A/N: Hello! Thank you for reading kinikilig ako. Haha. Just watch out dahil wala pa tayo sa gitna. Haha. Excited!
Kabanata 6
Nakaupo kaming tatlo ngayon sa isang maliit na mesa dito sa isang mamahaling restaurant. Dito ako hinatak ni Emilliana kasama ang kuya niya.
"I already recieve the email from my sister and I already check the details that you want me to put," sulyap niya sa'kin.
"The design that you choose is quite clever and fascinating," ang paningin niya ngayon ay naka pokus na sa laptop niya.
Pansin ko ang kanina pa nitong pasimpleng sulyap sa gawi ko. Habang tumatagal ay hindi na ako nagiging komportable. Nilingon ko si Emilliana na ngayon ay nakatingin sakin na tila nagtatanong mukhang pati ito ay napansin ang pagtitig ng kapatid niya. Ngumiwi ako sa kanya at nagkibit balikat.
"I'll just inform you two when is the start of the construction." Tumikhim si Emilliana saglit, "Okay"
"Any additions or request so that I can finalize the design by tommorow," kanina pa nakakunot ang noo nito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala.
Nagmumukha itong masungit gayong kanina ay mukha naman itong mabait noong nasa opisina pa kami.
"Quit staring," puna ni Emilliana sa kapatid.
Hindi na siguro ito makatiis. Kahit ako'y parang gusto na lang magpakain sa lupa. Hindi ako nagiging komportable sa pagsulyap nito sakin pakiramdam ko may dumi sa mukha ko. Wala sa sariling hinawakan ko ang sariling pisngi baka nga may dumi ako sa mukha na 'di ko lang pansin.
"What?" inosenteng bumaling si Joe sa kapatid.
Nagtitinginan lamang ang dalawa, si Joe na kunot noo at si Emilliana na pinandidilatan ito.
Ramdam ko ang kakaibang koneksyon sa kanila na hindi ko maipaliwanag pero ang bagay na iyon ay nagpapahiwatig na merong isang hindi maputol-putol na koneksyon bilang magkakapatid. Pansin ko rin ang pasimpleng pang aasar nito kay Emilliana. Sa tingin ko'y hindi naman talaga ito gano'n ka seryosong katao. Masyado lang talagang malakas ang aura niya dahil sa pormal na suot.
"Why are you staring at my friend brother?" puna ni Emilliana
"W-What no, I'm not." Nahagip ko ang pasimpleng sulyap niya ulit.
Hindi daw sumusulyap. Palihim akong tumawa.
"You d-ckhead! Stop staring at her, she's my friend." Sinuntok ni Emilliana ang braso niya.
"Aww! Sweetheart stop punching me--Aww!" Ilang beses siyang pinagsusuntok ni Emilliana, palihim akong napangiti.
Brutal silang tignan pero sweet. Nakikita ko ang sarili ko sa kanila kasama yung ate ko. Umiling ako para mawala ang isiping iyon, ayokong malungkot dahil sa pangungulila sa kanila. Tumigil na si Emilliana sa pagsuntok sa kapatid niya pero dinuro niya naman ito.
"Back off Kuya, you womanizer!" Marahang tumawa si Kuya Joe habang si Emilliana naman ay may matalim na tingin.
Tinaas niya ang dalawang kamay bilang pagsuko sa kapatid. "Fine. I yeild."
"It's just..." sumulyap sa gawi ko si Joe na nagpa init ng pisngi ko.
"Ouch!" napapitlag ito bigla dahil sa pagpingot ni Emilliana sa gilid niya.
"You chubby sweetheart!"
Bakit ba kasi sulyap ito ng sulyap sakin. Nakakahiya kaya.
"You're ruining my composure," inayos nito ang suot na damit.
BINABASA MO ANG
BEGONE (On-Going)
RandomDate Started: March 30,2020- Macey went to abroad with one goal it is to help her family in their financial problems. She worked hard in New York but she was out of luck. The available jobs she can apply are limited, and she was fired many times in...