😫
Enjoy reading!BLANGKO ang isip ko hanggang kinabukasan. Hindi ko mapigilang makita ang imahe ni Hades noong gabi. Hindi ko alam pero ramdam ko, may kung ano ang kalapit ng galit na iyon, ng mga titig na iyon.
"Macey, hey?" kumurap ako ng ilang beses. Nakawagaygay sa harapan ko ang dalawang kamay ni Emilliana. Mukhang kanina pa akong tulala at nahulog sa malalim na pag iisip.
Tumikhim ako, "Ano... sorry."
Nakatitig lang sa akin ang kaibigan ko. Mukhang nabahala ito dahil sa inaasal ko.
"What's the problem?" tuluyan na nitong tanong. Agad naman akong umiling.
"W-Wala may naiisip lang," sagot ko sa tanong niya.
Tumaas ang nagtataray nitong kilay. Napaiwas ako ng tingin. Ayaw ko naman sabihin na iniisip ko ang naging reaksyon ni Hades kagabi. Galit pa rin siya sa pinsan niya, baka sugurin na naman niya ito at sumbatan.
"Fine," pagsuko niya. Napatanto niya sigurong hindi ako magsasalita.
Sumandal si Emilliana sa sandalan ng sofa, pinagkrus nito ang mga braso at may pag arteng hinawi ang maalon nitong buhok sa balikat.
"Though by the way, I have this question in my head for a long time since we became friends. You rarely tell me stories about your encounter with my jerk cousin." Nagsalubong ang kilay ko, naguguluhan ako sa sinasabi nito.
"You just told me about the bruises you got that day and how you felt abuse."
"Hmm.." pakikinig ko sa kanya.
"But you didn't even tell me how you met, how it happened to the two of you. I was even shocked when I found that my my fucking cousin is the jerk who tool advantage of you!"
Huminga siya ng malalim para kalmahin kunwari ang sarili pero alam ko sa loob nito'y sobrang asar na siya.
"Tell me how did you to met? Did he seduced you?"
Nahulog akong muli sa malalim na pag iisip. Sa totoo lamang ay wala na akong maalalang kahit ano sa nangyari noong gabing iyon. Tanging naaalala ko lang ay ang pagkuha ko sa pera at pagtakbo pauwi.
Sobrang lasing ako noon na halos buong gabing iyon ay hindi na malinaw sa utak ko. Naikuyon ko ang mga kamay ko at nagbaba ng tingin sa aking kandungan. Paano ko itong iku-kwento kung ako'y mismo ay walang maalala at kung maaari ay ayaw ko na maalala pa.
"So?" pag aabang nito sa sasabihin ko.
"H-Hindi ko alam kung ano ang mga nangyari lasing na lasing ako no'n." Napahawak si Emilliana sa noo nito.
"You're damned, Macey," sabi niya.
Napangiwi ako.
"Didn't you ask Kuya Hades?" umalma ang buong pagkatao ko sa sinabi niya.
"Galit na naman iyon sa akin. He hates me okay?" buntong hininga ko.
"May ginawa na naman ba siya sa'yo?" biglang pagtalim ng boses niya. Na siyang agad kong inilingan.
"Wala. Pero sinabihan niya akong sinungaling. Hindi ko naman siya masisisi, ang totoo ay wala akong plano na magpakasal sa kanya at sinabi ko lang sa lola niyo na magpapakasal kami dahil ayaw kong mag alala pa ito." Umusog ako papalapit sa kay Emilliana at hinawakan ko ang mga kamay niya.
Nagtataka itong tumingin sa akin. Problemado ang mukhang sinalubong ko ang tingin niya.
"Nakita ko Emilliana, nakita ko sa mata niya na nasasaktan siya." Napayuko ako.
BINABASA MO ANG
BEGONE (On-Going)
RandomDate Started: March 30,2020- Macey went to abroad with one goal it is to help her family in their financial problems. She worked hard in New York but she was out of luck. The available jobs she can apply are limited, and she was fired many times in...