Kabanata 17

9 4 0
                                    

A/N: Hi again :) French words are the following na nasa dialogue, I already provide translations so no worries. Happy Reading, enjoy.
Credits to the google translate for the french translations.

Next update will be next week, kung gusto niyo pa maging updated sa mga announcements ko on upcoming updates just visit my fb account, because honestly hindi ako active dito. Thank you for reading.

Fb Link: https://www.facebook.com/jinx.deluxe

Kabanata 17

"Hold Zagreus Bleu, I'll be the one to carry that," napatigil ako sa paghila ng maleta ko.

Nasa gilid ko si Kuya Joe habang marahan nitong hinihele ang anak ko. Binitawan ko na ang maletang hawak. Maingat na nilipat ni Kuya Joe sa bisig ko ang tulog na si Bleu. Pumigsi ito dahil siguro sa gulat sa paggalaw ko kaya agad ko siyang nihele.

Alas singko pa lamang ng umaga ngunit aalis na kami para sa byahe.

"Let's go," aya ni Kuya Joe habang hila-hila ang mga gamit ko.

Para lang kaming mangingibang bansa dahil sa mga maleta kong dala. Hindi na pumunta dito si Emilliana dahil antok pa daw ito at gusto pang matulog sa kotse kaya ang nakakatandang kapatid na lamang nito ang sumundo sa amin.

Pinili nilang bumyahe ng ganitong oras para maaga silang makarating sa mansion. Mabuti rin naman iyon para hindi kami matraffic sa daan.

Habang naglalakad palabas sa daan ay balot na balot ko ng puting lampin na makapal ang anak ko para hindi siya ginawin. Pinagsuot ko rin siya ng makapal na suit at pinasuot ng sombrero at gloves sa mga kamay. Masyado pang sensitive ang balat ni Bleu kaya iniiwas ko muna siya sa maruming hangin.

"Did you already check your things Macey?" biglang tanong ni Kuya Joe.

"A-Ah... yes," medyo natagalan ako sa pagsagot.

"Good."

Huminto kami sa tapat ng van nila. Pinagbuksan ako ni Kuya Joe bago ito pumunta sa likod ng sasakyan para ilagay ang mga gamit ko. Nagulat ako sa ayos ng van nila. Hindi ito pangkaraniwan at mukhang customize ang pagkakagawa.

Bumungad sa akin ang dalawang magkahanay na mga upuan. Pumasok ako doon at naupo. Nasa unahan naman ay may nakalatag na maliit na kama na kasya ang isang tao, doon natutulog ng mahimbing si Emilliana.

Sa unahan ay may tv doon at sa lapag ay may maliit na mesa at iilang utensils na may sariling mga lalagyan. Lumingon ako sa likod, may maliit na parang kusina sa kaliwa at mukhang cr naman sa kabilang dako. Sa likod ko'y may kurtina rin na sa palagay ko ay gamit para makapagbihis. 

Dumungaw sa nakabukas na pinto ng van si Kuya Joe. Ngumiti siya sa akin kaya gumanti ako. Pumasok na siya ng sasakyan saka naupo siya sa unahang upuan, mukhang inaantok rin ito. Sumilip ako para makita siya.

"Inaantok ka Kuya?" walang ideyang tanong ko.

Napasuklay ito ng buhok niya at mariing napapikit.

"I didn't had a good sleep last night," inaantok na sagot nito.

May inabot siya sa gilid ng bintana na telepono. 

"Let's go Henry," sabi niya sa kabilang linya.

Bumalik na ako sa pagkakaupo ng maayos. Tulog pa rin si Bleu ng mahimbing kagaya ni Emilliana doon sa kama. Hindi naman ako inaantok kaya siguro tatanaw na lang ako sa bawat daang tinatahak namin.

"This will be a long ride Macey," paalala nito.

"It's okay kuya, hindi naman ako inaantok," pagkumbinsi ko sa kanya.

BEGONE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon