"Always be humble"
Kabanata 3
Kasalukuyan akong naghahalo ng iinomin kong gatas. Dalawang araw na rin ang lumipas at hanggang ngayon ay wala akong mahanap na trabaho. Naisip ko na rin na magtayo na lamang ng negosyo ngunit nagdadalawang isip ako kung magiging worth it ba ito o hindi. Natatakot akong baka masayang lang ang perang meron ako.
"Hay," buntong hininga ko.
Nilapag ko sa mesa ang kutsara saka simimsim ng gatas. Tanging gatas na lamang ang aking almusal ngayon dahil wala na akong perang pambili ng ulam.
Nakadiposito na ang perang nasa cheke at pinag iisipan ko na kung ano ang maaari kong magawa doon. Graduate akong Accounting and Business Management sa Senior High. Hindi naman siguro magiging mahirap para sa'kin kapag nagtayo ako ng negosyo diba?
Nahilot ko ang aking sintido dahil sa stress. Hindi pwedeng mabulok lamang sa bangko ang perang meron ako dapat ay gamitin ko iyon para mas makakuha ng malaking pera pero sa paanong paraan naman kaya, negosyo nga ang iniisip ko ngunit anong negosyo naman kaya.
Ilang beses ako nagpakawala ng malalim na hininga habang tulala sa kawalan. Hindi ko talaga alam kung anong klaseng negosyo ang pwede kong maitayo. Sumimsim ulit ako sa tasa ngunit nahagip ng mata ko ang dyaryong nabili ko noong nakaraan. Nakasampay lang ito sa kaldero, naalala ko ginawa ko pala iyong sapin upang hindi ako mapaso.
Kumunot ang noo ko nang makita ang nakasulat doon. Lot for sale! Iyon ang nakasulat. Mentally ni-convert ko ang nakasulat na halaga mula sa dolyar. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong nagkakahaga lamang iyon ng thirty to forthy thousand pesos kung pagbabasehan sa philippine peso.
Nagmamadali kong tinungo ang dyaryo upang hanapin ang iilang detalye ukol dito. Ang bakanteng lote medyo malayo sa mga kilalang gusali at napapabilang ito sa mga maliliit na gusaling may sari-sariling megosyo. Tamang tama lamang ang loteng iyon para pagtayuan ng negosyo dahil mabilis lamang itong mapapansin. Hindi masyadong crowded ang lugar ngunit marami namang tao sa paligid. Tamang tama ito para sa pagtatayo ko ng negosyo.
Agad kong sinulat ang address nito at numerong maari kong matawagan ukol sa lupa. Pinapanalangin ko lang na wala pang nakakabili nito. Naghanap na rin ako sa internet ng maaring negosyo na hindi komplikado. Iyong maliit la ma mg na negosyo na pwede kong masubukan.
Nagpasya akong puntahan ang lugar para silipin kung nabenta na ba ito o wala. Sinubukan ko na rin tawagan ang numerong nakasulat sa dyaryo ngunit walang sumasagot kaya nag iwan na lamang ako mensahe.
Hindi naman malayo ang Garment sa Manhattan square saka pa sakop sila ng New York at magkatabi lamang. Kalahating oras lang ang magiging byahe mula Garment kaya hindi ako mahihirapan. Positibo akong mapapakinabangan ko ng mabuti ang loteng iyon.
Hindi ko na problema ang negosyong ipapatayo ko dahil may pagpipilian na ako. Ang mga iyon ay cafe, souvenir shop or maliit lamang na kainan na nagbebenta ng mga pagkaing pinoy. Hindi ako mahilig magluto ngunit kaya ko naman na magluto ng iba't ibang putahe.
Naging mabilis ang oras para sa akin. Agad na akong nakarating sa lugar. Agad kong hinala ang paningin sa paligid. Hindi ko alam ba ganito pala talaga ang hitsura nito kapag nasa actual na. Tanging apat na pundasyon na lamang ang naroroon at nakatayo. Mukhang sinira ang naunang natayong gusali dito. Base sa impormasyon na naroon ay dati itong cafe na nalugi at pinasara na lang saka pinagiba at ngayon ay ibeneventa na ng may ari.
"Magandang pwesto," usal ko.
Lumapit pa ako saka pinagmasdan ang paligid nito ngunit napatigil ako dahil sa nakatayong babae sa unahan ko. Kinakausap nito ang sarili habang nililibot rin ang paningin sa paligid. Mukhang isa rin ito sa mga gustong bilhin ang lugar na ito ngunit kailangan ay ako ang maunang makabili nito.
BINABASA MO ANG
BEGONE (On-Going)
RandomDate Started: March 30,2020- Macey went to abroad with one goal it is to help her family in their financial problems. She worked hard in New York but she was out of luck. The available jobs she can apply are limited, and she was fired many times in...