"Always be humble."
Kabanata 1
Bitbit ang aking dalang maleta ay nagtungo na ako sa daan para makasakay sa eroplano. Nakalinya kaming mga pasahero habang isa isang nilalagay ang mga maleta sa isang makina na mags-scan sa dala namin. Nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy ba ako kung hindi ngunit sa tuwing naaalala ko ang nahihirapan kong itay at inay ay tila nawawala ang damdaming iyon at nabibigyan pa ako ng lakas ng loob.
Tutungo akong America at doon magtatrabaho. Makikipagsapalaran ako para sa pamilya ko. Para mabigyan ko sila ng maginhawang buhay na natagal ko nang nais.
"Talaga bang aalis ka anak?" tanong ni inay. Nasa bahay pa lamang ay paulit-ulit na niya iyong itinanong sa akin.
"Opo nay, nais ko kayong bigyan ng magandang buhay. Ayaw ko na kasing nagtatrabaho pa kayo," sagot ko. Graduate akong senior high school. May iilan din akong karanasan sa pagtatrabaho kaya hindi magiging problema sa'kin iyon.
Humingi ako ng tulong sa aking tiya para lamang maproseso ang mga papeles na kakailangan ko. Matagal ko nang plinano na mag ibang bansa at ito na iyo ngayon.
Napatingala ako nang marinig ang pagtawag sa lugar kung saan ako tutungo. Umalingawngaw sa buong airport ang boses ng babae. Nagmadali na akong naglakad tungo sa linya ng mga tao na magiging kasama ko sa eroplano. Ito ang unang beses na sasakay ako sa eroplano at medyo kinakabahan ako.
"Good morning ma'am, may I have your ticket?" magalang na bati sa'kin ng magandang stewardess.
"Good morning din," bati ko saka binigay sa kanya ang hawak kong ticket.
Pagpasok sa eroplano ay may sari-sarili ng upuan ang bawat isa. Naghanap ako ng bakanteng upuan saka naupo. Maliit lamang na shoulder bag ang meron ako na tanging ang nasa loob lamang ay pera at iilang mga papeles ko.
Tulala ako habang nakadungaw sa bintana ng eroplano. Nangangamba ako sa madadatnan ko doon sa America. Lalo pa at wala akong kasama at nag iisa lamang. Hindi ako pwedeng tumakbo lamang pauwi sa amin dahil sobrang layo nitong pupuntahan ko.
Nay, tay, sana po ay ipagdasal niyo itong magiging byahe ko.
Mahirap lamang kami nakakakain tatlong beses sa isang araw at palaging ulam ay tuyo o di kaya'y daing. Matanda na ang mga magulang ko ayaw ko na silang pagtrabahuhin kaya iyon ang nagtulak sa'kin mag ibang bansa. Anong buhay kaya ang naghihintay sa'kin doon. Sana naman ay huwag akong mahirapan.
Ramdam ko ang sakit ng aking buong katawan. Namamanhid ang tuktok ng aking dibdib at ramdam ko ang kirot at hapdi sa gitna ng mga hita ko. Umingos ako saka dahang minulat ang mga mata. Bumungad sakin ang puting kisame ng di kilalang kwarto. Kumabog sa kaba ang dibdib ko.
"Oh h-hindi!" Napabalikwas ako ng bangon. Nanginig ang mga kamay ko nang maulinangan na wala akong saplot.
"Hindi. Hindi maaari. Hindi!" paulit ulit na usal ko habang maghigpit ang hawak sa kumot na nakapulupot sa dibdib ko.
Nilibot ko ang aking paningin. Tahimik ang paligid at makalat. Nasa lapag ang mga damit ko habang ang mga gamit ay nagulo na sa ayos.
Jusko! Hindi ako nanaginip lang totoo ang nangyari. Ibinigay ko ang sarili ko sa isang estranghero. Halos maiyak ako dahil sa realisasyon. Muli ay bumalik sa alaala ko ang pagpapalayas ng manager sakin ng bar. Sinesante ako nito dahil sa mga palpak na pagserve ko sa mga customer.
Umiiyak ako sa sulok at natagpuan ng estrangherong umalok sakin ng isang gabi kapalit ng napakalaking halagang pera. Ang pera!
Pumikit ako habang sinusubukang igalaw ang mga binti ko. Sigurado akong umalis na iyon at iniwan ang perang pambayad ng puri ko. Nakakababa man kung pakinggan ngunit wala akong nagawa dahil ito na lamang ang maari kong kapitan sa oras na ito.
BINABASA MO ANG
BEGONE (On-Going)
RandomDate Started: March 30,2020- Macey went to abroad with one goal it is to help her family in their financial problems. She worked hard in New York but she was out of luck. The available jobs she can apply are limited, and she was fired many times in...