mga labi niya ang labi ko at mariining sinisipsip. Hindi ni Hades nilulubayan ang mga labi kong bilanggo niya.

Ang init na pinaparamdam nito ay pilit akong nilalamon ngunit ayaw kong magpatangay. Hindi pwede.

"Hah!"

Taas baba ang aking dibdib habang habol ang hininga. Tulala na nakatingin sa mga nata ni Hades na siyang madilim na nakatitig sa akin.

"H-Hades," paos ang boses na banggit ko sa pangalan niya.

Ramdam ko ang pamamantal ng labi ko. Bawat isa sa amin ay patuloy pa rin sa paghahabol ng hininga. Naghintay ako sa muling pagbuka ng bibig niya para magsalita ngunit wala. Tahimik pang siyang nakatingin sa akin.

Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa aking kamay. Pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib. Hindi ko maapuhap kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Sa tuwing gagawa ito ng galaw ay palagi na lamang akong naiiwang tulala, nawawalan ng depensa at natatameme.

Ano ang ginagawa mo sa akin Hades?

Umangat ang kamay ni Hades, sinundan iyon ng tingin ko. Inilapit nito ang palad sa pisngi ko pababa sa mga labi ko. Hinaplos ng kanyang daliri ang namamantal kong labi nang dahil sa halik niya. Wala sa sarili nitong kinagad ang labi habang patuloy sa paghaplos sa akin.

"Macey," mahinang banggit niya sa pangalan ko.

Sa unang pagkakataon ay tinawag niya ako sa pangalan ko. Nanlambot ang tuhod ko sa 'di ko malamang dahilan. Umawang ang labi ko habang nakalapat pa rin doon ang daliri niya. Sa unang beses na pagtawag niya sa akin sa pangalan ko ay hindi ko alam na ganito kalaki ang magiging epekto. Bumukang muli ang labi ko para sana magsalita ngunit natigil ako.

Mariin na pumikit si Hades sa harap ko saka ito bumitaw sa pagkakahawak sa akin. Walang pakundangan ang bawat pagbigkas niya ng mga mura sa iba't ibang lenggwahe.

"Tss!"

Tumama sa akin ang matalim na titig niya sa muling pagmulat. Nanigas ang nanlalambot kong tuhod dahil doon.

"This is all your fault. Fuck!" Napaigtad ako sa sinabi niya.

Mariin kong pinikit ang nga mata dahil sa pag amba nito ng suntok ngunit sa pagdilat ko'y lumalakad na siya papalayo.

Nasaksihan ko ang pagsalubong sa kanya ni Sam at pinulupot nito ang mga braso kay Hades.

Tikom ang bibig habang padaosdos na sumalampak ako sa buhangin. Nanghihina ang buo kong katawan lalo na ang mga binti ko. Itinakip ko ang aking mga kamay sa bibig para pigilan ang himbing naghuhudyat.

Ano itong ginagawa ni Hades sa akin? Bakit nakakaramdam ako nito? Dumaosdos ang isa kong kamay sa dibdib. Naninikip ito, sa bawat pintig ay masakit. Inuubos nito ang hininga ko.

BEGONE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon