Kabanata 10

9 2 0
                                    

"Always be humble."

A/N: Hello! I apologize sa mga typos kasi hindi talaga ako nag eedit kapag nasulat ko na ang isang kabanata. Thank you for those na nagbabasa and also for voting, honestly hindi naman talaga importante sa akin ang votes dahil reads talaga but then super thank you. Salamat sa pagta-tyaga sa sulat kong ito. I'll do my best and will never stop writing for updates. Here's the 4 following kabanata para sa inyo. Sama mag enjoy kayo. (^_^)

Kabanata 10

Hindi naging madali para sa akin ang nakalipas na apat na buwan. Muntikan na mawala sa'kin ang anak ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang tagpong iyon kung saan unang beses akong nakaramdam ng takot.

Dinama ko ang umbok sa aking tyan at marahan itong hinaplos. Halata na ang pagbubuntis ko kaya minsan ay hindi na ako lumalabas. Dala na rin siguro ng pagbubuntis iyong mabilis akong mapagod kaya mamamalagi na lang ako dito sa apartment.

Sa apat na buwan na iyon ay palagi kong kasama sina Emilliana at Kuya Joe. Unti-unti ay nagiging malapit na rin ako sa kuya ni Emilliana. Nagkaroon din sa wakas ako ng matatawag na brother figure.

Malaking tulong para sa akin na nariyan sila para sumuporta sa pagbubuntis ko they helped me noong muntikan na mawala ang anak ko sa akin dahil sa aksidente kong pagkakadulas sa sahig.

I could still feel the horror while remebering those scene kung saan nakasalampag ako sa sahig at dinudugo na. Umiiyak ako no'n sbouting for help and that was the time na saktong dumating silang dalawa. Si Kuya Joe ang nagbuhat sakin palabas at sinakay ako sa sasakyan para madala agad sa ospital. I am just thankful na hindi nawala sa'kin ang baby ko. Kahit naman unwanted pregnancy ang nangyari sa'kin ay hindi na gugustuhin ang bata.

Pinalaki ako ng pamilya ko na pinapahalagahan ang pamilya at buhay na binigay ng Diyos kaya ayokong mawala ang batang nasa sinapupunan ko dahil lang sa hindi ko ito ginusto.

Masuyo kong hinaplos ang 'di kalakihang umbok sa tyan ko. "Baby, kapit ka ng mahigpit," bulong ko sa malambing sa tono.

Nakasanayan ko na itong kausapin kahit ilang buwan pa lamang ito. Saka iyon ang sabi ni Dra. Nikaye kaya ginagawa ko. Nasabi niya rin na kung minsan ay makinig ako sa mga musika at basahan ng kwento ang anak ko. Makakatulong daw kasi iyon sa development ng baby.

Ilang katok ang narinig ko mula sa pinto. Napadako doon ang tingin ko.

"Macey, si Emilliana 'to pasok ako, huh," pakinig ko. Mamutawi sa labi ko ang matamis na ngiti.

Nandito na si Emilliana at siguradong may dala itong pagkain na pinaglilihian ko, ang chicken cordon bleu. Tumayo ako sa pagkakaupo sa upuan at maingat na naglakad para salubongin si Emilliana.

"Macey," tuwang tuwa si Emilliana matapos akong makitang patungo sa kanya. Sobrang lapad ng ngiti niya habang itinataas ang hawak na dalawang paper bag sa ma gna bi la any kamay.

"Cordon bleu," tili ko habang ang tingin ay nasa paper bag niya.

Mabilis na napawi ang malapad na ngiti nito sa labi at laglag ang balikat na tumingin sa'kin. Inosente ko siyang tinignan dahil nakasimangot na ito.

"Oh, nakasimangot ka?" walang ideyang tanong ko.

"You have no consideration, hindi kita bibigyan ng cordon bleu," nanlaki ang mga mata ko.

Oh no, ang chicken cordon bleu ko.

"Bakit naman?" ingos ko. Unti-unti kong naramdaman ang pag iinit ng mga mata ko.

"Hindi mo man lang ako binati, I am your best friend tapos cordon bleu lang ang napansin mo?" reklamo nito.

Bakit galit na ito sa akin ngayon. Kanina naman ay malapad ang ngiti nito.

BEGONE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon