Kabanata 28

6 2 13
                                    

A/N: Hello! It's been a while, sorry for the late update busy lang talaga sa module at personal matters. Bad timing pa exam na naman namin ngayon, akala ko makakaluwag na ako. Thank you for reading, Enjoy!

Ps. Unedited

"That's Samaira Alfonse," napatingin ako kay Emilliana, nabasa kaya nito ang iniisip ko?

"Buhay pa pala yan," hindi man lang ito nag abala na itago ang pagkadisgusto sa mukha nito.

Muli ay napatingin ako sa gawi ng mga ito. Hades is still the same, kunot ang nuo at hindi man lang nakangiti while on the other hand nakapulupot na ang mga braso ni Samaira sa kanya.

Ang suot nitong puting button down tshirt at itim na pants ay bumagay sa kanya. Kung titignan ang dalawa ay masasabi mong perfect match ang mga ito. Naalala ko yung mga binabasa kong nobela na mga tigasin at cold na mga hero ay sobrang lambot pagdating sa mga heroine nila, parang ganon ang nakikita ko sa kanila.

"Let's go Macey, nauumay ako sa pagmumukha ng babaeng yan," hinila na ako ni Emilliana patungo sa hapag.

Ilang sandali lang ay dumating na rin sa hapag ang tatlo. Naupo ang ina ni Hades katabi ang sa nito habang pinaghila naman nito ng upuan ang babae na saktong nasa harap ko. Ang lahat ay naririto na kahit ang magpipinsan ay mukhang matahimik ngayon at hindi nag aasaran.

"I'm glad that you visit here, Sam," kausap ng Donya dito.

Matamis siyang ngumiti sa matanda. Napapagitnaan ako ni Emilliana at Kuya Joe. Si Bleu ay buhat ng mayordoma nila para makakain ako. Ilang saglit pa silang nagkumustahan bago ito napatingin sa gawi ko.

Base sa usapan nila ay mukhang malapit at kilala ng pamilya itong babaeng si Samaira.

"Whoa. There's a new girl here," dumako ang tingin niya sa katabi ko.

Nahihiya naman akong napayuko. Mukhang close ito sa lahat ng pamilya lalo na sa Mommy at Daddy ni Hades.

"Is she your girlfriend?" Napa-angat ako ng tingin dahil sa tanong nito.

Bumaling ako agad kay Kuya Joe na tumatawa. Nahagip ng paningin ko ang matalim na pagtitig ni Hades. Ano naman kaya ang problema nito.

"Well, let's just eat," aya ni Kuya Joe sa lahat.

Nagdasal kami bago kumain. Panay ang daldal ng Samaira habang kumakain. Pansin ko rin ang mahinhin at sosyaling pamamaraan nito ng pagkain. Nahihiya ako dahil halos kutsara at tinidor lang ang alam ko gamitin dito. Inaasikaso ako ni Kuya Joe kaya hindi ko na kailangan pang maghiwa ng iilang ulam.

Tahimik lang ako ngunit pansin ko ang pasulyap ni Samaira sa gawi ko. Minsan ay nahuhuli ko ang pagtaas ng kilay nito.
Nagpokus na lang ako sa pagkain ko at hindi na siya pinansin uli.

Matapos ang agahan ay inaya ako ni Emilliana na pumili ng putaheng lulutuin para sa outing ng pamilya. Pupunta kasi kami sa lawa malapit sa mansyon at iniisip na ni Emilliana ang ipapaluto niya.
Magkatabi kaming nakaupo ni Emilliana sa mahabang sofa habang si Kuya Joe naman ay nakaupo sa harapan namin habang buhat ang anak ko.

"I want nachos," ingos ni Emilliana.

"Then magpaluto ka ng nachos," sagot ko.

"Surely," ngisi nito saka nilista na sa papel.

"Sigurado ka bang magugustuhan ng lahat yan?" Sa paglilista namin ay puro lang mga gusto nito ang isinusulat niya sa papel.

Kahit na magtanong kay Kuya Joe kung ano ang gusto nito ay hindi niya ginawa, na para bang siya lang ang kakainin ng lahat. Kaya siguro malaman ito kasi ang motto niya ay "Food is life but foods is lifer" ang corny.

BEGONE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon