Kabanata 15

20 4 0
                                    

"Always be humble"

Kabanata 15

"Emilliana, ayaw ko nga sumama," tanggi ko sa paulit-ulit na pagyaya niya.

Nais talaga ni Emilliana na isama ako sa napapalapit na reunion nila. Alam kong mayayaman ang pamilya nila kaya mas lalong ayaw ko sumama. Reunion nila iyon kaya nakakahiya kung makikiapid pa ako. Sobra na nga itong naitulong nilang magkakapatid sa akin baka magmukha na ako nitng gold digger.

"Macey, come one malapit ka na naman manganak," pursigidong kumbinsi niya.

Saglit na inayos ko ang laylayan ng aking bistida na umaakyat na sa hita ko dahil sa pagkakaupo. Tiniklop ni Emilliana ang mga binti at pinatong ito sa upuan naming sofa. Umusog pa siya para makalapit sa akin.

"Yes, malapit na ako manganak at kailangan kong tutukan muna ang baby ko. Hindi naman ako gano'n ka importante para pasamahin mo sa family reunion niyo. Hindi ako doon belong."

"I don't care about your excuses, sasama ka sa amin ni Kuya and that's final. You're a family to us now kaya wag ka na tumanggi."

Umismid siya, "Also those assholes requested too, mga feeling close ang mga hayop!"

"Minsan napapaisip na talaga ako kung sino ang mas matanda sa inyo, ikaw ba o sila," marahang tawa ko.

Hinawi niya ang kulot niyang buhok sa balikat at maarteng umirap.

"Of course sila but their mind.... duh mga isip bata ang mga yun na ang alam lang ay pumasok sa kweba at magpaputok."

Heto na naman siya sa pagiging basher. Nilagay niya ang palad sa dibdib.

"I am more mature than them," confident sa sabi nito.

"Maarte ka kaya," kontro ko.

Napanguso siya, "Bunos lang iyon!"

Tumawa ako, "So, sama ka na?"pinagtaasan ako nito ng kilay.

Nagkibit balikat ako, "Ano pa bang magagawa ko."

Natutuwang pumalakpak siya, "Good!"

Parang hindi yata bumubuti itong pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag pero parang pakiramdam ko hindi ako komportable ngayon. Siguro mabuti pa na ikain ko na lang to.

"Emilliana," tawag ko sa kanya. Nakahilig na siya sa kabilang dulo na armrest ng sofa at nagbabasa ng magazine.

"Yes?" binaba niya ang magazine na hawak.

"Pasuyo naman ng pasta doon sa mesa, please," nguso ko.

"Gutom ka na naman ba?" tanong niya saka tumayo na.

Hindi naman ako gutom pero parang gusto ko kumain. Hindi ko kasi talaga maipaliwanag itong discomfort na nararamdaman ko. Kung manganganak naman ako ay matagal pa iyong due may isang linggo pa ako.

"By the way, may name ka na ba para sa baby?"

Nilapag ni Emilliana ang pinggan na may pasta sa maliit na mesang kaharap ko. Ito ay galing sa restaurant ng lola niya na pina-order ko kanina lang. Binigyan ako nito ng mas maliit ma pinggan at tinidor.

"Hmm... actually wala pa," honest na sagot ko.

Matagal ko na pinag iisipan ang magiging pangalan ng anak ko pero wala talaga akong mapili sa lahat ng naiisip ko. Armando, Thunder, Ace, at iba pa iyon ang mga naiisip ko pero hindi ko bet.

"Uhm... lagyan mo ng Bleu ang pangalan ni baby," suggestion nito.

"Blue?" takang tanong ko umiling naman siya agad.

BEGONE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon