"Always be humble."
Kabanata 9
"She can't be, Alex!" Napakislot ako nang marinig ang malakas na boses ni Emilliana.
Dumaing ako dahil sa sakit ng likod, umusog ako at patagilid na humiga. Masakit ang buo kong katawan kailangan kong makahanap ng pwestong magiging komportable ako. Pero napatigil ako nang mapagtanto ang mga nangyari kanina.
"Macey!" bulalas ni Emilliana. Tumihaya ako at minulat ang mga mata pero agad rin akong napapikit dahil sa nakakasilaw na ilaw.
Ilang beses ko munang kinurap ang mata bago naging malinaw ang paningin ko. Malambot ang puting kama.
"Nasaan ako?" wala sa sarili kong tanong.
Dinaluhan naman agad ako ni Ma eh at naupo ito sa gilid ko.
"Macey hey. Are you okay?" sinapo ni Emilliana ang kaliwa kong pisngi. Nagtaka ko siyang tinignan at binaling ang tingin sa paligid. Nagulat ako matapos mapansin ang lalaking nakatayo malapit sa saradong pinto. May suot itong puting damit na sigurado akong pangdoktor. Sinuri kong mabuti ang kanyang mukha at pangangatawan.
Isa na namang adonis!
Maputi ito, magulo ang tila kulot nitong buhok na brownish black. Magkasalubong ang kilay nitong katamtaman lang ang kapal. Ang ganda ng kilay niya ngunit ang kanang kilay niya ay parang may daplis o kaya naman ay sadyang binawasan. Hindi naman iyon nakabawas sa kagwapohan niya. Nagmukha nga siyang maangas sa may daplis niyang kilay.
Ang matulis at matangos nitong ilong ay nakakaingit lalo na at bagay na bagay iyon ipares sa maangas niyang pangga.
"Sino siya Emilliana?" tinuro ko ang lalaki.
"Oh, he's Alex cousin ko," nanigas ako nang sabihin niya ang pangalan nito.
Dumapo ang tingin ko sa mata niya. Kulay asul!
"A-Alex?" tumango si Emilliana. Tinitigan ko itong mabuti, hindi pamilyar sa'kin ang presensya niya, medyo mas magaan ito kesa sa 'Alex' na kilala ko.
"I'm Dr. Alexis Medel Montefrancia," pakilala nito gamit ang matipunong boses.
Dalawa na sa pinsan ni Emilliana ang nakita ko at talagang sinasampal lang sa pagmumukha ko na walang dudang biniyayaan talaga sila ng magagandang lahi. Ang swerte!
"I-I'm Macey Calseña," pakilala ko sa sarili. Unti-unting kumurba ang labi niya para sa isang ngiti.
"Did I intimidate you, Macey?" nanlaki ang mata ko saka mabilis na umiling.
"H-Hindi ano... ano kasi n-nahihiya ako," paliwanag ko gamit ang maliit na boses.
"Lessen your anggas vibes Kuya Alex, don't scare my friend. Tinakot na siya ni Kuya Freak kaya wag ka na dumagdag," masungit na puna ni Emilliana sa pinsan.
Minsan napapaisip ako kapag nagsasalita itong si Emilliana sa mga pinsan niyang mas nakakatanda sa kanya para itong boss, dahil sinisinghalan niya lamang ang mga ito minsan at iniirapan.
"Hey, Im not doing anything," depensa ng pinsan nito.
Nagtaas ito ng kilay na kinagulat ko, "And who's freak, we have three freaks brat."
Nagmukha itong mataray na bakla. Pinigilan ko ang mapahagikgik. Bumaling na lang ako kay Emilliana but then umikot na naman ang mga mata nito
"Einstein the genius, of course." Tumawa si naman ang pinsan nito.
"Oh well, the overprotective freaking genius." Umirap ulit si Emilliana dahil sa sinabi ng pinsan.
Kinulbit ko ang malamang gilid ni Emilliana kaya napatingin ito sakin. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya para bumulong, "Tigilan mo na nga yan baka maputol na yang ugat mo sa mata kakairap mo,"
BINABASA MO ANG
BEGONE (On-Going)
RandomDate Started: March 30,2020- Macey went to abroad with one goal it is to help her family in their financial problems. She worked hard in New York but she was out of luck. The available jobs she can apply are limited, and she was fired many times in...